Chapter 6-Found

211 7 0
                                    

Readers,

Halos ang buong chapter po na ito ay excerpt sa isang scene sa story ni Marine Gals:Katarina Santa,Chapter 24-Siblings. Sa POV nga lang po ito ni Rhy/Kurt.

Read. Vote. Comment. Share. Add. Follow.

yuki_tin13

-------

Isa sa mga Israelian ang nagsabi kay Saul na ang babaeng pumatay kay Damian ay may asul na mga mata. Heaven just confirmed that its Kat. Gusto kong pilipitin ngayon ang leeg ng kababata kong iyon.

Nakikibalita ako sa isang tauhan ni Saul kung alam na nila ang kinaroroonan ni Kat. I make it sound like I want to help capture her. Hindi pa nagrereport iyong tauhan na kausap ko.

I know Kat can take care of herself idagdag pang nandoon si Cross--who I think will give his life for her--but still I care about her safety.

Si Liam ay bumalik na ng Texas. Habang iniintay ko ang tauhan ni Saul na magreport sa akin ay humarap muna ako sa laptop ko.

Hindi ko pa din kinakalimutan ang paghahanap sa mga kamag-anak ko. Liam thought me some technique in searching.

I sucked in my breath.

"Bloody hell.."

Nakaramdam ako ng pagsikip ng dibdib. My fingers were trembling habang ibinababa ang cursor para mabasa ang lahat ng nakasulat sa internet.

Tears were streaming down my face..

------

Dumating ang tauhan ni Saul. Nasa Pilipinas na daw ang hukbo ng Ambassador at kasama ang Chinese na pinuno ng mga ito na si Chen at ang dalawang Chinese fighting dolls ni Saul--ang kambal na si Xu at Xi. Si Xu at Xi ang itinuturing na pinakamagaling na bodyguard ng palasyo ng Israel. Tapat sila kay Saul dahil si Saul ang nag-alis sa kanila sa impyernong underground fights sa Yakuza HQ sa Osaka Japan.

Pagkaalis ng tauhan ni Saul ay mabilis kong inihanda ang gamit ko para umalis. Isinama ko si Angelina. Sinabi ko na kailangan niyang umalis sa bahay namin para masiguro ko ang kaligtasan niya. Panay ang tanong niya sa akin kung bakit pero ang panay kong isinasagot sa kanya ay saka ko na ipapaliwanag kapag natapos na ang lahat. Iniwanan ko siya sa isang kumbento sa Tel Aviv.

Nagmamadali ako. Kailangan kong makapunta agad sa Pilipinas. Nagbayad ako ng pribadong eroplano.

After seventeen hours flight, I am now in Siargao Island,Surigao del Norte. Doon sa mismong isla na pag-aari ni Cross. Tinanong ko si Liam kung saan sa Pilipinas nandoon si Cross at Kat. Wala na akong oras para hanapin pa sila. Matigas si Liam na wag sabihin sa akin kung nasaan si Cross at Kat pero pagkatapos ng mahaba-habang eksplanasyon ay sinabi niya din.

I never thought that Cross owns an island resort here in the Philippines. I asked the front desk where Cross is. Itinuro naman sa akin iyong opisina niya. Napapangisi ako. The woman is obviously flirting with me. Ground floor. Turn left sa dulo.

I knock though assassin never knocks. Walang sumagot. Pinihit ko ang doorknob at bukas iyon. Inaasahan ko na may baril na tututok sa noo ko--'coz I presumed that Cross know about me being s spy--pero hindi iyon ang nangyari. Walang tao sa loob. Nilibot ko ang loob ng opisina niya. May kalakihan iyon at organized. May lamesa sa isang sulok na may swivel chair at telephone. May sopa din. Tinungo ko iyong likod ng shelf na nagsisilbing parang dibisyon dahil sa likod noon ay parang may maliit na kitchen na may coffee maker,oven,dispenser at maliit na table.

Nadinig ko ang pagbukas at pag-click ng pintuan. Nagtago ako sa likod ng shelf. Nadinig ko ang boses ni Kat at Cross na nag-uusap or more likely ay nagtatalo katulad ng lagi nilang ginagawa. Kat wanted to talk to General. I heard what Cross said that they want to apprehend the spy first before go on killing. Bahagya ako gumalaw para sana silipin si Kat.

Marine Men: Taming The General's DaughterWhere stories live. Discover now