Chapter 32 : The Bloody History of Crimson Lake

Start from the beginning
                                    

“Papa ni Calix?” Naguguluhang sambit ni Ponzi.

“Calix? You mean yung poging captain ng college basketball team?” Tanong naman ni Sisa na para bang kinikilig.

“Bakit siya ang unang pinagbintangan?” Tanong pa ni Ponzi.

“Apparently, he owns the old local train station kaya siya agad ang unang napagbintangan. And besides, ayon pa dito sa statement ni Chief Toralba 10 years ago, may dati daw criminal record tong papa ni Calix kaya possible daw na siya ang pumapatay. Dahil sa ginawa ng pulpol na pulis nato, nagpakamatay ang papa ni Calix sa sobrang kahihiyan. Ang sama na kasi ng reputasyon niya tapos na-bankrupt pa ang train station niya. Doble-dobleng depression. Kawawang Calix.” Napabuntong hininga si Sisa, “Everyone thought the killer was finally dead pero isang araw may natagpuan na namang mga bangkay. At nasundan na naman. Sa sobrang pressure ng kapulisan at ng gobyerno, kung sino-sino na ang mga pinagbintangan. Tong Chief Toralba? Jusko, kung sino-sino ang mga inimbestigahan. Parang shunga. Dami niyang buhay na sinira.” Inis na napakamot si Sisa sa gulong-gulo niyang buhok. Hindi niya maiwasang magalit dahil sa mga nalaman.

“So what happened next?” Tanong pa ni Ponzi ngumisi si Sisa at tumango-tango.

“I’m glad you asked kasi here come’s the fishy part. Get this, one day lumutang sa publiko ang isang batang babae. Sabi niya kilala niya daw kung sino ang Killer kasi dinukot daw siya nito at isinilid sa isang sako but she apparently escaped and survived with few bruises and scratches.” Sabik na kwento ni Sisa na para bang may pinupunto kaya lalo lamang na naguluhan si Ponzi.

“What’s fishy about that?” Aniya.

“Duh! The killer only kidnaps teenage girls and rapes them kaya ba’t bigla siyang kikidnap ng isang 9 year old na batang babae? Masyadong malayo sa victimology! Look, this serial killer is good at what he’s doing kasi ni semen or dna wala siyang naiiwang trace. Hindi ba masyadong weird na may makakatakas mula sa kanya? Ayokong mambintang but this kid is definitely a liar. Boret, manloloko, manggogoyo, sinungaling, papansin, for God’s sake! This girl cried murder Ponzi!” Pagdidiin ni Sisa na para bang abot langit ang galit.

“Okay so what if she lied? Ba’t galit ka? Wala namang—“

Nagulat si Ponzi nang bigla na lamang kinuha ni Sisa ang isang lipstick mula sa bulsa, “Don’t judge me. Wala akong ballpen.” Walang emosyong sambit nito at binulugan ang mga kataga sa dyaryo na, ‘CRIMSON RIPPER, EMAN DE VERRA FOUND DEAD. PEACE RESTORED. CITY TO BE NAMED CRISON LAKE TO PAY AS TRIBUTE TO THOSE WHO SUFFERED AND START ANEW FREE FROM THE PAST.’

Sumipsip si Sisa ng kape at napabuntong-hininga.

“This 9 year old girl, sinabi lang naman niyang ang sinto-sintong si Eman De Verra ang pumapatay. Sabi niya nakasuot daw ito ng kulay pulang raincoat nang dukutin siya. Tong mga pulis namang desperado makahuli ng suspect, inaresto agad ang kawawang sinto-sinto. Then one day, he was found dead. Sabi nagpakamatay daw pero imposible. Kawawang tao. Pero nagtataka rin ako ah, bigla rin kasing tumigil ang patayan nang mamatay siya. Pero I’m 169% Hindi siya ang totoong crimson ripper.” Kwento pa ni Sisa na para bang sigurado sa bawat salitang binibitawan.

“Paano mo nasisigurong mabait yung Eman De Verra? Hindi ba natigil nga ang patayan nang mamatay siya?” Tanong ni Ponzi.

“First love told me so and I trust first love's judgements.” Taas-noong pagmamayabang ni Sisa kaya agad napangiwi si Ponzi.

The girl who cried murderWhere stories live. Discover now