It was a long ride. Madali akong naidlip sa biyahe dahil inabot ako ng alas dos sa kakagawa ng projects kaninang madaling araw.

"Buhatin ang mahal na prinsesa!" Bigla akong nagising sa malakas na sigaw ni Lauren.

Nagulat ako nang makita ko kung sino ang bumubuhat sa akin. Si Jeth. "Hoy! Ibaba mo ko! Wag mo na kong dalin pa sa kama!"

"Oops!" biglang napatakip ng bibig si Drey.

Hayst.

Ibinaba naman niya ako saka pinaupo sa upuan. Nakita ko naman si Lauren na tawa nang tawa kaya inirapan ko siya. Gaga talaga.

Kapag siya inasar ko, baka magwala na naman siya diyan.

Tinawan ako ni Jeth. "Matulog ka na lang muna."

"Gusto mong ikaw patulugin ko sa suntok?"

"Patulugin sa yakap mo, pwede na." sinabayan pa ng ngisi.

Hambalusin ko kaya 'tong tukmol na 'to. Bigla ba namang babanat ng ganon.

Inirapan ko lang siya. Hay nako.

Quarter to 10 na rin ng makarating kami rito. Nagprepare naman si Lauren ng makakain namin dahil nagugutom na ko.

"Lover boy! Si Chubs oh! Nagugutom na! Subuan mo naman." kumakain kasi si Jeth ng tinapay doon sa gilid.

Lecheng Drey na 'to! Maingay! Bagay nga talaga silang magsama ni Lauren.

Lumapit naman sa akin si Jeth saka ibinigay sa akin yung tinapay na kakakagat niya lang. "Here. Binili ko yan sa convenience store."

Nahiya ako kaya hinatian ko na siya. "Hati tayo."

"Yieeee! Sign na ba yan na binibigay mo na kay lover boy yung kabiyak ng puso?" kantiyaw ni Drey.

"Manahimik ka!" nagulat pa kami ng sabay kaming magsabi non ni Jeth. Bigla tuloy kaming napatahimik.

Lauren kunin mo nga kasi rine yung asawa mo. Nakakainis na.

Buti pa si Zhely saka si Marcus na magkahawak ng kamay doon sa upuan hindi kinakantiyawan. Kami, magdidikit lang, tama ba yon?

Maya maya pa ay nilapag na ni Lauren yung sinigang saka adobo na niluto niya.

"Yiee! Masarap yan!" pagmamalaki pa ni gaga.

"Yiee! Paniguradong kasing asim ng mukha mo yung sinigang na 'to pag nagagalit."

Biglang inis na inilayo ni Lauren yung sinigang kay Drey. "Ayan, adobo na lang kainin mo! Lagi ka naman tinotoyo!"

Pffft. Animo'y nanonood ako ng isang  umaatikabong debate ako. Ayaw nilang magpatalo.

"Akin na nga yung sinigang pagtatiyagaan ko na lang!"

"Manigas ka! Mapuno sana ng toyo yang ulo mo."

Ang ingay nilang dalawa. Kumakain na nga't lahat. Tssk.

Lauren's POV

Walang hiya yung Drey na yun! Nakakainis talaga kahit kailan! Kung pwede nga lang hindi isama, iniwan ko na talaga!

Tapos ito pa! Kamalasan, naiwan kaming dalawa ni Drey dito sa Burnham Park! Magkasama si kuya saka si Shea! Si Marcus saka si Zhely! Tapos ako ito! Pinagtitiisan ko yung hampas lupa na 'to.

"Manahimik ka Drey Adriano kung ayaw mong ihagis kita sa lake!" Nakakainis. Kanina pa salita nang salita dito.

"Wag kang mag-alala tuta! Isasama kita!"

Hindi ko mapigilan yung inis ko sa kanya kaya nilayasan ko siya at saka nag-rent na lang ng bike. Bahala siya diyan.

Maya maya pa ay nakita kong nag-rent na rin siya ng bike. Mabilis niya akong hinabol at saka binunggo ako.

