5th String - Understanding

6.1K 195 26
                                        

Understanding a person and why they are the way they are is a long and difficult process. But try to see things through their eyes and maybe you'll have a better sense of understanding their actions and reactions to situations.


***

"Happy birthday, Aya!" bati sa akin ni Joy pagkarating niya. Kasama niya pa ang kapatid niya at nag-abot sa akin ng regalo.

"Happy birthday!" sabi naman ni Patrick.

"Thank you! Buti nakarating kayo," nakangiti pang sabi ko.

Nineteenth birthday ko ngayon at may celebration kami dito sa bahay. Narito ang mga kaibigan ko at ilang ka-klase. Pati ilan sa classmate ko ng high school ay narito rin.

Napatingin ulit ako sa gate nang may dumating. Napahinga na lang ako nang malalim nang makitang si Jude 'yun.

"Aya! Happy birthday!" sabi niya.

Gusto ko sanang itanong kung nasaan na si Vince dahil magkalapit lang ang bahay nila. Pero naisip kong tawagan na lang ang nobyo ko para itanong 'yun.

Naka-ilang ring na pero hindi niya sinasagot. Nag-aalala na ako dahil hindi naman siya normal na matagal sumagot. Pang-tatlong beses ko na rin 'tong tumatawag pero ni hindi niya ibinabalik ang tawag ko na normal niyang ginagawa.

Isang oras, dalawang oras ang lumipas pero hindi pa rin siya dumarating. Hindi ko magawang magsaya dahil nag-aalala ako.

"Nasaan na si Vince?"

Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Patrick. Tumingin muna ako sa cellphone ko bago siya sinagot.

"Hindi ko rin alam, Kuya Pat. Nag-aalala na nga ako e. Hindi siya sumasagot kanina pa," sabi ko.

Sandaling natahimik siya bago nagsalita.

"Baka may emergency lang. Don't worry too much, okay? Subukan mo ulit tawagan mayamaya," sabi niya.

Tipid na ngumiti ako pero alam kong bakas pa rin sa mukha ko ang pag-aalala.

Niyaya niya akong makihalubilo muna sa iba pero tumanggi ako. Paniguradong hindi rin naman ako mapapakali kaya mas gusto ko nang mag-isa na muna. Pero hindi umalis sa tabi ko si Patrick. Hindi ko rin naman na siya pina-alis dahil sa totoo lang ay mas napanatag ako na nandito siya.

Nasa limang minuto ang lumipas nang tumunog ang phone ko.

Relief agad ang naramdaman ko nang makitang si Vince ang tumatawag.

"Hey, are you okay? Kanina pa ako tumatawag, hindi ka sumasagot," bungad ko agad pagkasagot pa lang ng tawag.

Medyo hinigingal pa siya nang sumagot.

"Yeah, I'm fine. Nasa hospital ako," sabi niya.

Napatayo ako bigla sa sinabi niya.

"Bakit? Anong nangyari sa'yo?" mabilis na tanong ko.

"Hindi ako, 'yung—kaibigan ko, si Angel," sabi niya.

Angel. Alam ko kung sino si Angel. Noong napag-usapan namin ang tungkol sa babaeng ipinagkasundo sa kanya ng mga magulang niya ay hindi ko binanggit na nakilala ko ang babae. Ni hindi ko ipinahiwatig na ang babae mismo ang nagsabi sa akin. Sinabi ko lang na nalaman ko 'yun mula sa iba.

Hindi ako nagsalita at hinintay lang na magpatuloy siya.

"Inaapoy siya ng lagnat. Nagkataon na day-off ng yaya niya, 'yung katulong sanang nasa bahay nagpunta sa grocery. Wala siyang kasama kasi nasa business trip ang Papa niya at nagbabantay naman sa kapatid niyang nasa hospital din ang Mama niya. Wala na siyang ibang mahingan ng tulong kaya ako ang tinawagan niya," tuloy-tuloy na sabi niya.

Sa isip ko, 'wala bang kaibigan ang babaeng 'yun?' pero hindi ko na lang itinuloy.

