"S-Sure."

Natawa siya ng bahagya kaya napasimangot ako. Pinaglalaruan niya ba ako?

"Mamaya nalang pala, tulugan mo nalang ako."

Lumapit siya sa akon at tinakpan 'yung carbonara. Hinila niya ako papunta sa sala tapos inaupo niya ako sa sofa.

"Nathan, I'm busy..."

"Sandali lang, please?" aniya. Pagkatapos ay naglabas siya ng gitara.

"Teka- Anong tulong ba? Hindi naman ako marunong mag gitara. Paano kita tutulungan?"

"May haharanahin kasi ako, kunwari ikaw muna. Hindi kasi ako sanay kumanta..."

Awtomatikong nagsalubong ang kilay ko at tumayo na ako pero hinawakan niya ako sa pala pulsuhan para pigilan. Tinitigan ko iyon bago ang mukha niyang nagsusumamo sa akin.

I don't have time for this bullshit!

Aba? Nakakalimutan yata ng gago na ito na ex boyfriend ko siya? We're not even that close of a friend! Tsaka pwede naman siyang magpractice ng mag-isa.

"Please?"

"Nathan, I'm really busy..."

Binitawan niya ang kamay ko at nagsimula siyang mag-strum ng gitara. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko at parang may gumapang na malamig na bagay sa batok ko, lalo na noong kumanta siya at nag-angat pa ng tingin sa akin.

"Chrishelle?" Nabalik lang ako sa ulirat noong tinawag ni Mark ang pangalan ko. Matigilan na rin si Nathan sa pagkanta at pagtugtog.

"M-Mark..." nauutal-utal kong banggit doon.

"Bakit hindi mo sinabing pupunta ka?" Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa braso, hinila niya ako palayo kay Nathan.

"I-I wanted to surprise you... Ipinagluto kita, nandoon sa kusina."

He let out a deep sigh, para bang nagpipigil siya ng galit dahil umigting ang panga niya kasabay ng marring pagpikit. "Alright."

Pinagsiklop mga ang mga kamay namin at dinala niya ako sa kusina. Hinanda niya yung niluto ko kanina at doon narin kami kumain.

"Bakit ka kinakantahan ni Nathan?"

"Kunwari daw ako muna yung haharanahin niya." Sagot ko naman.

"Tss..." pagpuluntong-hininga niya. "Haharanahin tapos 'yun ang kakantahin niya?"

"Nagseselos ka ba?" I asked.

"Hindi..."

"Hindi bagay sa'yo," saad ko.

Kunot noo siyang uminom ng tubig tapos naiinis na nagbaling ng tingin sa akin, "Hindi nga, bakit naman ako magseselos?"

"Oo nga pala, hindi mo nga pala... Napipilitan ka nga lang pala sa akin." Matamlay na sabi ko at itinuloy na lang ang pagkain.

"Drama na naman, Chrishelle? Hindi ako magseselos kasi, ako yung boyfriend mo. Akin ka. Ano pa bang kailangan kong gawin para patunayan sa'yo na hindi ako napipilitan lang?" He soumded annoyed. Tumayo siya at iniwan ako do'n sa kusina.

Napalabi na lang ako dahil sa naging reaksyon niya. Siguro nga kasalanan ko rin naman talaga. It is me who's the problem. Hindi ko kasi magawang magtiwala mg lubos sa ibang tao.

Hindi ko siya sinundan agad. I gave him time to cool down. Nilibang ko muna ang sarili ko sa panonood sa living room. Sa tapat ng living room ay malaking glass door, tanaw doon ang pool area nila Mark kung saan siya naroon ngayon.


May kausap siya sa cellphone at mukhang naiinis siya. May kung anong pwersa ang nagtulak sa akin para makinig doon ng patago, kaya naman ginawa ko.

I know it's wrong to gossip but I can't help it. Nagtago ako sa gilid ng bukas na sliding door.

"Oo, ayoko na. Ititigil ko na ang kontrata na 'to. Kalokohan lang naman 'yan, simula pa lang."

Noong una ay kalma pa ang pakikipag-usap niya pero kalaunan ay medyo napapasigaw na siya. Mukhang may kaaway talaga siya sa kabilang linya. Sino naman kaya 'yon?

"Ayoko na ngang gawin! Ano bang pakealam niyo sa kaniya? Hindi na nga ako kakanta... aalis na ako sa banda wag niyo lang siyang pakialaman!- Anong hindi puwede?! Huwag niyong sasaktan!"

Hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi ni Mark. Tsaka ano 'tong aalis na siya sa banda? Ayaw na talaga niyang maging vocalist ng SZZ?

Biglang dumulas 'yong sliding door na pinagtataguan ko kaya napamura ako dahil muntik na akong mapasubsob. Napatingin sa akin si Mark at namilog ang mga mata niya.

"N-Narinig mo ba?" tanong niya.

Nang araw na iyon ay inihatid na niya ako sa bahay. Pursigido niya akong tinanong kung anong mga narinig ko sa usapan nila noong kung sino man ang kausap niya sa phone. I answered it honestly naman.

Bakit ba kasi siya masyadong conscious na malaman ko? Girlfriend naman niya ako... may tinatago ba siya?

"Chrishelle Alvarez?" May isang babaeng estudyante ang humarang sa daanan ko. Mas matangkad siya sa akin ng kaunti at malaki ang katawan kunpara sa akin.

"Oo, bakit?"

"Hinahanap ka ng kaibigan mo sa likod ng school."

"Ha? Sinong-" Hindi na niya ako pinatapos sa pagtatanong, hinila niya na kaagad ako papunta direksyon kung nasaan ang likod ng school. Pagdating namin do'n ay matahas niya akong binitawan.

Luminga-linga ako, mga lima silang babaeng estudyante ang narito pero ni isa ay wala naman akong kakilala.

"Nasaan-" someone punched my belly kaya halos masuka ako do'n. Napapupo ako sa sahig at nahihilo-hilo na. I can't even understand what they're saying.

'Yong isa naman ay may hawak na tubo, handa pa yata akong hampasin noon. Napapikit nalang ako at hinintay ang impact noon.

But it never hit me. Pagmulat ko ay nakaharang na pala ang katawan ni Mark sa akin. Sa balikat niya tumama ang tubo.

"Miracle!!" rinig ko pang sabi niya bago ako mawalan ng malay.

The Playboy's ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon