Napakagat naman ako ng ibabang labi ko. Sabi ko na nga ba anak 'to ng mafia e. Suportahan ba naman daw ako sa pagpatay kay Gio. Pero syempre hanggang sa utak ko lang 'yun pwede gawin, I have goals to fulfill.

I laughed at his remark and nodded. Umalis na si Adren dahil tinawag na siya sa harapan.

Tiningnan ko ang messenger ko. Sarathiel and I are now friends in Facebook but it seems as if he just accepted me out of boredom.

The bell rung, signalling that the torch for the opening of our Intramurals is about to get lit.

Maayos kaming bumaba papunta sa gymnasium. It's a really wide one. Bawing-bawi talaga ang binayad namin sa UJD pagdating sa facilities nila.

We saw different colors of shirt. My mouth was slight agape because of awe. Masyado na 'yata akong kulong sa room namin dahil ngayon ko lang napansin talaga ang iba't-ibang strand.

"Hi pwede mangligaw?"

I tilted my head to the direction of a STEM guy and a TVL girl. The STEM guy looked cocky.

"Pwede naman," the TVL girl smirked. "Hindi nga lang saakin."

Burned! Ngumisi naman ako, go girl! Nakita ko naman na ngumiwi 'yung lalaki. Akala niya siguro kina-gwapo niya 'yung pagsuot ng STEM shirt.

Ang lakas din kasi ng loob niya kausapin nang ganoon 'yung TVL girl. Mukhang 'yung TVL girl pa kasi 'yung muse ng TVL strand. She's gorgeous though so I can't blame the STEM guy.

"Zafirah!"

May tumawag sa pangalan ko kaya napalingon ako sa direksyon kung saan ito nagmula. It was Iscalade and he was waving his hand to me.

My eyebrows furrowed but I decided to wave a little. I think he's harmless. He looks nice.

Lumapit sa akin si Iscalade.

"You're Zafirah from ABM, right?" he was smiling from ear to ear.

Bakit marami bang mga gwapo sa mga tangkay?!

"Yeah, bakit?" tanong ko.

"Wala lang, I just wanted to say hi!" he chuckled. Ngumiti naman ako, he has a contagious laugh. Kahit di ka naman natatawa ay matatawa ka na lang din.

He looked shock for a moment and proceeded to say, "There's a stain on the back of your shirt."

"Hala," I uttered. Ghad! Baka no'ng naghaharutan kami ni Clary kanina ay nalagyan niya ng iced coffee niya!

"Wait, I'll try to fix it." seryosong sabi ni Iscalade.

Tumango naman ako. He really is nice! Tumalikod ako para kay Iscalade. Pinagpag niya 'yung t-shirt ko sa likod. Tumigil lang siya at tumawa nang mahina.

"What?"

"Hindi po ako nandito para makipag-away," he said in a serious tone but he immediately laugh.

Tumingin ako sa harap ko at nakitang nakatingin saamin si Sarathiel. He looks annoyed and he was furrowing his eyebrows at us. Nasa stage na kasi silang mga muse at escort.

He looks...good. He was also wearing a sportswear. Halos mga naka-jersey lang naman sila pero hindi ko alam bakit di ko matanggal 'yung tingin ko sa kanya. Siya ang unang nag-iwas ng tingin.

He chuckled. "Una na ako, Zafirah. Baka mamatay ako nang wala sa oras e. Kaya niyo 'yan, ABM!"

"Loko ka. Sige lang, go STEM!" I cheered. Ngumiti saakin si Iscalade bago siya tuluyang bumalik sa mga STEM.

"Sabi ko na nga ba, traydor ka e!" Nagulat ako nang sumulpot si Gio sa tabi ko.

Kumunot ang noo ko sa paratang niya. What? Traydor?

Hold You Accountable (Published) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon