A

16 0 0
                                        

Magsimula tayo sa dulo.

Magsimula tayo sa ngayon— kung saan ang dulo ay laging napapalitan sa bawat pagpatak ng oras.

Magsimula tayo sa isang bagay na hindi ko magawang masimulan.

Magsimula tayo sa isang bagay na hindi ko magawan ng paraan.

Magsimula tayo...

Sa isang bagay na hindi ko kontrolado.

Ang pinakaunang letra sa alpabeto.

Ang simula nang lahat.

Astronaut.

Ninais kong maging ganoon. Malayo sa lahat habang ninanamnam ang ganda ng kalawakan.

Mapag-isa sa tahimik, walang katiyakan at walang katapusang kalawakan.

Lumayo sa lahat— sa problema, pinoproblema, at magiging problema.

Tumandang mag-isa habambuhay.

Magpalutang - lutang.

Magpadala.

Mawala.

O di kaya'y mamatay.

Maraming posibilidad.

Ginusto ko maging ganoon. Ginusto kong maging makasarili.

Ginusto kong mapag - isa.

Kahit alam ko ang totoo.

Mahirap abutin ang gusto ko. Mahirap abutin ang kalawakan.

Kaya't isinantabi ko. Wala naman na sa'kin iyon noon dahil alam kong hanggang sa panaginip na lang lahat ng 'yon.

Pero bigla ka na lang ulit lumitaw. Nasangkot sa kalagayan ng buhay ko.

Parehas lang tayo noon.

Kabataang wala pang masyadong alam.

Mga hindi pa sigurado sa sarili.

Ginagawa ang anumang gustuhin.

Nagpapadala sa ikot ng mundo.

Pilit inuunawa ang lahat ng bagay.

Dinaramdam lahat ng sa tingin ay dapat damhin.

Nagpapakasaya; nagpapakalungkot; nagpapakalunod; at higit sa lahat, nagpapakaligaw.

Kilala na kita sampung taong gulang pa lang ako.

Akala ko 'yun na 'yon at hanggang doon na lang 'yon— na dumaan ka lang saglit sa buhay ko. Nakilala ko lang tapos wala nang iba pa.

Akala ko 'yun na 'yung hangganan.

Pero pinili nating mas kilalanin pa ang isa't isa.

Pinili nating mag - usap buwan buwan kahit na humantong pa sa walang kakwenta - kwentang usapan.

Pinili natin.

Pinili nating maging parte ng isa't isa.

Pinili kong maging si A.

Sa totoo lang, wala naman akong pakielam sa unang letra na 'yan.

Hindi ko naman sana ipipilit.

Hindi ko naman sana gagawing dahilan ang astronaut.

Wala naman sana talaga akong pakielam...

Kung hindi mo lang sinabi...

Kung 'di mo sinabing ikaw si Z.

334 words. Wednesday, 05:48. Jan 6, 2021.

AZWhere stories live. Discover now