First Cup: Meeting a Weird Girl

Começar do início
                                    

"Hindi pwede! May utang ka pa sa 'kin! Kailangan mo akong ilibre!" sambit niya.

Tama ba ang narinig ko? Ako? May utang sa kanya? Kailan pa? Eh kung singilin ko kaya ito sa hot choco na bigla nitong kinuha at ininom. Tsk!

"Ako?! At bakit?! Kailan pa ako nagkautang sa 'yo?!" Ako, magkakautang? NO WAY! Rich kid 'ata 'to 'no.

"Oo ikaw! Alangan namang ako ang magkakautang sa sarili ko. Kailan at bakit ka nagkautang sa 'kin? Kanina. Dahil sa 'yo napaso ako! Kailangan mo akong bayaran. Ilibre mo ako!"

"Tsk!" Kakaiba talagang babae! Sisihin ba naman daw ba ako sa pagkakapaso niya? Tsk! She's really a one of a kind-CRAZY girl!

Hinatak na naman ako ng baliw na babaeng ito at dinala sa isang restaurant...sa isang MAMAHALING restaurant! Naku! Mukhang mamumulubi ako nito.

Pagkapasok namin sa restaurant, agad niyang tinawag ang waiter at um-order ng kung anu-ano. Hindi man lang nag-abalang magtanong kung may gusto ba akong orderin.

Umalis na 'yong waiter pagkatapos niyang um-order at nang mai-serve na ang MGA pagkain na in-order niya, nagsimula na siyang kumain. Nakakamay pa! Tss!

Grabe! Hindi manlang ako inalok kumain, eh parang isang barangay na nga 'yong in-order niya eh. Hays!

Tinitigan ko lang siya habang kumakain. Ang lakas niya kasing kumain, talo pa ang mga batang palaboy na namamalimos sa daan. Mukhang kulang pa nga 'yong mga in-order niya eh. Siguro hindi butete ang alaga nito sa t'yan, kundi anaconda!

"Oh? Ba't hindi ka pa kumakain? Hindi pa ba dumating 'yong in-order mo?" tanong niya sa 'kin, na nasa pagkain ang atensyon. Tsk!

"Hindi ako um-order. Madami naman 'yan, kaya share nalang tayo. Tutal ako din naman ang magbabayad ng mga 'yan." Sabi ko, tapos akma ko na sanang kukunin yung pasta pero tinabig niya yung kamay ko.

"Oops! Hindi pwede! Akin lang ang mga ito. Kulang pa nga ito sa 'kin eh. Kung gusto mo, um-order ka nalang ng iyo."

"'Wag na!"

"Oh c'mon! Don't be shy. 'Wag kang mahiya." pang-aasar niya sa 'kin. Tss.

"'Wag mahiya? Eh ako lang din naman ang magbabayad ng mga 'yan. Tapos, 'wag mahiya? WOW HA!" Tsk! This girl...This CRAZY girl is getting on my nerves! ARGHHH!!!

"Exactly! Kaya nga, 'wag kang mahiya dahil ikaw lang din naman ang magbabayad. Whether you like it or not. Tandaan mo, may utang ka sa 'kin."

"Tss." yan lang ang nasabi ko. Hindi ko nalang papatulan ang baliw na 'to. Ayokong tumanda ng maaga, dahil lang sa isang baliw na babae na pinipilit na may utang ako sa kanya, kahit wala naman talaga.

Sumubo siya ng lasagna, tapos uminom siya ng pineapple juice. Sumubo ulit siya.

"Ano nga palang pangalan mo?" pagtatanong niya, habang ngumunguya. Puno pa nga ng pagkain ang bibig niya eh. Psh! Walang manners! Lumilipad pa 'yong mga tiny particles ng kinain niya sa lamesa. Kadiri!

"Don't talk when your mouth is full," I said.

Uminom siya ng pineapple juice at nilunok lahat ng pagkain na nasa bibig niya.

"Oh? Okay na?" sabi niya, tapos pinakita niya pa sa 'kin na wala ng laman ang bibig niya. Isip-bata rin pala 'to. Face palm! "So, ano na? What's your name?"

P*cha! Kinuha niya ang hot choco ko, sinabihan niya akong may utang sa kanya at hinatak pa ako papunta dito para magpalibre tapos hindi niya pala alam ang pangalan ko! Atsaka kanina pa kaming magkasama pero ngayon niya lang naisipang itanong ang pangalan ko. Tsk!

LOVE AT FIRST CUPOnde histórias criam vida. Descubra agora