Chapter 32 : The Bloody History of Crimson Lake

Magsimula sa umpisa
                                    

“Agapito Zosimo Tanya, What do you think of me? Patay-gutom? Okay fine, partly yes but Bitch, I’m filthy rich.” Pagmamayabang pa ni Sisa sabay flip ng buhok niya.

“Ako ang gagawa ng assignment, ng thesis, ng project, ng trabaho mo dito, just say it sisa! Gagawin ko!” Bulyaw ng desperado ng si Ponzi agad na nag-thumbs up sa kanya si Sisa at muling ngumisi.

***

“Welcome to my wonderhell!” Anunsyo ni Sisa nang makarating sila sa basement ng library sabay bukas ng napakaraming mga ilaw na agad nagwaksi sa tila ba walang hanggang kadiliman.

"Aminin mo na Agapito, my place is cool." Pagmamayabang ni Sisa sabay pagpag ng balikat niya.

"Stop calling me that."

Walang kabinta-bintana pero dahil sa makukulay na pader at graffiti ay parang may buhay narin ito. Namangha si Ponzi nang makita ang napakarami at naglalakihang mga cabinet at bookshelf na pumapalibot sa kanila.

“Asan ang mga newspapers niyo dito?” Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Ponzi kaya napabusangot na lamang si Sisa sabay kamot ng ulo niya.

“You have got to be specific kung ayaw mong malunod sa papel.” Giit nito.

“Ang Crimson Ripper. Kailangan ko ng lahat tungkol sa kanya.” Giit naman ni Ponzi kaya otomatikong napangiwi si Sisa.

“Huy Punse, kelan pa naging google ang pangalan ko? And besides what the hell is a Crimson Ripper? Comics ba ‘yan?” Naiinis man, hindi maiwasan ni Sisa na magtaka lalo na’t hindi ugali ni Ponzi na magseryoso.

“He’s a serial killer who terrorized this city years ago. I researched the internet but I came out with nothing. This whole town is keeping the whole thing a secret at tanging ang mga newspaper lang ang maaring makakapagbigay ng kasagutan. Tyler, Tessa, Joy, Stephen… At si Ford. Sisa kung hindi ko ‘to malulutas, mas marami pa ang mamamatay.”

Nang mabanggit ang pangalan ni Ford ay tuluyang nawala ang ngisi sa mukha ni Sisa. Gaya ni Ponzi ay bigla na lamang naging seryoso ang mukha ng dalaga.

Magkakaklase sila kaya naman alam ni Sisa kung gaaano kalapit sa isa’t-isa sina Ponzi, Ford at Dustin.

“Nasa rows 7-15 ang mga newspapers. Let’s get this over with.” Walang emosyong sambit si Sisa at agad na itinali ang mahaba at kulay pula niyang buhok.

*****

Ibinaba ni Sisa ang hawak na newspaper at napabuntong-hininga. Pinagmasdan niya ang bulto-bultong mga newspaper na nagkalat sa sahig na kailangan pa nilang isa-isang usisain.

“Oh my God! Bruh,  this is impossible! Nanunuyo na mata ko at bibigay na ang baga ko sa amoy ng alikabok!”

“Makakahanap rin tayo.” Pangangatwiran ni Ponzi habang kinukuha ang bulto-bultong newspaper mula sa loob ng isang cabinet.

“At dadagdagan mo pa talaga?!” Napangiwi na lamang si Sisa at pinagmasdan ang maliit na orasang nagsisilbing pendant ng kanyang kwintas. “Its almost 8pm! PM Ponzi! P.M! Buong araw na tayong nandito! Pati trabaho ko pinabayaan ko na! Pag-ako—“

The girl who cried murderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon