Aika did my hair first. Bahagya niyang ikinulot paahon ang natural na straight at mahaba kong buhok. Hindi pa siya natatapos ay narinig ko na ang ilang boses na paparating.

“Sino ‘yung dumating, Aika?” tanong ko habang ang mga mata ay nakatutok lamang sa salamin.

“Si Miss Jennie po, Miss. Kasama si Sir Judah.”

Kumunot ang noo ko. “Judah? You mean Judah na kapatid ni Jackson?” tanong ko.

“Oo, Miss.”

Natahimik ako at hindi na muling umimik dahil naaalala ko lang ‘yung nangyari kahapon. Pinanalangin ko na lang na huwag niya akong kausapin dahil ayokong may makaalam ng kaugnayan ko kay Jackson. Sa tingin ko naman ay hindi ako kakausapin ni Judah—

“Scarlet?” boses iyon ni Judah na ngayon ay nasa tabi ko na pala. I mentally slapped my forehead. Ang akala ko ay hindi niya ako kakausapin pero heto siya ngayon at talagang lumapit pa.

Bahagyang tumabi si Aika at itinigil ang pag-aayos sa akin. Nilingon ko si Judah at bahagyang ngumiti. Sa gilid niya ay nakatayo si Jennie Fortalejo at may dalang bottled water. Mabilis akong napatitig sa kanya. Seryoso itong nakatingin sa akin. At kung hindi ako nito nginitian agad ay iisipin kong masungit ito.

“You knew each other?” tanong ni Jennie at sumulyap sa akin.

“We just met yesterday. Kuya introduced me to her,” maikling sambit noong si Judah bago muling sumulyap sa akin na may ngisi sa labi. Kamukhang kamukha niya talaga si Jackson. Pero dahil sa palangiti si Judah ay mahahalata mong magkaiba sila ng personalidad ng nakatatandang kapatid.

“Si Kuya Jackson?” tanong muli ni Jennie na bahagyang nagulat habang tango lang ang isinagot ni Judah.

“Nice meeting you,” anito at nag-abot ng kamay sa akin. Agad ko iyong tinanggap at ngumiti pabalik sa kanya.

She called Jackson as kuya. Halatang malapit siya sa magkapatid na Judah at Jackson. Her family is one of the elites too. Hindi na rin ako nagtataka kung bakit hindi nangyari ang audition noon dahil sa kanya. Malapit siya kila Jackson at marahil iyon ang dahilan.

Pumwesto siya sa katabing high chair habang si Judah ay nagpaalam na. Aika continued my hair while my eyes are now focused on the mirror in front of me.

Nang matapos si Aika sa make-up namin ay agad akong tinawag ni Direk para magpalit ng damit. I am now wearing a black flirty cocktail dress. It’s a low cut bust that shows more of my legs and criss cross strap revealing my back and even my cleavage.

“The dress really complimented your fair skin!” Puri ni Direk at hinila ako papunta sa mga alahas na i-mo-model ngayon.

Direk started picking up the heart silver jewelry set before handling it to me. Una kong sinuot ang singsing bago ang hikaw at ang kwintas. Maganda ang disenyo noon at palagay ko ay maganda rin ang presyo. Sa gitna kasi ng heart necklace ay may maliit na diamond. And it’s really a real freaking diamond!

“I want you to give your best here. Prove to me that you’re not just a pretty face,” paalala ni Direk at nagsimulang lumakad papunta sa monitor at sinenyasan ang photographer.

I walked confidently on the platform with a white background. Pumwesto ako ayon sa gusto ng direktor at nagsimula akong kunan ng photographer. The first three pose was enough to impressed the director and the photographer. I pose naturally like a professional and nailed my first shoot.

“Beautiful, Darling! I love it!” Puno ng papuri ang buong silid dahil sa boses ni Direk.

“Try to flip your hair, Scarlet!” boses iyon ng photographer at agad ko namang ginawa.

Mad Billionaires 1: Naked Desire [R18] Where stories live. Discover now