Chapter 13

5.6K 221 16
                                        

"Mga damit mo na lang saka 'yung mahalagang gamit ang kunin mo. Kumpleto naman ang gamit sa unit," sabi ni Patrick habang papasok kami sa unit na dati kong tinitirahan para kunin ang mga gamit ko.

"Hindi ka na dapat sumama. May trabaho ka 'di ba? 'Di ka ba hahanapin?"

Wednesday ngayon pero nagpilit siyang sumama. Kung tutuusin, konti lang naman ang gamit ko at pwede ko namang isakay sa taxi.

Hindi naman kasi karamihan ang dinala ko noon dahil sa dorm ako unang lumipat mula sa apartment na tinitirhan ko dati bago dito sa unit na 'to. 'Yung mga appliances at kung anu-ano pang gamit sa apartment ay ipinadala ko sa bahay ng parents ko sa probinsya na tinitirhan ng kapatid ng mama ko.

"I'm the CEO, Aya. In case you forgot," sabi niya sabay tawa.

Medyo inirapan ko siya dahil sa sinabi niya na ikinatawa niya ulit.

Naupo lang siya sa sofa sa living room habang ako ay nagsimula nang kunin ang mga gamit ko. Puro damit lang naman karamihan sa mga 'yun at mga dokumento.

Kumuha ako ng upuan na matutuntungan para kunin ang malaking maleta ko na nasa ibabaw ng cabinet. Hinihila ko 'yun nang mapatili ako. Sumabit kasi 'yun nang bumukas ang pinto ng maliit na cabinet sa taas na pinaiibabawan nun kaya nadulas 'yun sa kamay ko at nahulog.

"Are you okay?" Nag-aalalang sabi ni Patrick na ngayon ay nasa loob na ng kwarto. Iniinspeksyon pa ang katawan ko kung may sugat ako o ano.

"I'm fine. Nagulat lang ako. Hindi naman ako tinamaan," sabi ko.

"Dapat kasi tinawag mo ako," sabi niya.

Inalalayan niya ako pababa ng tinutuntungan kong upuan. Siya na rin ang kumuha ng maleta mula sa pinagbagsakan nun at inilapag nang maayos sa higaan ko.

Nagsimula na akong kunin ang mga damit kong nasa cabinet at inilalapag ko 'yun sa kama. Si Patrick naman, inaayos ang mga 'yun at isinasalansan sa maleta.

Isang malaki at isang maliit na maleta ang napuno ko ng mga damit.

Sumunod kong inisa-isang tignan kung ano pa ang mga gamit ko. Karamihan doon, meron naman sa unit ni Patrick kaya naisipan kong iwan na lang sa mga kasama ko.

Pati ang kutson ko at mga unan, naisipan ko nang iwan. Pwede na 'yung gamitin ng papalit sa akin. Ang mga stuff toys ko na lang na nasa higaan ang inisa-isa kong ilagay sa malaking plastic.

Mahilig akong maglagay ng stuff toys sa higaan ko. Nakasanayan ko na kasi 'yun mula pa ng bata ako.

"Buhay pa pala si Penpen," sabi ni Patrick.

Napalingon ako sa kanya. Nakangiti siya habang nakatingin sa isang bahagi ng higaan ko.

"Penpen?" tanong ko.

Tumango siya at binuhat ang malaking teddy bear na ibinigay niya noong graduation ko. Inalagaan ko talaga 'yun at sinisigurong malinis para hindi masira.

"Penpen ang pangalan niya?" natatawang sabi ko.

"Yeah, hindi ko ba nabanggit?"

Umiling ako. Wala naman siyang sinabi noong ibinigay niya 'yun kundi 'congrats' lang e.

Kinuha ko 'yun sa kanya at iniharap sa akin.

"Penpen pala ang name mo, 7 years na hindi kita natatawag sa pangalan mo," kausap ko sa teddy bear. "Bakit pala Penpen?" tanong ko kay Patrick.

Natawa siya bigla sa tanong ko.

"Actually, Peypey dapat 'yun, sunod sa name ko Patrick Jay. Kaso ang sagwang pakinggan kaya Penpen na lang."

The Sixth StringWhere stories live. Discover now