Chapter 29 : Ain't a coward

73.6K 4K 2K
                                    

29.

Ain't a coward

Tammy

Papalapit ng papalapit ang naririnig kong pagkalansing ng kadena. Takot na takot ako pero tinakpan ko na lamang ang bibig ko upang mapigilan ang sarili kong tumili. Habang hawak-hawak parin ang cellphone, gumapang ako pabalik sa kinaroroonan ni Milky. 

"M-milky he's here, he's coming. Oh God this cant be happening." Natataranta kong sambit at muling pumulot ng matalim na bubog. 

"Ha? S-sino?" Takot namang sambit ni Milky na nakabitin parin ng patiwarik. Unti-unti ng nalalaglag ang hair extension niyang may bahid ng dugo at ang fake eyelashes naman niya ay nasa noo na niya.

"Shhhh." Bulong ko at muling sinubukang putulin ang seatbelt.

"T-tammy?  Tammy, I can't feel my leg." Mangiyak-ngiyak na sambit ni Milky kaya tumigil ako sa ginagawa't napatingin sa kanya.

"No, you still can, I'm gonna get this fucking seatbelt off of you and we're going to run like hell." My voice started cracking just like Milky's. Nanginginig ang mga kamay ko at parang may sariling isip ang rumaragasa kong luha. Sobrang sakit na ng kamay ko pero hindi ko binibitawan ang bubog.

"Tammy takbo." Bulong niya habang humahagulgol. 

"Hindi." Iyak na lamang ako ng iyak. "Malapit natong maputol. Tatakbo tayo. Makakaalis tayong dalawa at sasabunutan natin si Quinn ng sabay." Sa sobrang panginginig ng kamay ko ay para na itong nawalan ng lakas at bigla ko na lamang nabitawan ang bubog.

Napasinghap ako at muling kinapa-kapa ang bubog sa sahig. Pilit kong pinipigilan ang paghikbi ko pero bigla na lamang hinawakan ng nanginginig na mga kamay ni Milky. Tiningnan ko ang kamay niya at lalo akong naiyak nang makita ko ang napakalakig hiwa nito. Sa sobrang laki, lumabas na ang buto niya at halos yupi na ito.

"Hin--Hindi ako duwag. 'Wag mo akong alalahanin." Suminghap siya't lumunok. Kitang-kita kong labis siyang nasasaktan at hinang-hina na pero pinipilit parin niyang ngumiti at magsalita. "I'll be okay. Please... Tammy tumakbo ka na. Para kay Dustin at sa mga magulang mo, tumakbo ka na." Umiiyak niyang sambit kaya umiling-iling parin ako.

"No! I'm not leaving you! Milky I wont---" Tili. Wala akong ibang nagawa kundi mapatili na lamang nang maramdaman kong may humila sa mga paa ko palabas ng sasakyan. Sinusubukan kong kumapit kay Milky o kahit na anong bagay pero hinang-hina na ako.

Namalayan ko na lamang na nakadapa na ako sa gitna ng kalsada. Basang-basa na ako sa ulan at humahalo na sa bahang kalsada ang dugo mula sa mga sugat ko. Paulit-ulit ang tunog ng kulog at kidlat na para bang pinagkakaisahan ako.

Wala na akong nararamdang nakahawak sa mga paa ko kaya tumihaya ako upang makita kung nasaan siya.

"No! No! Bitawan mo siya!" Tili na lamang ako ng tili nang makita kong si Milky naman ang sapilitan nitong kinakaladkad palabas ng sasakyan. Hinang-hina na si Milky at hindi na ito nakakapanglaban pa. Awang-awa ako sa kaibigan ko.

Ayokong tumakbo. Ayokong umalis.

Milky is my bestfriend and leaving her doesnt just make me a bad friend, it makes me a bad person.

Andami naming pinagsamahan ni Milky at ayokong may mangyaring masama sa kanya.

Nagulat ako nang makita ko ang isang kotse sa hindi kalayuan. Wala itong plate number at ang likod lang nito ang nakikita ko. Umiilaw ang backlight nito ng paulit-ulit.

The girl who cried murderWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu