Faked Reality

18 3 24
                                    

• • •

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

• • •

Alice

Pasimple kong sinulyapan ang orasan na nasa itaas ng blackboard namin. Saglit ko lang ginawa 'yon sa takot na baka mahuli ako ni Ma'am Jacinto. Delikado na kasi sa sobrang terror niya, ipapahiya ka niya sa harapan ng mga kaklase mo.

Anak ng tokwa!

Bakit ba ang tagal mag-ala singko ng hapon? 4:30PM pa lang! Pinaglololoko ba ako ng orasan na 'to? Kanina pang nag-iinit ang pwetan ko sa upuan ko pero 'sing bagal ng pagong ang paggalaw ng clock hand!

"Ms. Yu, are you listening?" patanong ngunit mas lamang ang tonong pasigaw na bungad sa'kin ni Ma'am Jacinto na hindi ko namalayang nasa harapan ko na pala.

"P-po? Y-ye-yes, Ma'am!"

Sa sobrang pagkataranta ko, nautal na ako sa pagsagot. Tinaasan niya ako kilay bago siya bumalik ulit sa unahan at ituloy ang naputol na discussion. Binalikan ko ulit ang orasan only to find out na dalawang minuto lang ang nakakalipas. Gusto ko nang umuwi!

"Goodbye, class!"

Ang magic words na pinakakahintay ko!

Finally! Mabilis pa kay flash na inayos ko ang gamit ko. Para akong baliw na nagtatakbo papunta sa gate. Good thing, malapit lang ang gate sa room namin. Teka, hindi ko pa nga pala sinasabi kung bakit ako excited umuwi. Kasi ganito 'yan... excited na akong umuwi para mag-online para makachat ang pinakamamahal kong boyfriend.

Actually, we only met on facebook. He courted me there and after a few days, sinagot ko rin agad. Some of you might judge me because of that but the hell I care? Relasyon ang pinatatagal, hindi ang ligawan moments. He's handsome kaya naman hindi makapaniwala ang mga kaibigan ko na boyfriend ko siya. Sabi pa nila, poser lang daw. But I don't believe them.

Walking distance lang ang bahay namin mula sa campus kaya mabilis din akong nakauwi. Hindi na ako nagbihis ng uniform. Nilapag ko lang sa sofa ang bag ko at sumalampak na agad ako sa harap ng computer table. I opened my facebook account and as usual, bumungad na naman sa'kin ang sandamakmak na friend requests, messages, and notifications. And of course, messages agad ang inopen ko.

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang sarili ko na mapasigaw sa kilig. Ewan ko ba pero kinikilig pa rin talaga ako kahit sa simpleng chat niya lang. Kahit nga makita ko lang na online siya, buo na agad ang araw ko. OA na ba? Gano'n siguro talaga... gano'n kapag mahal mo ang isang tao. Lahat ng bagay sa paligid mo, biglang gumaganda. Na tila ba nagliliwanag ang madilim na paligid.

But then again, fake nga pala kami. I smiled sadly at that thought. Pero okay na rin ang ganito kasi sa harap naman ng iba, parang couple talaga kami. And also, I'm okay with this set-up. Masaya na ako sa ganito kahit peke lang ang lahat sa'min. But am I really happy?

Faked Reality | One-shotWhere stories live. Discover now