Pagkadating namin sa ground floor makikitang mas maraming tao do'n. May tinitignan sila sa may sahig.
Sinipat ko itong maigi kahit medyo malayo pa kami sa dami ng tao.

Isa itong babae na naka uniporme ng school namin. Nakahandusay ito sa sahig at duguan ang kaniyang ulo. Hindi ko naman makita ang mukha dahil nahaharangan ng mga hibla ng buhok. Puro pasa ang magkabilang-braso niya at may wakwak pa ang blouse na kaniyang suot sa may tagiliran.

Tinignan ko ang mga tao sa paligid, may nandidiri, may nagtsitsismisan, may naiiyak pero meron ding walang pakialam.

Sino ba ang babaeng ito?

Nakita kong nilapitan ito ni mama, pinagmasdan ang buong katawan saka niyakap ng mahigpit ang hindi ko makilalang babae.

"Eliooorrrriii!" Palahaw niya saka siya tumingala sa mga tao. Hindi alintana na mukha siyang kalunos-lunos.

Sa wakas nakakarinig na muli ako ngunit ako'y naguguluhan.
Bakit niya tinatawag ang pangalan ko? Eh, nandito lang naman ako?

Ilang minuto na ang lumipas patuloy pa rin umiiyak si mama at hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung sino ba talaga 'yun.

Napansin ko lang, bakit walang pumapansin sa'kin? Dati-rati ay tatapunan na nila ako ng matatalim na tingin na nagsasabing 'ba't dito ka dumaraan?'. Ang mga lalaki naman ay nakahanda na ang mga binilot na papel para ibato sa'kin, sa kahit anong parte ng aking katawan. O 'di kaya naman may suntok akong natatamo, 'pag trip nila.

Habang nakalupasay sa sahig, patuloy umiiyak ang aking ina. Inayos nito ang higa ng babae kaya nakita ko ang mukha niya. Hinawakan niya ito sa mukha gamit ng dalawang kamay saka hinalikan sa noo.

Ako? Ako ang babae iyon? Pero bakit?

"Annaaaaaakkk! Bakit mo ko iniwan?" Hagulgol ni mama. "Ba't ka sumuko.."

"Hindi, buhay pa 'ko! Magtatapos pa 'ko ng college,  marami pa kaming gagawin ni mama! Nangako akong hindi ko siya iiwan pero.. Bumitiw ako."

Tumingin ako sa gilid ko nakita ko ang magkaibigan na madalas mang-away sa'kin. Walang pag-aalinlangang hinawakan ko ang dalawa.

"Natasha! Lorraine! Sabihin niyong prank lang 'to!  Hindi pa ko patay! Kahit magalit kayo sa'kin forever, kahit maging alalay niyo ko lagi, ayos lang. Sabihin niyo lang na.. hindi totoo ang lahat." Pagmamakaawa ko saka lumuhod kahit alam kong hindi naman nila ako nakikita.

Pero parang kumakausap lang ako sa hangin ni hindi nila ako tinapunan ng tingin. Nakita ko namang napapiksi si Natasha at Lorraine, tila bang kinilabutan pa ang dalawa.

"Eliori..."

Tumingin ako sa paligid, may tumawag sa'kin. Ibig sabihin buhay pa 'ko!

Hinanap ko kung sino ang tumawag sa'kin.

Nakita ko sa'king likod si Janette, nakasuot ng napakaputing bestida. Napakaaliwalas ng kaniyang mukha.

Hindi ba't nasagasaan siya kanina? Bakit parang wala siyang mga gasgas at sugat?

"Eliori... Patay ka na. Tayong dalawa."

Saglit akong natulala saka pagkabawi ay tumawa ako.

"Anong sinasabi mo? Ako, Nette, gusto ko pang mabuhay." Ngumiti ako ng pilit.

"Talaga? Bakit tinapos mo ang buhay mo?"

Hindi ako nakapagsalita.

*Flashback*

Break time namin. Nakakalat na naman sa bawat gilid ng pasilyo ang mga ka-schoolmate ko. Ako naman ay kalalabas ko lang ng classroom namin dahil bilang scholar kailangan kong sundin ang mga iuutos ng teachers. Pero mas ayos lang sa'kin na utusan ako ng mga teachers kaysa pagtripan nila ako.

Invisible Scream (One-Shot) Where stories live. Discover now