"How are things?" bungad ni Patrick pagkalapit niya sa amin.
Sabay-sabay na binati siya ng mga waitress na naroon at gumanti naman siya ng bati.
"So far, maayos naman ang lahat. Wala namang hindi kayang i-handle sina Dyesel at Michelle," sabi ko na tinutukoy ang dalawang manager na duty ngayong araw.
Tumango siya at ngumiti.
"That's good," simpleng sagot niya.
Tinignan ko siya nang masama saka humalukipkip.
"Alam mo nakakahalata na ako e, wala ka 'atang tiwala sa'kin at kahit na nandito na ako, araw-araw ka pa rin namang pumupunta," pabirong sabi ko.
Simula nang mag-start ako bilang general manager noong Lunes ay araw-araw din naman siyang narito. Kahit isang araw ay hindi pa siya pumalya nang pagpunta.
Tumawa siya at umiling.
"Nah, I fully trust you. Itong resto lang talaga ang stress reliever ko. And now, I can be here without worrying a thing. Ikaw naman na kasi ang nagma-manage," sabi niya.
Nag-make face ako dahil sa sinabi niya. Hindi naman sa hindi ako naniniwala sa sinabi niya. Pero alam ko naman din na sinisiguro niya pa rin na maayos ang takbo ng restaurant niya. Lalo pa't first time ko lang naman din na mag-manage. Though wala naman akong nagiging problema so far dahil mababait ang staff. Ang mga managers din ay sinisigurong naka-alalay sila sa akin.
"May gusto ka bang kainin?" tanong ko.
Sumenyas siya na 'wala' saka itinuro ang daan papunta sa opisina niya—na opisina ko na rin ngayon.
"Sa office lang ako," sabi niya.
Maglalakad na sana siya nang mukhang may maalala at bumaling ulit sa akin.
"Ah, right! Aya, I have something to discuss with you. Go to the office after 30 minutes," sabi niya.
Tumango ako bilang sagot saka naman siya tuluyan nang naglakad papunta sa office.
"Hmmn, tama, nakakapagtaka rin na lagi pa ring nandito si Sir Patrick kahit na nandito na si Ms. Aya," sabi bigla ni Eloiza, ang nakatoka ngayon na cashier. "Not that we're complaining. At least busog pa rin ang mata namin," sabi niya pa sabay tawa.
Napatingin kami sa kanya ng ilan pang waiter na malapit.
"Tingin ko lang ha—" Napatingin kaming lahat kay Reign nang magsalita siya. "Hindi naman 'yong restaurant ang pinupunta niyang si Sir Patrick. May gusto 'yang makita," sabi niya.
"Sino naman?" si Alexis.
Nagkibit si Reign. "Malay ko. Pero ang napansin ko kay Sir Patrick? Iba ngiti niya ngayon. May iniirog 'yan, pusta ko," sabi niya pa.
Natawa ako sa sinabi niya.
"Kayo talaga, pinagtsi-tsismisan niyo na naman si Patrick. Favorite topic niyo talaga siya e 'no?" sabi ko.
Sumenyas si Reign na 'wag akong magsusumbong at tumango naman ako. Lagi naman kasi nilang pinag-uusapan si Patrick at nasanay na rin ako. Tinatawanan ko na lang ang mga sinasabi nila.
"Come to think of it, kailan lang siya naging mukhang super inspired," sabi naman ni Eloiza. "'Di kaya...?" Tumingin siya sa akin at sabay-sabay namang nagsitingin ang iba.
Tinignan ko sila isa-isa at nang maintindihan kung bakit sila nakatingin ay itinaas ko agad ang dalawang kamay ko para pigilan kung ano mang iniisip nila.
"Hindi ako, 100% sure, hindi ako. Ten years na kaming magkakilala, parang kapatid na ang tingin niya sa akin," sabi ko.
Sa tingin nila sa akin, halatang hindi sila kumbinsido.
JE LEEST
The Sixth String
Romantiek[Completed] One True Love Series #4 Arianna Jane Lopez just wanted a normal relationship. Basta mahal niya at mahal din siya nito. Pero mukhang hindi 'yon posible lalo pa't hindi maalis sa sistema niya ang ex niya-- singer turned actor Vince Perez...
