Ngunit imbis na sagutin noong si Judah ang tanong ni Jackson ay tumitig siya sa akin. He shifted his weight before giving me a hand. He actually looked handsome and more charming too. Maybe because of his friendly face?

“I’m Judah, and you are?” pakilala nito habang naghihintay sa kamay ko. Tinampal ni Jackson ang kamay niya bago pa ako makapagdesisyon kung tatanggapin ko ba iyon o hindi. This brute is really rude to his brother.

Habang pinagmamasdan ko sila ay hindi ko maiwasang maipagkumpara sila sa aking isipan. Mas higit na malaki ang katawan ni Jackson kumpara sa kapatid, but Judah has a great body too. It’s just that Jackson’s body is way better. Isa pa, mas maamo ang mukha ni Judah kumpara kay Jackson. Pero kung titignan mong maigi sa mata ni Judah ay parang pareho lang sila ni Jackson. That dangerous aura was probably runs in their blood. Plus the fact that they are both good looking. Judah looks friendly while Jackson is obviously not. At iyon ang malaki nilang pagkakaiba.

At kung bakit ko sila pinagkukumpara ay hindi ko rin alam. Para silang mga Greek Gods kung tutuusin.

“What’s wrong? Nakikipagkilala lang naman ako sa kanya,” si Judah at bahagyang natawa. “You must be his girlfriend?” tanong pa nito at muling sumulyap sa akin.

Unang tumikhim si Jackson kaya inunahan ko na siya sa pwede niyang sabihin.

“I’m not his girlfriend. Nice meeting you, Judah. You can call me Scarlet,” sambit ko at bahagyang sumulyap kay Jackson na ngayon ay nagtangis ang bagang.

Judah smiled before nodding his head and a bit confused. Pero sa huli ay tanging isang mapaglarong ngiti na lang ang ibinigay niya sa akin bago muling hinarap ang kapatid.

“I have something to tell you. Hindi mo man lang ba ako papapasukin?” si Judah at taas noong tiningnan si Jackson.

“That’s good that you want to go inside. We’re actually leaving,” si Jackson at akmang hahakbang ngunit agad kong pinigilan. Nakita ko ang pagtalim ng titig niya pero agad ko siyang sinenyasang pumasok. Kung aalis kami at iiwas siya sa kapatid niya ay baka tuluyan nitong isipin na may relasyon kami. It’s the romantic relationship I am talking about. Not our relationship because of our deal.

“Fine,” si Jackson bago marahas na nagpakawala ng buntong hininga.

“I’ll just order for our dinner,” suhestiyon ko habang si Jackson ay nagmartsa sa loob. Sandali akong natigilan dahil napansin kong nakalingon sa akin si Judah. Tumaas ang kilay niya kaya kumunot naman ang noo ko.

Ngumisi siya na tila ba natutuwang nakatingin sa akin. “I’ve never seen any woman who can change my brother’s mind. You must be special, huh?” makahulugang sabi ni Judah at nilagpasan ako para sumunod sa kapatid.

Sumunod si Judah kay Jackson na pumasok sa isang silid. Sa pagkakaalala ko sa paglibot ko kanina dito sa penthouse ay library room ni Jackson ang silid na ‘yon. Biglang pumasok sa isip ko na may iba paba silang kapatid?

Nagbuntong hininga ako at iwinaglit iyon sa isipan. Naupo ako sa sofa at napatanaw mula sa pintuan kung saan sila pumasok.

Makalipas ang sampung minuto ay hindi parin sila lumalabas. Dumating na rin ang dinner ay ni isa sa kanila ay wala pa rin. Pumangalumbaba ako at kinuha ang cellphone. I got four missed calls from Chloe three minutes ago. Sakto din naman dahil agad na rumehistro ang pangalan niya sa cellphone ko para sa incoming call.

Mad Billionaires 1: Naked Desire [R18] Where stories live. Discover now