Chapter 21: Damsel in Distress

37 5 1
                                    


━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━
SoFia Alvarez

Yiehhh, please save me from falling for you crush! 😍😍

----

"Damsel in distress: a woman in trouble (with the implications that the woman needs to be rescued, by a prince in fairy tale) "

━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━

Tst. Pathetic damsel in distress, ayoko talaga sa mahihina. Nag-log out na ako sa fb pagkatapos kong mabasa ang shared post ni Fia.

Tumingin muna ako sa unahan bago ko pinagtuunan ng pansin ang mga paper works na hawak ko. 5 pages Narrative report, 5 pages Reaction and reflection papers mula sa 8 na subject nila Angel.



I'm 3 meters away from their school gate. Mula dito ay natatanaw ko ang mga naglalabasang mga estudyante, lunch break na kasi. Nandito ako para ipasa ang mga activities nila Angel na pinagawa nila kay Fia, na in the end ako din naman ang gumawa.


Ang problema ko nalang ay kung paano makakapasok sa school ng hindi napapansin ng guard.


Umalis ako mula sa pagkakasandal sa car, inayos ko muna ang black cap ko 'saka ako sumabay sa kumpol ng estudyanteng papasok sa campus. Binababa ko pa lalo ang suot kong cap para hindi nila mapansin ang mukha ko, para akong isang wanted.



"Miss, I.D mo?" tawag sa'kin ng guard. Huminto ako, pinapakiramdaman ang paligid. Hindi ko sure kung ako talaga ang tinawag. Akmang lalapit sa'kin ang guard ng biglang may busina sa likod ko. Agad linapitan ng guard 'yung kotse para i-check ang loob niyon. Kaya agad akong tumakbo papasok. Nakahinga ako ng maluwag ng makapasok ako ng walang gaanong gusot.


Hindi ko na alam kung saan pupunta, hanarin ko kaya si Fia? I realize that heaven loves me so much when i saw a familiar face. I bump into one of my boy classmates-opps, let me rephrase that, 'dating classmates' pala.


Hinila ko siya sa sulok at sinandal siya sa pader, akmang manlalaban siya pero natigilan ng makita ang mukha ko.


"Cha-Charity?" kinagat ko ang labi ko na parang na-gu-guilty sa ginawa. Cute daw ako pag nagmumukhang guilty or sorry.



"Nabigla ba kita?" I said softly. Kahinaan ng mga boys iyon.



"H-hindi, bakit nga pala?"


"Pwede mo bang ipasa itong mga paper works sa advicer ng section pain?" pakiusap ko at nag-pout pa. Siguro, sobrang cute ko na ngayon.



"Sige! 'Yan lang ba ang kailangan mo?" tanong niya, namula pa.



"Yup!" I said before smiling sweetly. Agad namang siyang tumango, kinuha niya ang mga papel sa'kin at umalis na.



Tsk. Tsk. Tsk. Walang talagang lalaking nakakatangi sa'kin. EXCEPT Lucas, i know.


Haistt. Nakakapagod palang mag-bait baitan. Kahanga hanga naman pala kahit papano si Angel. Hinintay ko muna 'yung boy na si? Hindi ko pala alam ang name niya. Basta, hinihintay ko siya para makasigurong napasa na niya talaga.


"Napasa ko na Chari! Nagandahan siya sa ginawa mo, ang talino mo talaga!" saad niya na parang proud na proud pa sa'kin. Nagkibit lang ako ng balikat.



"Lunch tayo? Sa cafeteria? Sagot ko!" I think that's a bad idea. Tatangi na sana ako nang...



"Tara! May inaaway sa School Cafeteria"



Loving You From Afar [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon