1:00 PMDarius:
Armie?Darius:
Hmm... Wala pa rin?Darius:
Sige magkukwento ako.Darius:
Isang maulang hapon yun.Darius:
Pumunta ako sa isang school, in short nagpaka outsider ako.Darius:
May event doon. Moving up ng mga studyante.Darius:
Mahilig kasi ako sa mga ganung events. Yung may mga parangal, katulad nung moving up.Darius:
Naglalakad ako nun at hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko. Nakatitig kasi ako sa stage dahil nagsisimula nang parangalan ang mga estudyante.Darius:
Tapos...Darius:
Nabangga ako ng isang babae. Itago nalang natin sa pangalang, Armie.Darius:
Nagalit siya sakin kasi natalsikan yung medyas niya ng putik. Nagalit din siya kasi dahil sakin, nahuli siya sa moving up.Darius:
Hmm, Im not sure kung naaalala mo pa yun, pero sana...hindi.Darius:
Nakatitig lang ako sa kanya the whole time na naghahasik siya ng galit sakin.Darius:
Hanggang sa naalala ko na...may extra akong medyas sa bulsa ko dahil gagamitin ko sana kung sakaling mabasa yung suot ko.Darius:
Pinutol ko ang mga sasabihin niya at hinila ko siya. Nagpupumiglas siya kaso mas hinawakan ko siyang mabuti.Darius:
Pinaupo ko siya sa upuan sa sched ng school. Inilabas ko yung medyas na reserba ko. Binubulyawan niya pa rin ako at hindi ko nalang yun pinansin.Darius:
Tinanggal ko ang mga medyas niya at pinalitan ng akin. Nasa pagtutol pa rin ang kaniyang mga mata pero hinayaan niya pa rin ako.Darius:
Nang matapos yun ay muli akong tumitig sa maganda niyang mukha. Nagpasalamat siya at dali-daling tumakbo palayo sa akin.Darius:
Lumapit na ako sa stage at nakita ko na umakyat na siya. Nang magawi ang tingin niya sa akin ay binigyan ko siya ng ngiti at nahihiyang ngumiti siya sakinDarius:
Hanggang sa...Darius:
Inalam ko na ang lahat tungkol sa kanya.Darius:
Kaya nung lumipat kami malapit sa kanila, sobrang saya ko!Darius:
Kasi lagi ko na siyang makikita.Darius:
First sem, bumalik ako sa una naming bahay, malapit kasi yun sa school na pinapasukan ko.Darius:
Napabayaan ko ang pag-aaral ko nung Grade 11 ako kaya pinagbayaran ko yun nung first sem.Darius:
Second sem, lumipat na ako ng school.Darius:
Kailangan kong balikan ang PR-1 kasi di ko naipasa yun.Darius:
Papasok sana ako nang araw na yun kaso nakita ko siya...nakita kita.Darius:
Ginapangan ako ng takot nun. Natorpe ako agad.Darius:
Kinausap ko yung kambal ko na siya yung pumasok para sakin kaso ayaw niya.Darius:
Hanggang sa nagchat ka.Darius:
Mas natakot ako nun.Darius:
Lalo na nung sinabi mong magka partner tayo sa Research.Darius:
Kaya kinausap ko yung kakambal ko para makipagkita sayo at pumayag naman siya.Darius:
Siya rin ang unang nagchat sayo...pero nababasa ko.Darius:
Magpapakita na sana ako nun sa coffee shop kaso mas lalo akong kinabahan.Darius:
Inamin ko yun sayo.Darius:
At nagkaroon na tayo ng communication. Naging ok tayo. Lagi na tayong nag-uusap.Darius:
Nagkagusto ako sayo at unexpectedly...nagkagusto ka rin sakin.Darius:
Yun ang pinakamasayang araw na nangyari sa buhay ko. Ang umamin ka sakin.Darius:
Babawasan ko pa ng 5 araw ang meeting day natin.Darius:
See you prinsesa... On our 25th day😊Darius:
I miss you,prinsesa...at...Darius:
ᜈᜑᜎ᜔ ᜃᜒᜆ
YOU ARE READING
13:00 (Epistolary Novel #1)
Teen FictionBack subject ni Darius ang Practical Research 1 and he's Grade 12 student. Armie San Jose, Grade 11 student. Magkapartner sila sa Research. They will know each other online. Magiging close kaya sila o maiinlove sila sa isa't isa?