April 19, 2010 exactly 4:15pm, nakita ko si Treyton sa isang parke sa manila, pumupunta ako dun bago ako umuwi galing school. Habang may isang gwapong lalaki ang tumabi saakin na naka yuko that time he looks really depressed, makikita mo at talagang mararamdaman mo na napaka lalim ng iniisip niya at mapapansin mo ito, dahil nang may batang bumangga sa kanya ay hindi niya ito pinansin, naka titig lang ako sakanya ng matagal nang sa kadahilanan ay nakaramdam ako ng kirot at kilig sa aking dibdib ng mag tama ang mga mata naming dalawa. Spark ata yun na pinaniniwalaan ng mga nakaka tanda saatin na kapag naramdaman mo yun sa isang tao ay siya na ang iyong makaka tuluyan na gagawin lahat ng kapalaran mag kita lang kayo.
Araw araw akong bumabalik sa park sa pwesto kung saan ko nakita si Treyton pero bigo ako, halos isang buwan na ang naka lipas pero wala kahit anino niya hindi ko nakita.
June 19, 2010 exactly 8:15pm, nag kita kami ni Treyton sa isang gig niya may banda pala siya, at siya ang lead vocalist at guitarist ng banda napaka gwapo niya napaka saya at sobrang masigla, malayong malayo sa nakita ko nung sa parke titig na titig ako sakanya bawat galaw niya ay para akong nakukuryente, namumula at kinakabahan well ganun naman talaga kapag nasa harap po si crush hindi mo na alam ang nasa paligid mo at hindi mo alam na nakatitig na din siya sayo.
Marahil ay nag tataka kayo kung paano ako naka punta sa gig na yun, Tsk! nag kataon na ang coordinator sa event na yun ay bestfriend ko si Stacy she invited me dahil lagi na lang daw ako sa park naka tambay, hindi daw dun yung beauty ko, Hahahaha! never pa akong pumunta sa bar pero that time, oo ang sinagot hindi ko alam kung bakit yun pala ay makikita ko dun si Treyton at dun na mag uumpisa ang love story ay hindi pala love story ang nangyari badtrip nga ee.
Hayy! natapos na ang event at pina kilala ako ni Stacy kay Treyton syempre masaya ako at hindi ko inexpect na makilala niya ako. Sinabi niya sakin na ako ba daw yung babaeng nakatitig sakanya sa park, sabi ko oo nakakahiya naman naki pag shake hands siya, at nag pakilala Treyton Sebastian tinangap ko ang kanyang kamay at ngumiti Naya Salvador sabi ko naman ilang segundo pa, kinuwa niya ang number ko grabe, hindi mag sink in sa utak ko na kinuwa niya yung number ko nag tatalon ako sa kama pag dating ko saamin *she smiled*.
Lumipas ang mga araw ay lagi na kaming mag katext ni Treyton, madalas din kaming nag kikita dahil malapit lang ang school niya sa school ko, ang park ang nag silbing meeting place namin araw araw at sa mas madalas na pag kikitang yun ay lalo na akong nahuhulog sakanya, mas minamahal ko siya higit pa sa kaibigan, madalas kong supportohan si Treyton sa mga gig niya feeling ko nga girlfriend niya ako HAHAHAHA! oo na assumera na kung assumera masisisi niyo na ba ako?, masisisi niyo ba ako na mahalin siya?, masisisi niyo ba ako na gusto ko siyang maka sama habang buhay?, hindi diba?!
August 19, 2010 exactly 6:15pm, sinundo ako ni Treyton sa bahay naka semi formal dress ako nun at naka light make up, ito yung araw na ipapakilala niya pala ako sa Papa at Mama niya *she smiled* dumating na kami sa bahay nila simple lang ito at mas malaki ng 3x sa bahay namin, may chandelier may piano sa sala at white and black lang ang design sa bahay, dumiretso kami sa dinning table napaka raming pag kain ang nakahain naki pag beso ako kaila Tito at Tita, masaya nila akong tinagap, tinanong nila kung girlfriend ako ni Treyton pero isang malaking HINDI! ang narinig ko ang sakit napaka sakit, bigla akong nawalan ng gana sa pag kain ngunit hindi ko ito pinahalata, may mga bagay silang sinasabi na kung alam ko na ba daw, gulong gulo ako ang daming nag lalaro sa isip ko gaya ng ano ang dapat kong malaman? ano ang hindi ko pa alam? may syota ba si Treyton? may asawa at anak? batang ama? ano hindi ko na alam kung ano ano na ang pumasok sa utak ko. *she said while looking at the picture*
Alam mo paasa ka Treyton sa totoo lang! sobrang paasa ka talaga! Ewan ba sayo kahit alam kong masaya kana jaan, at hindi na nasasaktan ay hindi ko maiwasang magalit at mag tampo sayo.
YOU ARE READING
spark. (ONE-SHOT)
Short StoryNaranasan mo na bang makuryente? Yung tipong nanginginig ka, kinakabahan, pinag papawisan, namumutla at nakaka ramdam ka ng kunting sakit na may halong kilig? in short ikaw ay na LOVE AT FIRST SIGHT. Well yaan ang narasanan ni Naya nang una niyang m...