"Okay. Makakapunta ka pa ba?" mahinang tanong ko.

Alam kong ang lungkot ng tono ng boses ko pero hindi ko mapigilan. Madalas na kasi kaming hindi magkita nang mga nakaraang araw at ito na lang sana ang pagkakataon namin pero hindi pa siya nakarating.

"I'm not sure. I'm really sorry, Aya. Babawi na lang ako," aniya.

Tumango ako kahit na hindi niya nakikita saka ibinaba ang tawag.

Kinagabihan ay umasa pa rin akong pupunta siya kahit na tapos na ang party. Ganun naman kasi siya dati. Kapag hindi siya nakasipot dahil may biglaang kailangan siyang puntahan, kahit alanganing oras na ay sinisugro niyang pupuntahan niya ako. Pero tumitilaok na ang mga manok ay wala pa rin ni anino niya. Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha ko at pinilit na matulog kahit na nakikita ko na ang unti-unting pagliwanag sa labas.


***

Hindi ko na maintindihan si Vince.

Sa totoo lang, madami na akong kinikimkim. Ang hindi niya pagpunta sa birthday ko para sa babaeng ipinagkasundo sa kanya—na ni hindi niya inabalang sabihin sa akin ang totoo at sinabi lang na kaibigan niya 'yun. Ang planong pag-alis niya papuntang Amerika na ilang linggo ko nang hinihintay na sabihin niya sa akin. Ang madalas nang pag-kansela niya ng mga lakad namin— at marami pa.

Hindi na ako magtataka kung hindi siya darating ngayon.

Kalahating oras na akong naghihintay dito sa park pero wala pa rin siya. Ni text o tawag, wala. Hindi ko mapigilang mapatingin sa ibang pares na naroon din. Kahit hindi dapat, hindi ko mapigilang ikompara siya sa mga 'yun.

Kanina pa ako narito kaya naman nakita kong puro ang mga lalaki ang naghintay para sa mga nobya nila. Pero ako, heto, ni hindi sigurado kung sisiputin pa ba.

Lumipas ang isang oras. Hindi ako nag-aabalang tawagan o i-text siya para tanungin kung nasaan siya. Nakakasawa na kasi. Palagi na lang na sa tuwing magkikita kami tatanungin ko pa siya kung nasaan na siya. Ilang beses na ring nangyari na naghintay ako para lang pala sa wala.

Napagdesisyunan kong maghintay na lang ng limang minuto at aalis na.

Mapait ang ngiting tumingin ako sa wristwatch ko nang lumagpas na ang limang minutong naipalugit ko.

Huminga ako nang malalim at tumayo na. Pero nakaka-isang hakbang pa lang ako nang makita ang humahangos na bulto ni Vince habang papalapit sa akin.

"I'm sorry, Aya! I'm sorry!" bungad niya sa akin.

Sorry na naman.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at sumenyas na lang ako na magpunta kami sa walang masyadong tao na parte ng park.

Naupo kami sa isang bench. Mangilan-ngilan lang ang dumadaan sa parteng 'yun ng park.

Tahimik na nakatitig ako sa malayo habang nagpapaliwanag siya kung bakit siya late. Pero hindi ko na pinakinggan 'yun. Nakakasawa na. Nakakapagod na.

"Pagod na akong intindihin ka, Vince," mayamaya ay sabi ko.

"What?" biglang tanong niya.

Ngumiti ako nang mapait.

"Maraming beses na pinipilit kitang intindihin. Palagi kong iniisip ang sitwasyon mo. Palaging binibigyan ko ng rason ang mga aksyon mo. Pero alam mo? Nakakapagod na. Ayoko na."

"Aya—"

"Kailangan ko ng oras para pag-isipan ang lahat, Vince. Ganun ka rin. Kausapin mo na lang ako kapag handa ka nang sabihin sa'kin ang lahat-lahat. Kapag wala ka nang balak na pagmukhain akong tanga."

Pagkasabi noon ay tumayo na ako at walang lingon likod na umalis ako sa lugar na 'yon.

The Sixth StringWhere stories live. Discover now