2

75 0 0
                                    

NAGISING si Taz dahil sa ingay nang umagang iyon. She was really in a foul mood. Ano pa bang bago dito sa apartment niya? Nanggigigil na inayos niya ang kama. Ini-on ang laptop at tiningnan ang email niya. Naririnig pa rin niya ang ingay sa kabila. She was so mad, she was so close to tears. Ang oa, hindi ba?

Pero sa mga taong kulang sa tulog at gusto pang matulog, it was serious. For goodness's sake, they were sharing the same wall! Hindi ba talaga marunong ang mga ito ng common courtesy?! Nag-meeting na sila months ago, pero ilang araw lang ang lumipas ay balik na naman sa pag-iingay ang mga bruha.

Mabuti na lang at naipadala na ng amo niya sa kanyang bank account ang sweldo niya ng buwang iyon. Kahit papaano ay may rason siya para ngumiti. Pero hindi pa rin, eh. Naghilamos siya at inayos ang buhok. Pupunta siya sa kanyang landlady na nasa malapit lang naman. Kailangan na niyang magreklamo.

Nang makarating sa bahay ng landlady ay magalang siyang nag-good morning. Ayaw na ayaw niyang nagpupunta pa roon para magreklamo pero hindi na niya kaya.

"Ate Issa, nag-iingay na naman ho ang nasa kabila. Ni wala pa 'kong tulog," mahinahon niyang wika. Kahit na ba mas gusto niyang sabihin na, 'Ang ingay na naman ng tenants mo! Gusto ko na silang ipa-salvage!'.

Nagkamot ito ng ulo. Nais niyang matawa. Wala pang suklay ang buhok nito. Nasa mid-thirties na ito. Hiwalay sa asawa at walang anak. Okay naman ito kaya lang tsismosa at medyo masungit minsan.

Masungit din naman siya minsan kaya naiintindihan niya.

"Ano, magpapa-meeting na naman ba ulit?" nakakunot ang noong wika nito.
Gusto niyang pumadyak sa harap nito. Anong klaseng sagot iyon?

Dapak!

"Hindi na kailangan. Hindi rin naman nakakaintindi ang mga 'yon. Pero sana, Ate Issa, mapagsabihan niyo sila. Pare-pareho lang kaming nagbabayad dito."

"Hayaan mo na lang, tatahimik din ang mga 'yan."

She sighed. At kailan pa kaya tatahimik ang mga iyon?

"Parang malabo po 'yang mangyari. Basta naiinis na po ako sa mga 'yan. Sige po, salamat," aniya at tumalikod na. Ayaw na niyang marinig ang walang kwentang sagot ng landlady niya.
Nagbabayad siya ng four thousand kada buwan para sa renta sa apartment. Excluded pa ang bayad sa kuryente at tubig. Pakiramdam niya ay luging-lugi siya. Napatingin siya sa langit. Lord naman, sana makakita ako ng maganda tirahan. Kahit hindi malaki, basta tahimik lang. Lord, ha?

Nagdesisyon siyang umalis nang araw na iyon. Nagpunta na nga sa eskuwelahan ang maiingay na mga estudyante, pumalit naman ang videoke ng kapitbahay niya na nasa likuran ng apartment. Dinig na dinig na niya ang pagbirit ng 'Delilah' at 'Pusong Bato'. Sigurado siyang ang susunod ay mga kanta naman ni Tom Jones.

Magbabayad na lamang siya ng Internet. Kailangan niyang umalis at baka magka-highblood pa siya. Sana may nabibiling pasensiya at siguradong bibili siya ng isang dosena. O ng forever supply of patience pa, kung afford niya.

Mabuti na lang at wala masyadong tao. Agad siyang nakapagbayad. Palabas na siya sa office ng Internet provider niya nang makatanggap ng text sa nanay niya. Aalis daw ito bukas at maghahanap ng caretaker. Nag-reply naman siya at nagtanong kung para saan. Minsan talaga ang mama niya, hindi kumpletong information ang ite-text kaya maiintriga ka tuloy.

Para sa bahay ng Ninang Merry mo. Magbabakasyon kasi siya sa anak niya, sa Canada. Walang maiiwan sa bahay niya, reply ng mama niya.

Ninang Merry? Medyo buffering ang utak niya, kasi naman ilang taon na silang hindi nagkikita ng Ninang Merry niya at aba ang dami na nitong utang na pasko sa kanya. Natawa siya.

His UnintendedWhere stories live. Discover now