Chapter 20 : Rippled Effects

71.9K 3.7K 1.2K
                                    

20.

Rippled effects

Third Person's POV

"Ford!" Tuluyang napasigaw si Ponzi nang makita ang malaking pintuan ng music room. Gawa ang pintuan sa makapal na bakal ngunit sa kabila nito ay may salamin naman sa gitna nito kaya malayang makikita ng kahit na sino ang loob ng malaking kwarto.

"Ford?! Pre andito na kami!" Muling sigaw ni Ponzi nang makalapit sa pinto. Dali-dali niyang pinihit ang doorknob ngunit nagimbal siya nang mapagtantong naka-lock ito.

"Fuck!" Biglang sigaw ni Kirk na pinagmamasdan na pala ang loob ng music room sa pamamagitan ng salamin sa pinto.

Lalong tumindi ang takot ni Ponzi sa naging reaksyon ni Kirk pero sa kabila ng takot niya'y mas pinili niya paring silipin kung ano ang nangyayari sa pinto.

"Hindi!" Umalingawngaw ang napakalakas na palahaw ni Ponzi nang makita niya sa loob ang matalik na kaibigan. Nakatayo ang nanginginig na si Ford sa isang bloke ng yelo samantalang nakapulupot naman sa leeg niya ang isang lubid na nakakabit sa kisame. Kapwa nakatali ang mga kamay sa kanyang likuran kaya wala itong magawa kundi ibalanse ang sarili sa yelo upang wag tuluyang mabigti.

Bakas ang matinding takot at sakit sa mukha ni Ford lalo na't walang sapin ang mga paa niyang nakapatong sa yelong labis na nagbibigay ng matinding sakit sa mga paa niya't pati narin sa buong katawan. 

May isinisigaw si Ford habang humahagulgol pero hindi ito marinig ni Ponzi at Kirk dahil soundproof ang kinaroroonan ni Ford.

"Ford pre wag kang gumalaw! Nandito na kami!" Muling nagsisigaw si Ponzi habang marahas na iniikot ng doorknob. 

"We need the keys!" Giit ni Kirk pero hindi nakikinig si Ponzi. Sa labis nitong pagkataranta ay halos hindi na ito makapag-isip ng maayos, para sa kanya, wala ng imposible. 

"Tulungan mo ako dito!" Habang marahas na iniikot ang doorknob, wala namang humpay na ibinabangga ni Ponzi ang sariling katawan sa bakal na pinto sa pag-asang mabubuksan niya ito.

Alam ni Kirk na imposible ang ginagawa ng huli pero hindi niya maalis ang kagustuhang tumulong kaya maging siya'y nagsimula naring kumalampag sa bakal na pinto.

Habang pilit na pwersahang binubuksan nila Kirk at Ponzi ang pinto, pahirap ng pahirap naman ang sitwasyon ng walang kalaban-labang si Ford.

Labis na ang sakit na dulot ng matinding lamig di lamang sa kanyang paa kundi pati narin sa kanyang buong katawan. Unti-unti ng natutunaw ang bloke ng yelong pinapatungan niya kaya pahigpit na ng pahigpit ang lubid na sumasakal sa kanyang leeg. Ubo na lamang siya ng ubo habang umiiyak.

"Ford! Ford! Sandali!" Lalo namang iyak ng iyak si Ponzi habang nakikita ang pagdurusa ng kaibigan. Hindi niya alintana kahit pa labis na ang pananakit ng kanyang balikat, patuloy niya paring ibinabangga ang sarili sa pinto.

"Tabi!" Umalingawngaw ang sigaw ni Tammy kaya kapwa napalingon sina Ponzi at Kirk.

Umiiyak man, agad kumurba ang malapad na ngiti sa mukha ni Ponzi nang makitang hindi nag-iisa si Tammy, kasama nito ang ilan sa mga gwardya ng eskwelahan at sa kamay nito ay isang susi.

"Bilis! Ang kaibigan ko!" Pagmamakaawa ni Ponzi na tuluyang nabuhayan ng loob.

