"Ax! " Tawag ko pa at ngiting-ngiti na lumapit sa kaniya.

Tumawa siya at sumulyap sa may likuran ko bago ngumisi.

"Tuwang-tuwa ka naman na makita ako baby girl. Iisipin ko na tuloy na crush mo ako." Biro niya at inilahad ang dalawang braso.

Ngumiwi ako. "Anong gagawin ko diyan?" Turo ko sa dalawang braso niya.

Ngumisi siya lalo at sumulyap sa likuran ko. "Hingi yakap.. Jerace."

Nangunot ang noo ko sa pagbanggit niya noon. Para siyang robot na nang-aasar.

Yayakapin ko na sana siya nang may humawak sa baywang ko at tapikin ang mga braso ni Axel.

"Dream on, Ax." Mariing ani Drain na nasa tabi ko na.

Humalakhak ang kaniyang pinsan.  Ibinaba niya ang parehong braso at tumitig kay Drain. Inilagay niya ang kamay sa baba na kala mo'y nag-iisip.

"Ano? Ayos na ba?" Ngisi niya.

Kumunot ang noo ko at nilingon si Drain na masama na ang tingin kay Axel.

"Ano 'yon?" Takang ani ko.

Napatingin sa akin si Axel at nanlaki ang mga mata bago nilipat kay Drain.

"Hindi pa rin? What the fuck? Pinsan ba kita?" Tumawa siya. "Weak naman dude."

"Stop it, Axel."

"Tae ka talaga!" Tumawa ulit 'to.

Hindi ko na lang iyon pinansin. Hindi ko naman kasi maintindihan ang pinag-uusapan nila. Humarap ulit ako kay Axel at nginitian siya.

"Axel.." malambing na tawag ko.

Parehas silang natigilan sa pagtatalo. Nanlalaki ang mga matang napatingin sa akin si Axel.

"Oh? B-Bakit?" Sumulyap siya kay Drain.

"Picture tayo?"

Napakurap-kurap siya. Nangunot ang noo ko. Ano ayaw niya rin?

"Wait baby girl, paalam ka muna." Humalukipkip siya sa akin.

"Kanino ako magpapaalam?"

"Sa tabi-tabi."

"What?"

"Tsk!"

Marahas na kinuha sa akin ni Drain ang cellphone ko at inabot kay Axel. Hinigit niya ako papalapit at hinigpitan ang hawak sa baywang ko saka siya tumingin sa unahan.

Hindi ako nakagalaw. Gulat akong napatitig sa kaniya. Napatingin rin siya sa akin. Narinig ko ang panunukso ni ng kaniyang pinsan.

"Tingin na kayo dito!"

Kinakabahan akong tumingin sa unahan at ang nakangising Axel ang bumungad sa akin habang nakatutok sa amin ang cellphone ko.

"Masyado naman kayong malayo. Dikit pa guys!" Iminuwestra niya pa 'yon. Para siyang photographer kung makautos.

Sinunod iyon ni Drain. Halos kalimutan niya na ang personal space at hinigit pa lalo ako. Muntik na akong mabulunan!

"Iyan! Tingin dito! Smile!" Nagbilang siya gamit ang mga daliri saka kami ngumiti. Tiningnan niya ang kuha. Ngumiti siya sa amin. "Perfect!"

"Gago." Bulong ni Drain. Gulat akong napatingin sa kaniya. Simulyap siya sa akin at tumaas ang kilay.

"Isa pa! Iyong magkatinginan kayo." Si Axel. 

"What?" He grinned at me.

"W-Wala."

Umilaw ang cellphone ko kaya alam kong nakuhanan niya na kami.

The Unwanted Girlfriend (Unwanted Duology #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon