"Halika na?" Tanong niya sa akin. Tumango ako at sumunod na sa kanila. Umupo ako sa pinakadulo katabi si Declan. Bali ang magkakatabi ay Autumn,Aux,Declan at ako. Sa unahan namin ay si Callix,Winter,Hendrix at Snow. Sa gitna naman ay si Arthur,Rain at Spring. Nanalangin naman ako na sana hindi sisgaw ng malakas. Kakahiya.

Napahawak naman agad sa kamay ni Declan at ang isa naman ay sa bakal na nasa unahan namin na required talagang hawakan. Napahawak ako dahil nagsisimula ng umandar. Napapikit ako ng mata ko. Ayaw kong idilat dahil baka lalo lang akong matakot. Lumakas ang pintig ng puso ko. Teka lang ang puso ko baka tumalon na dito. Sa una ay dahan dahan lang ang galaw nito. Pero di tumagal ay bumilis ito mataas na ang lipaf ng pesteng anchor to.

"AHHHHHH!!! MOMMY HELP ME!!!" nakapikit kong sigaw habang mahigpit akong nakahawak sa kamay ni Declan. Narinig ko naman ang tawa ng mga bolang. Ako at Rain lang naman ang may fear of heights. Pasalamat nga ako at hindi ako nag iisa.

Itinaas taas naman ni Declan ang kamay kong nakahawak sa kanya kaya lalong napapasigaw. Tangina sa susunod hindi na ako sasama sa kanila. Kahit ano pa ang mangyari hindi na talaga ako sasama. Unang rides pa lang to pero hindi ko na kinaya.

Naging mabagal naman ang galaw nito kaya kumalma ako ng kaunti hanggang sa huminto na ito.

Napahawak naman ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit. Siguro dahil sa kakasigaw ko. Sino ba naman ang hindi matatakot dun? O ako lang talaga iyong takot?

Dahan dahan akong bumaba habang inaalalayan ako ni Declan. Muntik pa nga akong matumba.

"Grabe ang saya nun!" Sabi ni Hendrix habang umupo ako sa makalapit na bench.

Nasasayahan pa siya nun? E muntik na ngang umalis yung kaluluwa ko sa katawan ko e tas sasabihin niya masaya yun? E kung baliin ko kaya leeg nito. Peste.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Declan habang tumabi sa akin.

"Doon naman tayo o!" Turo ni Autumn sa Flying Fiesta. Nagsing ayunan naman sila pero hindi ako umalis sa kinauupuan ko.

"Ate hindi ka sasama?" Tanong ni Spring sa akin. Umiling na lamang ako. Wala akong lakas para magsalita. Naubos na ata.

"Kayo na lang sumakay doon sasamahan ko na muna Ate niyo dito para hindi siya mag iisa dito." Sabi ni Declan sa kanila na ikinagulat ko naman.

"Sure ka ring ayaw mo?" Tanong ni Aux. Tumango si Declan sa kaniya. Kaya wala na silang magawa kundi pumayag. Umalis na sila at naiwan naman kami ni Declan.

"Bakit hindi ka sumama sa kanila? Mukha namang masaya yun e." Sabi ko sa kanya. Tumayo naman siya.

"Kukuha lang kita ng maiinom." Sabi niya at umalis na para kumuha ng maiinom. Sinundan ko naman siya ng tingin at napanguso na lang. Hindi man lang sinagot ang tanong ko.

Declan's POV

"Ate pabili po nitong Milktea dalawa." Sabi ko sa nagbabantay at ibinigay ko kaagad ang bayad. Habang naghihintay ng binili ko ay napatingin ako sa direksyon ni Summer. Natatawa ako sa kanya kasi ang isang masungit na Summer ay takot sa heights. Halata namang takot talaga siya kasi namumutla siya kahit nakaliptint siya. Tsaka ang ganda niya ngayon. Ang simple niya lang. Ang ibang babae kase todo ganda para lang mapansin ng mga lalaki akala siguro nila ikakaganda nila ang ginagawa nila. 

"Kuya eto na po." Sabi ng tindera at ibinigay na sa akin ang binili ko.

Nagpasalamat naman ako at naglakad na patungo kay Summer.

"O ito oh pampakalma diyan sa puso mo." Sabi ko at inilahad sa kanya ang Milktea. Kinuha naman niya ito at ininom agad. Hindi man lang marunong magpasalamat.

"Gusto lang naman kitang samahan dito tsaka ilang beses na akong nakasakay sa mga rides dito kaya medyo sanay na ako." Sagot ko sa tanong niya kanina.

Tumingin naman siya sakin habang patuloy parin sa paghigop ng Milkyea niya. Ang kyut niyang tingnan. Kaya tinungtong ko muna ang Milktea ko at pinisil siya sa pisnge.

"Aishh! Ya! Mashaket! Bitaw!" Sabi niya sa gitna ng pagpisil ko sa kanya. Kaya binitawan ko na. Pagkabitaw ko ay nagpout naman siya agad at hinimashimas ang pisnge niya. Ang kyut sarap putulin ang ulo niya at iuwi sa bahay. Joke lang.

"Hays ang saya!" Malayo pa lang ay rinig na rinig mo na boses ni Autumn. Tapos na pala sila.

"Ayos lang kayo diyan? Siguro naman ate papayag ka ng mag bumped car tayo?" Tanong ni Spring. Tumango na lamang si Summer at tumingin kay Rain na ngayo'y hilong hilo na. Tinawanan naman siya ni Summer. Wow summer hiyang hiya naman kami sayo. Inubos naman namin ang Milktea namin at pumunta sa bumpy ride namin.

___________

"Last but not the least! Ferris Wheel!" Sigaw ni Spring at tumalon talon pa.

Agad namang umiling si Summer. Pinakamataas kasi dito ay Ferris wheel.

"Ate sige naa!! Magandang sumakay ngayon kasi mag didilim na! Sige na please." Pagmamakaawa ni Spring.

Tumingin naman siya sa mga kapatid niya at binigyan namn siya ng mga kapatid ng mga ngiting magpapayag talaga sa kaniya.

"Aish! Sigi na nga. Pero dapat katabi ko si Declan ha." Sabi niya at nagulat naman ako. Sinusundot sundot naman siya ni Spring sa tagiliran.

"Yieee ikaw ha merong ano sa inyo ni Declan?" Panunukso ni Spring sa kanya.

"Mananahimik ka o hindi ako sasakay?" Pag bablackmail ni Summer sa kanya kaya ngumuso naman ito at tumahimik na lamang.

Tumigil naman ang ferris wheel kaya nagsimula na kaming maglakad. Kanya kanya kaming pares at si Spring naman ay iba ang kasama. Unknown ata. Pumasok naman kami ni Summer. Magkatabi kami at bukas ang nasa harap namin. Yung ibang Ferris Wheel kasi sarado at magkaharap ang upuan.

Nakita ko namang bumuntong hininga siya at agad na hinawakan ang kamay ko nang gumalaw na ito. Napikit siya buong sa buong sakay namin hanggang tumigil kami sa ibabaw.

"Luh? Declan anong nangyayari? Na stuck ba tayo dito?" Agad namang tanong ni Summer pero nakasarado pa rin ang mata niya.

I chuckled then answered. "Hindi. Natural talaga ito. Ganito talaga ang nangyayari tuwing sasakay ka dito." Tumango tango naman siya.

"Try to open you eyes Summer." Agad naman siyang umiling sa Opinion ko.

"Just try it. I know you love what you will see." Sabi ko. "Just open it slowly."

Tiningnan ko siya at dahan dahan niyang binuksan ang mga mata niya. I stunned when she open her eyes. The city lights and the stars are reflecting in her eyes.

"Wow ang ganda nga Declan." Sabi niya at ngumiti ito na lalong nakakaganda sa kaniya.

"Declan." Pagtawag niya sa akin.

"I haven't say this to you earlier but thank you." I was shocked when she said that. I wasn't expecting her to say that.

"Summer." Pagtawag ko naman sa kaniya.

"Hmm?" She said and smile when she turned her gazed onto me. I tucked her hair at the back of her ear. Napatigil naman siya.

"Your welcome."

Euphoria_Clarisaa

Hold Me TightWhere stories live. Discover now