Seducing Mr. Perfect XVII

12.2K 194 6
                                    

-Tracy POV-

Nandito ako sa madilim na paligid.

Ang tanging ilaw na nakikita ko ay yung ilaw sa malayong lugar na hinahawakan ng isang lalake.

Tumingin saken ang lalake at nakita kong si Jake ito.

"Jake!"

Lumapit ako sa kanya at ngumiti siya sa akin.

Hahalikan ko na sana siya pero bigla siyang kinuha ng mga lalake at binaril.

Sumigaw ako ng nakita ko si Jake na duguan sa sahig.

Lalapitan ko sana yung mga lalake pero nawala sila.

Tumingin ako sa likuran ko at nakita ko si Geoff na parang nagagalit at marami kaming kasama.

Tumingin ako kung nasaan si Jake pero bigla siyang nawala.

*ring**ring*

0___0 Napamulat ang aking mga mata.

~____~ Phew. Panaginip lang pala.

Hinawakan ko ang mukha ko at hindi ko pala namalayan na may tumutulo pang luha sa mga mata ko.

Naalala ko kase kagabi na umiiyak ako tapos hindi ko lang namalayan na nakatulog na ako.

Hay. May klase pa pala ako. I should be strong

Operation make him fall for me nga eh.

Bumangon na ako sa kama ko at gumawa ng aking morning rituals.

Ang tanging pinag-kaiba lang ay hindi na ako nag nerdlook ko.

I wore a ¾ na polo na white at blue skirt. Na curl ko yung ilalim ng aking buhok with a white ribbon. Nag doll shoes. Nag handbag at naka transparent na contact lenses.  Naglagay din ako ng mascara, lipgloss at blush.

Tumingin ako sa mirror at ngumiti ako.

"That will be the last time you will see me cry Jake Travis. Today, I will make you fall for me"

Sumakay ako sa aking pink porche dahil may license naman ako. Kinuha ko ito noong nasa states pa ako.

Nang pumasok ako sa university ay andaming nakatingin sa sasakyan. Syempre alangan naman sa akin sila nakatingin. Tinted yung mga bintana.

Nagpark na ako at huminga ng malalim bago lumabas.

0_____0 *______*  @_______@

Ganyan ang mga mukha nila ng lumabas ako. Shocked parin siguro dahil second time ko palang pinakita sa kanila ang other side ko.

Lumakad na ako sa hallways and Shemay! Ang daming nagbubulungan.

"Wah! Tracy! Ang ganda!"

"My gosh! I like your shoes!"

"Ang ganda niya talaga pre!"

"Oo nga. Ba't di ko pinansin noon"

"Ang hot niya ngayon"

"Malas ni Jake, sa akin siya pupunta"

"Tangek pre! Liligawan ko yan mamaya"

"Ligaw lang pre? Papakasalan ko na yan!"

PSH. Whatever. Lumakad na ako papuntang classroom.

"Cassy!"

"Uy Abs!"

"May surpresa ako"

"Talaga? Ano?"

Tapos may biglang kumalabit sa likuran ko at tinabunan ang mata ko.

Seducing Mr. Perfect [COMPLETED] & EDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon