Kabanata 3

3.6K 112 12
                                    

KABANATA 3: THE BOSS

"YOU'RE kidding me right?" ani ni Chloe matapos ko sa kanyang i-kwento ang nangyari. She thought I was just having a daydreaming today. Sinabi niyang dala lamang ng alak kung kaya kung ano ano na ang naiisip ko.

Pero kahit lasing ako noong gabing iyon ay hindi mawawala sa memorya ko lahat ng nangyari hanggang sa iwan ko ang lalaking iyon kinaumagahan sa penthouse niya. He was asleep when I left him. I didn't bothered to waked him up because what for? Am I supposed to bid goodbye to him? Ofcourse not!

It's been two days and I still think about it over and over again. One night stand is just for one night attachment. Kung sakaling magkrus man ang landas namin... dapat lang naman talagang ituring namin ang isa't isa na parang wala lang. Dahil ganoon naman dapat, hindi ba?

"I'm serious, okay? Nakipag one night stand nga ako."

Tumitig ako sa kanya ng seryoso at ganoon din siya sa akin. Nang makita niya ang kaseryosohan ko ay unti unting umawang ang labi niya at nanlaki ang mata. Tinuro niya ako at nabitawan ang hawak na throw pillow na kanina ay nasa hita niya lang.

"But how? Who? Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?" sunod sunod niyang tanong na tila nadismaya na ngayon ko lang in-open sa kanya ang nangyari. Knowing Chloe, she's more liberated and more experienced than me.

Umirap ako. "Can you calm down?"

"Oh my! Hindi ako makapaniwala. At anong pumasok sa isip mo?" tanong niya.

"Wala. Basta nangyari na lang. I was drunk and he invited me..."

Tumaas ang kilay ni Chloe. "Kaya ba bigla kang nawala nung gabing 'yon?" tanong niya.

Tumango naman ako.

"So who's that guy? Is he good looking? Is he rich? Please tell me he is. Hindi ko makakayanan kung pumatol ka sa isang cheap na lalaki," aniya.

Natahimik ako at muling naisip ang guwapong mukha ni Jackson. "Actually, he's good looking, much more appealing than Magnus, and also rich. He brought me to his penthouse in Makati that night."

Alerto namang tumango sa akin si Chloe. "His name is Jason. I just forgot his surname," pagsisinungaling ko kahit alam kong Jackson naman talaga ang pangalan noong lalaking kasama ko noong gabing iyon.

Kilala ko si Chloe. Kapag sinabi ko sa kanya ang tunay na pangalan noon ay hindi iyan titigil hangga't hindi niya ito nakikita. What happened between me and Jackson was done. Hanggang doon na lang iyon. Wala naman akong balak pang hanapin siya at mukhang ganoon din naman siya. He even warned me about blackmailing him. Asa naman siyang gagawin ko iyon sa kanya!

"Jason? Hmm, wala akong kilalang Jason sa circle natin. Have you got his surname?" tanong ni Chloe. Umiling ako. Sinasabi ko na nga ba. Lahat aalamin niya. Marami pa siyang tinanong ngunit pinapatay ko lang ang usapan sa pamamagitan ng pagsisinungaling at iba't ibang dahilan.

"But I thought you're so inlove with Magnus?" tanong niya ulit.

Nagbuntong hininga ako. "Actually, I'm not inlove with him. Yeah, I like him but not inlove. It's just so happened that he's the perfect guy for me," sambit ko at tumayo para pumili ng maisusuot.

May audition ako ngayon para sa isang kilalang jewelry line company. The company was originally based in New York but have different partnerships here in the Philippines. Balita ko ay filipino-american ang may ari ng kompanya. Sikat ang mga ito sa abroad dahil sa jewelries na kanilang gawa. At kung sakaling matatanggap ako ay maari kong mabayaran ang utang ni Daddy kahit paunti unti. Hindi lang iyon, pwede ko iyong gawing trabaho ng tuluyan at makapag-ipon.

Mad Billionaires 1: Naked Desire [R18] حيث تعيش القصص. اكتشف الآن