Story #19

17 1 1
                                    

Title: Class Picture

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Title: Class Picture

Author: SheeeeeyAnne

Category: Non-fiction/Short Story

Parts: 24

Status: Completed

Description/Teaser:

"HINDI. Magsawa na kayo ng magsawa ngayon pa lang. Pero hindi ko kayo susukuan. Hindi ko kahit kailan sinukuan ang mga taong kahit kailan hindi ako sinukuan." puno ng saya at kumpyansa kong sabi sa kanila na panandalian nilang ikinatigil lahat. Hindi siguro nila inasahan na ganon ang isasagot ko kanila.

Aba! Hindi naman kasi pwedeng palagi ko na lang sasabayan ang mga trip nila. Minsan kailangan mo ring magbitaw ng mga salitang kahit hindi mo na inaasahang pakikinggan nila, alam mo namang tatatak sa puso at isip nila.

Okay... Ano nga ulit ang sinasabi ko?????

'Ohh my ghad!! Is dat yu Aybi?! I kenat!'

Napasimangot na lamang ako ng hindi nila pansinin ang sinabi kong iyon bagkus ay sumagot pa rin ang mga ito sa akin.

'Ahh hindi kayo titigil ah? Nako. May paglalagayan kayo saking mga ugok na bata kayo!'

Chos lang! No to bad words na muna Ivy. Stappit!

"Suko na kami. Di mo ba napapansin? O sadyang tanga ka lang talaga?" sarkastikong tanong sa akin ni Hazel na syang tanging may lakas ng loob na pagsalitaan ako ng ganyan.

Sandali ko itong tiningnan at saka ko ito hiningahan dahilan kung bakit bigla na lamang itong bumagsak sa sahig kasama ang mga estudyante kong nasa malapit lamang din. Charrr! Hindi naman ganong kabaho ang hininga ko noh! Baka akala nyo! Mas mabango pa sa pinakamabahong pabango sa mundo.

Hano daw? Okay Ivy? Malala ka na.

Nginitian ko sya ng pagkalawak lawak na mas lalong nagpairita sa kanya.

"Kung suko na kayo edi sana hinahayaan nyo na ako ngayong maging guro nyo." na tigilan ito sa binitawan kong salita. Maski ang iba ay na patingin din samin at ang iba naman ay nag iwas ng tingin. Mukhang may tinamaan ah.

"Pero hindi. You're all consistent. Pursigidong pursigido kayong lahat na mapaalis ako. All of you did everything you can to make me leave this class even just for a second. Hindi kayo sumusuko hangga't hindi nyo ako nakikitang mag walk out sa harapan nyo. Now tell me Hazel. Dapat bang sukuan ko kayo kung kayo, pursigidong pursigido na mapaalis ako??" malumanay na tanong ko sa kanya. Mataas pa rin ang pagkakaangat ng ulo noo at taas noong nakatingin sa akin. Daretso sa mata ang tingin ngunit ang emosyon mababasa ay saliwa sa kanyang ipinapakita.

Tila isang nauulilang usa sa katawan ng isang mabingis na tigre. Iba ang sinasabi ng kanyang mga mata. Iba ang emosyon nakapaloob dito sa nakikita ng kanyang mga kamag aral. Matamis ko syang nginitian.

"Hinding hindi ko kayo susukuan hangga't walang sumusuko sa inyo. At kahit pa sumuko na kayong lahat, hindi pa rin ako titigil. Hanggang sa makita ko ang saya sa mga mata nyong yan. Hanggang sa mapalitan ng kasiyahan lahat ng kalungkutang inyong nararamdaman. Hanggang sa matanggap nyo na ang inyong mga sarili at matutunan nyong mahalin ang sarili nyo at ang bawat isa sa inyo. Ako ang ikalawang ina ninyo sa ikalawang tahanang kinasasadlakan nyo ngayon. Kahit kailan, hindi sumuko ang isang ina sa kanyang anak. At iyon ang gagawin ko. Para lamang makita ko ang panibagong buhay at kasiyahan sa mga mukha ninyo." madamdamin kong saad sa kanila.

Link: https://my.w.tt/8VF8d3gvL6

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 25, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Must Read StoriesWhere stories live. Discover now