beginning

45 2 4
                                        



"Please spare the one who'll clean your corpse."


Lumingon ako sa lalaking sumulpot sa likod ko.


"Sino ka?" tanong ko.



"What for? You're about to jump already right? No need to know my name."


Maangas siyang tumingin sakin at nag pamulsang lumapit.

Tinitigan ako sa mata.

"What now?" At tinaasan ako ng kilay.



What the? Sino ba 'to?


"Pwedeng umalis ka na? Istorbo ka dito."
umupo nalang muna ako sa pasimano at tumalikod sa kaniya.


Kampante ako na kahit mahulog ako,

tanggap ko naman.


Hindi ko na siya narinig sumagot kaya't huminga ako ng malalim at tumingin sa langit.


Kung sa impyerno ako dadalhin G, baka puwedeng paiyakin naman nila 'ko kahit saglit?


Gusto ko lang ilabas lahat.

Kahit sa kabilang buhay.

Nadulas ako sa pag kakahilig.

Pero kahit ganoon,




hinayaan kong mag pa tihulog ang sarili ko.


Pero hindi ba dapat mararamdaman ko na ang malakas na sampal ng hangin sa akin?



Napatingin ako sa mga brasong nakapulupot sa bewang ko, "Bitawan mo ko."



Hinapit ako ng kung sino mang nasa likod ko at niyakap ako nang patalikod.


Huh?



Nagitla ako nang ipatong niya ang baba niya sa balikat ko, "The night sky
is beautiful tonight, isn't it?"




Hindi ko alam.



May pag kakaiba ba ang kahapon sa ngayon?



Araw-araw, pare-parehas, walang bago.


I'm still hurting.




"Would you be happy to ruin a good day for your family? Hmmm?" Ani niya.





Nangangatal ako, gusto kong mag salita.



"What about your friend's feelings? Your bestfriend?" Patuloy pa niya.



Gusto kong sumigaw.



Do I even have a friend?



Dahan-dahang namuo ang mga butil ng tubig sa gilid ng mga mata ko.


Kaibigan, pamilya, kaibigan, pamilya...



Bakit tila wala ako niyon.



Bakit? Bakit.


Ano nga ba ang kahulugan ng isang kaibigan?


Bakit parang ang layo ng tinuturing kong kaibigan sa katotohanan.



Na ang tunay na kaibigan, hindi ka dapat iniiwan.




"Wala namang sumasagot sa mga bakit ko."



"Walang nag-tatanong."



"Walang may gustong alamin."



Gusto kong umiyak, pero bakit ayaw bumagsak?



Nakakainis.



Huminga ako ng malalim, "Meron nga ba ako ng mga binanggit mo?"




Napasiring ako ng hindi siya mag salita.




Pilit kong kinalas ang kamay niya sa bewang ko. "Bitawan mo na 'ko."



At kahit mukhang nag dududa sa gagawin ko ay binitawan niya ko nang dahan-dahan.




Inayos ko ang upo ko at humarap sakanya. "Ano ngang pangalan mo?"




Ngumiti lang siya sakin bago tunalikod.




"Sa susunod nating pag kikita."







At iniwan niya na 'ko.


Midnight SkyStories to obsess over. Discover now