Chapter 32 : The Bloody History of Crimson Lake

Start from the beginning
                                    

“Anong oras magsasara ang library?” Putol ni Ponzi kaya lalong napangiwi si Sisa.

“Wow ha? Nags-speech na ako’t lahat-lahat, puputulin mo lang? Pakyu bruh.” Walang emosyong sambit ni Sisa sabay taas ng middle finger niya.

Matapos kumain ng hapunan ay muling nagpatuloy ang dalawa sa paghahanap.

Napahikab si Sisa habang kumukuha ng lumang dyaryo mula sa aparador. Antok na antok na ang dalaga at pulang-pula na ang mga mata niya kaya kinuha muna niya ang kapeng nasa paanan at nilaklak ito. Napatingin siya sa direksyon ni Ponzi at napangiwi na lamang siya nang makitang nakatulog na ito sa ibabaw ng mga dyaryong binabasa.

“Whole day akong nakaharap sa mga lumang diyaryo. Wala pa akong ligo. Wala pa akong pahinga. Ang hapdi-hapdi na ng mga mata ko tapos ikaw natutulog lang diyan? Pakyu bruh. Pasalamat ka’t busog ako.” Bulong ni Sisa sa sarili at napasulyap na lamang sa relo. “Oh look, its 10 pm. Double pakyu bruh.” Sarcastikong dagdag nito.

Muling naupo si Sisa sa kanyang sofa at pinagmasdan ang hawak na dyaryo. Nanlaki ang mga mata niya sa nabasa at unti-unting kumurba ang ngiti sa mukha niya.

UNKNOWN MURDERER STRIKES AGAIN. BODY OF A TEENAGE GIRL STABBED TO DEATH FOUND FLOATING IN THE LAKE.

 

“Gotcha.” Napakagat si Sisa sa kanyang labi at kinuha ang iba pang kasama ng dyaryo sa loob ng cabinet. Hindi siya nabigo dahil ang lahat ng newspaper na laman nito ay patungkol nga sa Crimson Ripper.

*****

Unti-unting idinilat ni Ponzi ang namumulang mga mata at napahikab. Inilbot niya ang paningin at napabalikwas siya nang makita ang bulto-bultong newspaper na nakapalibot sa kanya.

“Shit! Sisa sorry nakatulog ako!” Tumayo si Ponzi upang hanapin ang dalaga ngunit laking gulat niya nang maabutan niya itong nakatayo sa harap ng isang malaking whiteboard na ngayo’y tadtad na ng mga newspaper.

“Sisa? Ano to?” Kunot-noong tanong ni Ponzi nang lapitan ang dalagang tila ba napakalalim ng iniisip.

“Sa dami ng city na nilipatan ko, ngayon ko lang naranasang makakita ng ganito. Kung may contest sa pa-weirduhan ng lungsod tiyak ang Crimson Lake ang panalo.” Walang emosyong sambit ni Sisa habang tinititigan ang isang pahina ng dyaryo.

“Ba’t di mo ako ginising? May nalaman ka ba?” Naguguluhan si Ponzi. Pilit niyang iniintindi kung ano ang ibig sabihin ng mga binilugan ni Sisa na mga salita gamit ang pulang tinta.

Tumango-tango si Sisa at muling pinagmasdan ang mga dyaryong natapos na niyang basahin.

“13 years ago, this place was called Magsasay de padua city but one day, may natagpuang ang isang bangkay na lumang estasyon ng tren. She was raped and brutally murdered. Nasundan pa ito. Bodies of raped teenagers were found day by day hanggang sa ang lawa naman ang naging tapunan ng bangkay. The whole city caved. Marami ang mga umalis dahil sa takot at maraming negosyo ang nagsara. Isang araw biglang inimbitahan sa police station tong si—“ Lalapit sana si Sisa upang tingnan ng malapitan ang dyaryong binabasa ngunit naunahan siya ni Ponzi.

The girl who cried murderWhere stories live. Discover now