Dali-daling inagaw ni Kirk mula sa gwardya ang susi at siya na mismo ang nagbukas ng pinto.

"Ford andito na ka--" Naiwang nakanganga si Ponzi  at agad na nawala ang ngiti sa kanyang mukha. Sa isang iglap, muling umagos ng walang humpay ang luha mula sa mga mata niya nang makitang nakaangat na ere ang nangingisay na mga paa ni Ford at nakatabingi na ang ulo nitong nakasabit sa isang makapal na lubid.

"No!" Umalingawngaw ang nakabibinging tili ni Tammy habang humahagulgol.

Lahat sila, hindi makapaniwala sa nakikita. 

Napasulyap si Kirk sa likod ng pinto at nakita niya ang isang mahabang tubo na nakakabit dito. 'Yun pala, oras na mabuksan ang pinto, maitutulak ng tubo ang bloke ng yelo, palayo sa mga paa ni Ford.

"Hindi! Hindi! Ford putangina mo! Gumising ka! Gumising ka!" Agad nagtatakbo si Ponzi palapit sa kaibigan. Hindi niya alintana ang matinding lamig nito. Walang pag-aanlinlangan  niyang niyakap ang mga paa ng kaibigan at pinilit itong kinarga pataas nang sa gayon ay wag na itong mabigti ngunit huli na.... nakadilat na ang mga mata ni Ford na pawang namumula matapos mamutok ang leeg nito mula sa biglang pagkakabigti. Huli na. Hindi na ito huminga. Hindi na ito gumalaw. Hindi na ito hihinga o gagalaw pa.

"Ponzi... Ponzi he's gone." Iyak ng iyak si Tammy at sa sobrang awa niya sa binata ay niyakap na lamang niya ito mula sa likod.

"Hindi! Ford sige na! Ford huminga ka na! Ford tutulungan kita! Ford bumaba ka na diyan!" Aligagang sambit ni Ponzi kahit hirap na itong huminga. Patulo'y parin niyang iniaangat ang katawan ng kaibigang yakap-yakap sa pag-asang gagalaw pa ito at makakahinga ng maayos.

"P-ponzi... Ponzi let go..." Nauutal na sambit ni Tammy sa pagitan ng kanyang mga hikbi.

Alam ni Ponzi na tama ang sinasabi ni Tammy kaya kahit masakit, mas pinili niyang ipikit ang kanyang mga mata.

Pikit mata siyang tumangis habang unti-unting binibitawan ang ngayo'y wala ng kabuhay-buhay na katawan ni Ford.

Unti-unting umatras si Ponzi hanggang sa tuluyan siyang nagtatakbo palayo habang umiiyak. 

Napalingon ang luhaang si Tammy kay Kirk na hanggang ngayo'y gulat na gulat. 

Matapos magpakawala ng hikbi, dali-daling nagtatakbo si Tammy upang habulin ng binatang nagtungo sa direksyon ng elevator.

Bago pa man tuluyang magsara ang pinto ng elevator na lulan lamang ay si Ponzi, nagawa ni Tammy na makahabol sa pagsakay rito. Unti-unting sumara ang pinto ng elevator at naiwan sa loob ang kapwa umiiyak na sina Ponzi at Tammy.

Para bang nanghina ang mga paa ni Ponzi, hindi niya alintana kahit na may ibang nakakakita sa kanya. Unti-unti siyang napaupo sa sahig, napasandal sa dingding at nagpatuloy sa pag-iyak.

"Ponzi tama na..." Dali-daling umupo si Tammy sa harap niya at hinawakan ng mahigpit ang mga kamay nito.

"Pakiramdam ko nawalan ulit ako ng kapatid. Alam mo ba kung gaano kasakit 'yon?" Mahinang sambit ni Ponzi habang pilit na kumakawala sa hawak ni Tammy.

"Alam ko." Mahinang sambit ni Tammy at agad na niyakap ng mahigpit ang binata. "Alam ko kung gaano kasakit mawalan ng kapatid." Lalong napahagulgol si Tammy at hinayaan si Ponzi na umiyak sa balikat niya.

END OF CHAPTER 20

The girl who cried murderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon