Hindi ko maiwasang makaramdam ng galit. Pakiramdam ko anumang oras ay makakasuntok ako.

Magkahalong sakit at galit ang nararamdaman ko lalo na nung magsimula siyang umiyak sa harapan ko.

"I was scared of myself. I was scared that I might not love you as much as how you love me. I was scared that I might not be the right one for you. I was scared that I'll fail you. I was scared....that the past will still haunt me if I choose to be with you", umiiyak na sambit niya

Nagsimulang rumagasa ang luha sa mga mata ko matapos kong marinig ang sinabi niya.

Galit? Pait? Sakit? Hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Gagong gago na ko sa sarili ko.

"And that fear killed our child. Why the fuck would you be scared when I promised you I'll be here? I assured to protect you and love at all cost, so what scared you? Love....I told you I'll love you and accept you no matter what shape you are in. So why were you scared?", sumbat ko sa kanya

Hindi pa ba sapat ang lahat ng mga sinabi at pinangako ko sa kanya nung inalok ko siyang magpakasal?

Saan....saan ako nagkulang?

"I told you, if you were thinking about what happened in the past, let it go. That was just a fucking nightmare that all of us should forget. Pinatawad na kita, noon pa. Kahit wala akong narinig na kahit ano mula sayo. Alam mo kung anong mali? Ikaw. Kasi hindi mo kayang palayain ang sarili mo sa nakaraan", sambit ko

Mas lalo siyang humagulgol at tinakpan na niya ang mukha niya dahil sa sobrang pag-iyak na halos habulin na niya ang paghinga niya.

Gusto ko siyang puntahan. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong kunin ang lahat ng sakit na nararamdaman niya ngayon. Pero hindi ko na din kaya.

"Ilang beses kitang sinubukang isalba. Sinalo kita nung tinapon ka ng iba. Naniwala ako sayo kahit sinisi ka ng lahat. Minahal kita kahit na halos hindi na kita makilala. Higit sa lahat....bumalik ako para ipaglaban ka at magsimula ulit tayo ng panibagong simula. Kaya saan ka pa ba dapat matakot? Kasama mo ko, nandito ako. Kaya bakit ka natakot?", sambit ko

Hindi na niya magawang sumagot dahil sa sobrang pag-iyak. Na maski ako ay hindi ko alam kung paano ko papatahanin ang sarili ko.

Sobrang sakit. Habang nakikita ko siya ay naaalala ko ang lahat ng mga sinabi niyang parang isang sirang plakang paulit-ulit sa utak ko.

"I'm sorry....I'm really really sorry. Nasasaktan din ako. Anak ko din yung nawala", sambit niya

"Anak kong hindi ko man lang alam na nasa sinapupunan mo", seryosong sambit ko

Pakiramdam ko ay winawasak ang puso ko sa sobrang sakit. Hindi ko mailarawan iyong sakit na nararamdaman ko.

Kung pwede lang sana ay itulog ko na lang ang lahat at sa paggising ko ay wala na. Na para bang isang panaginip lang ang lahat, kaso hindi. Mulat na mulat ako sa katotohanang sobrang sakit.

"I love you, still. I hate myself for loving you despite the pain you are giving me. I still love you that it pains me everytime I see you cry and hurt like this. I still love you that I wanna curse myself for making you look like this. But love, can you blame me? I am hurt. I am drowning in pain that I don't even know how to save myself. This love is drowning me that neither I, could save myself", sambit ko

"I'm sorry", umiiyak na sabi niya

Napatango-tango ako ng dahan-dahan kahit hindi niya 'yon nakikita dahil nakatakip ang dalawang palad niya sa kanyang mukha.

"Mahal kita, sobra. My love for you is too much that I am forgiving you for what you've done. Your mistake was unforgivable, but the love I have for you is too powerful that it's making me forgive you", sambit ko

Hindi siya nagsalita at nagpatuloy sa paghagulgol.

I want to comfort her, but how can I do that when I couldn't even comfort myself?

"But for now....let's not see each other. I am not yet okay with seeing you. It pains me so much. Let me heal first. And if time would come and we'd meet again...I hope we still stand a chance", mahinang sambit ko

Iyon lang at tuluyan na nga akong tumayo at iniwan siyang umiiyak doon.

Nakita ko si Brynn na naglalakad papunta samin kaya napatigil ako at napatingin sa kanya.

"Ako na ang bahala sa kanya. Go on and rest. I know you're tired", sambit niya

Iyon lang at tuluyan na niya kong nilagpasan saka niya pinuntahan si Riona at inabutan ng tissue. Hinahagod niya ang likuran nito habang may sinasabi ngunit hindi ko na marinig.

Maybe....this would help you fix things between you two.

But for now...let me fix myself.

Tragedy of Love (Completed)Where stories live. Discover now