Invisible Scream

31 7 0
                                    


Naglalakad ako sa mataong parte ng aming school. Sa bawat gilid hindi pwedeng may bakante. May nag-uusap tungkol sa quiz, gala, crush o sa teacher na kanilang kinaiinisan. Pero habang binabaybay ko ang masikip na pasilyo, do'n ko napagtanto na nag-iisa ako. Maraming tao sa paligid pero pakiramdam ko wala silang lahat. Tila hindi nila alintana ang isang tulad ko.

"Oh, Eliori!" May narinig akong tumawag sa pangalan ko ngunit 'di ko alam kung sino.

Paano ko hahanapin? Eh, napakatao ng lugar. Kaya nagpatuloy ako sa paglalakad. Bakit ba walang napansin sa'kin? Mga kilala ko naman sila at 'yung iba kilala rin ako. Nakalimutan na ba nila ako?

Umikot ang paningin ko, kasabay nito ang pagbabago ng kapaligiran. Mula sa school ay napunta ako sa bahay namin. Nakita ko na nasa kusina ang aking ina at nagluluto ng paborito kong sinigang na baka. Halatang masaya ito at kumakanta-kanta pa.

Lalapitan ko na sana ito para ipaalam na nasa bahay na 'ko.
Pero bago pa ko makalapit, tumunog ang cellphone niya na nakapatong sa lamesa. Agad naman siyang napatigil sa pagluluto at tinignan ang cellphone.

Bumakas ang pagtataka sa kaniyang mukha, ang kaninang masayang mukha ay napalitan ng pangamba. Sinagot niya ang tawag kahit nag- aalinlangan.

Hindi ako makapaniwala kung gaano kabilis na bumagsak ang aking ina paupo sa malamig na semento ng aming bahay at sumigaw ng pagkakalakas lakas.

"Elioooriiiii!!" Saka siya nanangis na tila wala ng bukas.

Ano ba ang sinabi ng tumawag dahilan para magkaganiyan siya?

Hindi ko alam ang gagawin, para akong napatda sa kinatatayuan. Alam kong sumigaw siya pero bakit hindi ko yata narinig? Bakit wala akong marinig? Pinutulan ba 'ko ng tainga?

Nang mahismasan, agad itong nag tungo sa kuwarto niya at nag bihis wari'y pupuntahan ang kung sinong tumawag sa kaniya.

Ano bang nangyayari?

Una, walang pumapansin sa'kin. Tapos may tumatawag sa'kin, hindi ko naman alam kung sino. Ang huli, hindi alintana ng nanay ko ang presensiya ko kahit man lang maramdaman niyang may kasama siyang iba, wala talaga.

Mabilis lang ang pag aayos ng nanay ko marahil ay nagmamadali talaga siya ngayon. Ni hindi niya yata nakuhang maglagay ng kung anu-anong kolorete sa mukha. Kaya naman sumunod nalang ako kung sa'n siya patungo.

Sumakay si mama sa tricycle, may sinasabi siya pero hindi ko talaga marinig ang pinag uusapan nila at kung saan siya magpapahatid. Habang siya ay nasa loob ako naman naka angkas sa likuran. Habang lulan ay tinitignan ko ang mga nadadaanan naming mga tao. Nang tumigil, akala ko'y nakarating na kami 'yun pala traffic, napasulyap ako sa kabilang kalsada at nakita ang kaibigan kong babae na si Janette.

Nang magkasalubong ang aming mga tingin, kataka-taka ang reaksiyon sa kaniyang mukha, para siyang nakakita ng multo. Natawid pa naman siya at dahil may kakaiba sa araw na ito nasagasaan ang kaibigan ko.

Ano bang mali? Parang may hindi tama sa nangyayari.

Muling umandar ang tricycle samantalang pinagkaguluhan naman ang duguang babae na nadurog ang buong katawan.

Nakarating kami sa eskwelahan, muli kong nakita ang mga nagkalat na estudyante pero ngayon bakas na sa kanilang mukha ang takot at pagkabahala hindi katulad kanina na ang saya-saya nila tignan.

Pumasok si mama sa loob, para naman siyang reyna dahil lahat ng nakakalat na tao ay nagbigay-daan para siya'y makaraan.

Patuloy pa rin ako sa pagsunod dahil gusto kong malaman kung ano bang sanhi ng mga reaksiyon nilang 'yon. Hindi ako sanay, eh.

Invisible Scream (One-Shot) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora