[25] BROKEN

972 8 4
                                    

25th Chapter!! Yahoo!!! haha nakakagulat lang isipin na aabot ako ng ganitong kahaba and of course I know medyo nawawala na konti  yung story? Hahah I know medyo malabo na but I still want to say na tatapusin ko pa rin ito kahit anong mangyari :)) For  some of my beloved readers I will do this for you guys... I thank you bow....

--------------------------------------------------------------------------

DANIEL'S POV

Chandria:  DJ....DJ....HOY DJ!!!

Daniel: H..huh? Ano sabi mo ulit?

Chandria: Wow sayang lang pala ang laway ko dito sa kakadaldal. Bakit anong problema at parang binagsakan ka ng mga tala. Pasan mo ang daigdig ang peg mo ngayon? Hindi bagay sa iyo....hahaha

Imbes na usual kong sinasabayan ang mga banat ni Chandria pinilit ko na lang ngumiti sa harapan nya para hindi sya mag-alala.

Chandria: Ui...Dj anong problema mo? Hindi ako sanay na ganyan ka eh. Sige na sabihin mo na ang problema mo tutal magkaibigan naman tayong dalawa eh.

Daniel: Sige na nga...Chandria naalala mo na sinabi ko sa iyo about sa amin ni Kath di ba?

Chandria: Oh ano naman about kay Kath? Ano nangyari..

Daniel:  Ewan ko kung praning lang ako oh hindi pero kasi napapansin ko after ng new year bigla na lang sya nagiging distant sa akin. Yung kumpara dati na super close kami at comfortable sa isa't-isa ngayon one way or another pag kaming dalawa na lang bumalik kami sa awkward na relationship.

Chandria:  May ginawa ka bang mali kaya ganun ang trato sa iyo ni Kath?

Daniel:  Wala naman, at isa pa bakit ko naman sya lolokohin or sasaktan eh alam naman nyang gustong-gusto ko sya. Chandria ewan ko talaga...sobrang naguguluhan na ako dito. Ano kaya ang pwede kong gawin?

Habang sinasabi ko ang lahat nio sa kanya hindi ko namalayan na tumulo na ang mga luha ko kaya walang anu-ano pinunasan ni Chandria ang mga luha ko. 

Chandria: Siguro kaya ganun sya kasi may hinaharap sya ngayong problema at ayaw nyang sabihin sa ibang tao. 

Daniel:  Pwede pero alam naman nya pag may problema sya nandito naman lagi tayo para sa kanya. Hindi nya kailangan kimkimin or solohin ang mga problema nya. She can tell it to us after all  she can trust us di ba?

Chandria:  Pero minsan maganda din solohin mo ang isang problema. Kaya siguro tinatago nya yun dahil ayaw lang nya madamay ang mga mahal nya sa buhay. Kumbaga mas maganda na sya na lang ang masaktan or mamorblema kesa ang ibang tao lalo na't mga mahal nya sa buhay ang involve dun. 

Habang sinasabi nya yun kita ko sa kanya ang mga lungkot sa mata nya. Bawat sabi nya yun parang may laman? Na parang may alam sya na hindi ko alam. Na may pahiwatig yun.

Before pa ako magisip-isp humarap uli sya sa akin na may ngiti na sa mga labi nya.

Chandria:  You just need to trust her and wait for her na sya na mismo ang magopen-up sayo okay? Kaya wag ka na magmukmok dyan at hindi bagay sa iyo. Mukha kang unggoy hahaha.

Daniel: Unggoy pala ha? Tignan lang natin.

At kiniliti ko na ng todo-todo si Chandria. Tawa lang kami ng tawa. After ng tawanan namin niyakap ko ng higpit si Chandria.

LOVE IN DISGUISE (KathNiel)Where stories live. Discover now