Muli tuloy akong napatingin sa labas. Biglang umahon ang kaba sa dibdib. Hindi kasi imposible na nandiyan sa labas si River. Alam kong parehas ang kursong kinukuha namin. Maliit ang tiyansang na mangyari iyon dahil halos limang sections mayroon para sa kurso namin. Pero kahit na. Hindi pa nga ako nakakabawi sa naging usapan namin ay makikita ko na naman siya.

"Quiet, class!" napatahimik naman ni Sir Frescano ang klase pero dinig pa rin ang bulungan at hagikhikan. "Let's start with Josephine's group, okay? Let's see hmm...Mr. Hernandez will take care of your group."

Pumasok ang isang morenong lalaki sa classroom namin. Namilog ang mata ni Patrick at kung makakapit siya sa upuan ay tila hihimatayin ito.

"Oh my fucking god. Ang sarap singhutin gabi gabi."

"Pat," natatawang sita ni Nadia.

"What? He's gorgeous!"

"For Vivian's group, you'll be assign to Ms. Cordero."

"Sis! Parang ang tigas ng lahat ng kaniya e. Tignan mo naman!"

Nagpatuloy si Sir Frescano sa pag-assign sa amin ng mga seniors at habang patagal nang patagal na hindi kami natatawag ay mas lalo akong kinakabahan. Nang mapatingin akong muli sa labas ay nakita ko na naman ang pamilyar na dalawang pares na mga mata.

My heart started to race. My palm sweats. This is what he do to my body. Whenever he's around, I get nervous. Something I don't usually feel towards men. Kaya kong makipagsabayan sa kanila. Pero pagdating kay River, alam kong kahit anong tago ko, may epekto siya sa akin. 

"And for Mr. Patrick Salonga, Mr. Espinoza is the one who'll handle you."

"Fucking yes!"

Umalingaw ngaw ang boses na iyon sa buong classroom. Halong tawanan at panlulumo tuloy ang nangibabaw sa buong klase. Samantalang ako, mas lalong dinaga ang dibdib. Lalo pa noong ramdam ko ang pagdiin ng tingin sa akin ng isang tao. 

"Watch your language, Mr. Salonga."

"Sorry, Sir." Saad naman ng bakla naming kaklase sa malalim na boses.

Hindi na ako makagalaw dahil sa unti-unting paglapit ng mga seniors sa pwesto namin. Hindi mapakali ang mata ko. Basta, nagulat na lang ako nang maamoy ang pamilyar na amoy. Nandito na siya sa grupo namin. Inasikaso siya ni Patrick, pinagpagan pa nga nito ang uupuan ni River.

"Hi." 

Nakita ko kung paanong nagulat ang mga kaklase ko. It's just a simple hi and yet they are overreacting. Sabagay, fresh pa rin sa iba iyong ginawa naming habulan noong nakaraan.

Sa maikling panahon na nalipat siya dito sa Tagaytay U, bilang lang sa daliri ko siyang nakitang nakipag usap sa ibang estdudyante. Iyong babae sa swimming pool ang pinakahuli kong nakitang kinausap niya.

"Have you eaten?"

Napakurot ako sa sariling kamay. Alam kong ako ang kinakausap niya kahit na hindi ko siya tignan. 

"Not yet?" He asked softly.

Patrick cleared his throat. Maging iyon ay hindi ko pinansin. Kahit na alam kong nasa akin na ang atensyon ng lahat, dahil mukhang sa akin lang nakapokus itong si River, hindi ko pinatulan ang ligaw tingin ng mga kaklase ko. 

Sa buong sandali na nag-d-discuss si Sir Frescano ay kahit isang beses, hindi ko nagawang iangat ang tingin ko sa lalaking nakaupo sa harapan ko. Nakapabilog kasi kami, saktuhan na nasa harapan ko ito. I kind of feel...intimidated by him.

"And now, you may discuss with your seniors about your strategy. Remember, I need the written report but don't you guys forget the promotional video. Pass it to me in a flash drive or if you want, you can burn a CD and attached your files together with the report. Get it?"

Against the Waves (THE PRESTIGE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon