one step closer

26 11 0
                                    

ONE STEP CLOSER

Napangiti ako nang marinig ang makalas na kampana na pinatunog ng isang sakristan, hudyat na magsisimula na ang seremonya tila umalingawngaw ang malakas na tunog nito sa bawat sulok ng simbahan. Nakayuko ako at hinihintay ang hudyat ng aking paglakad.

Mas lalong ngumiti ng pagkalaki ang aking labi nang dahan dahang bumukas ang pinto na nasa aking harapan. Nanginginig akong nakahawak sa bulaklak at mas lalong bumilis ang tibok ng puso sa sobrang kagalakan.

Sino ba naman ang hindi makakaramdam ng ganito kapag nasa isang kasal? Ito na siguro ang pinakamagandang araw na dumaan sa buhay ko.

Wearing a white off-shoulder gown while holding a bunch of red roses, I slowly walk towards the door. Everyone look at me, smiling and some of them clapping their hands, it seems like they're saying 'wow' without voice came from their mouths. I took a deep breath and smile, my hands are shaking and my knees are trembling but still, I stay to walk slowly while everyone's eyes on me.

My heart melts when I saw a man that I love standing in front of altar, beside of him are his friends tapping his shoulder while on his right hand, a priest who's holding a bible and smiling at me.

Pinagmasdan ko ang paligid habang dahan dahang naglalakad. Hinihiling na sana kahit ilang minuto, pahintuin ang oras, marahil hindi pa ako handa ngunit habang pinakikinggan ang malamig na musika na pangkasal ay ang paulit ulit na sumasampal sa akin at sinasabing hindi ito panaginip lang, totoo ito.

Habang humahakbang ay hindi inalala ko ang lahat lahat bago kami humantong sa ganitong sitwasyon.

Nagsimula akong maglakad nang huminto ako ng ilang sandali, habang naglalakad ay inalala ko kung paano niya ako pahalagahan noon.

Mahal kita dahil sa tuwing nagseselos ako, ipinaparamdam mo sa'kin na ako lang at wala ng iba.

JEALOUS.

"Love galit kaba?" Tanong ni Nicco habang tinitingnan ang reaksiyon ko.

Hindi ko naman siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagpiprito ng itlog.

"Love?" Tawag pa niya habang kinakalabit kalabit ako. "Love? Love? Valerie my love-"

"Ano ba Nicco!?" Sigaw ko sa kaniya at tsaka binitawan ang ginagawa upang harapin siya. "May ginagawa ako can't you see?" Pagsusungit ko pa.

"Love galit ka ba?" Tanong niya na para bang isang maamong tuta. Tiningnan ko lang naman siya ng masama at bumalik na sa pagpiprito ng itlog.

"Love galit ka ba? Muka kang galit e." he said habang kinakalabit ako sa likod.

"Hindi." Simpleng sagot ko ng hindi siya nililingon.

"Weh? Galit ka e." Anito at bahagya akong napatigil sa ginagawa ng yakapin niya ako mula sa likod.

"Hindi nga ako galit p'wede ba." Madiing sabi ko naman at tsaka tinanggal ang pagkakayakap niya.

"Love bakit ka nga galit? Sagutin mo naman ako please." He said sa isang nagsusumamong boses.

"Ewan ko. Bakit hindi mo itanong sa katawagan mo oras-oras." Sarcastic kong sabi at saka padabog na ipinaglalagay ang mga hugasan sa lababo.

"Love naman, sabi ko naman sayo diba? Childhood friend ko lang si Lydelle. 10 years kaming hindi nagkita, kaya nagkukumustahan lang kami." Paliwanag niya habang nagpi-prito naman ako ng itlog.

"Ahh ganun?" Walang ganang tanong ko.

"Oo love, promise kumustahan lang talaga." Anito.

"Ahhh kumustahan... Sige umalis kana, magkumustahan kayo ulit. Mukhang miss na miss ninyo isa't isa e." Mataray na sabi ko.

one shot stories compilation Where stories live. Discover now