"Nakakainis ka! Bakit ba sumunod ka pa ha?!" tinaasan ko na ang tono ko.

"Ate oh! May mag-jowang nag-aaway." biglang kaming tinuro nung batang nagba-bike

Bigla kaagad nag-usok yung ilong ko sa narinig ko. Jowa???!!!

"Tuta ko lang siya pate. Ang lakas tumahol ng tuta ko noh?" sambit niya doon sa may bata at saka hinimas pa yung ulo ko.

Inis kong ibinalik yung bike na ni-rent ko.

Walang hiya talaga kahit kailan. Umupo na lang ako doon sa may upuan malapit sa lake.

Pamaya-maya may dala dala naman siyang mangga na may bagong. Binili ata doon sa nagtitinda. "Asim ng mukha ng tuta ko ah. Parang mangga."

Inis kong pinapakalma ang sarili ko. Mamaya talaga maihuhulog ko na 'to sa lake. Nakakabwisit eh!

Inalok niya pa ko ng mangga pero umayaw ako. "Sayo na! Laklakin mo!"

"Ang lakas mo namang tumahol!" pang-aasar niya pa sakin.

Inis ko siyang itinulak kaya ayon, laglag sa kinauupuan niya. Naghihilot pa ng likod.

"Serves you right!"

"Pag naabutan kita, patay ka sakin."

Tumakbo na agad ako pagkayari ko siyang itulak. Buti na lang talaga mabilis akong tumakbo. Hindi niya ako maabutan.

"Hoy tuta!" Hingal na hingal na siya.

"Ang hina mong tumakbo! Kaya pa?!"

"Madapa ka sana!"

Asa pa siya. "Bleeeeeh!"

Tawa lang ako nang tawa habang inis na inis naman siyang humahabol sa akin.

"Aray ko." Bigla akong napasalampak sa sahig nang mabangga ako ng bike.

"Sorry po." Sambit nung batang nagbabike saka umalis.

"BWAHAHAHHAHAHHA" humahagalpak sa kakatawa si Drey. "Karma is real! Hindi ka nga nadapa, nabundol ka naman."

Biglang nag-init ang ulo ko sa tawa niya. Tiningnan ko siya ng masama pero sige pa rin siya sa kakatawa.

"Tawa ka nang tawa! Mangkukulam ka ba ha?!"

He shrugged. "Who knows? A wizard from Hogwarts?"

"Lumayas layas ka sa harapan ko kung ayaw mong bambuhin kita ng walis ni Harry Potter!"

"Baka lumipad ka bago mo pa lang hawakan?!" Iniinis niya talaga ko. "Lipad Lauren, lipad Lauren."

Kinakantahan niya pa ko. Leche!!!

Sa inis ko sa kanya ay binato ko siya. Ang malas, tinamaan pa sa ulo.

Nagulat ako nang makitang may dugo. Hala!

Na-guilty tuloy ako sa ginawa ko.

Hindi siya tumingin sa akin. Inis siyang umalis at saka pumunta doon sa upuan.

Nilapitan ko siya pero hindi niya ko pinapansin. Nakita ko yung dugo sa ulo niya kaya kinuha ko yung panyo ko sa bulsa para punasan 'yon.

"Sorry na!"

"Mag-sosorry pero galit? Mukha bang karapat-dapat patawarin?"

Napakuyom ako ng kamao ko. "Eh pano ba kasi gusto mo?" pang-iinis ko sa kanya. "Sorrrrrryyyyyy."

Oh. Mahinhin na yung pagkakasabi ko non.

"Pasalamat ka. Hindi kita pinapatulan." walang ganang sambit niya.

"Talaga lang ha? Edi batuhin mo ko oh!" Kinuha ko pa yung bato sa sahig para ilagay doon sa kamay niya. "Yan naman gusto mo diba? Gusto mong gumanti?!"

Bigla niya akong tinitigan. Hindi ko maipaliwag ng maayos ang nangyayari sa sistema ko.

"Pasalamat ka gusto kita."

__________________☆

-CYRONGRAY













Tune of HeartsOnde histórias criam vida. Descubra agora