Chapter 9-the truth

50 0 1
                                    

Tinay's POV
Madaling araw na nang makauwi ako. Nakahanap na kasi ako ng panibagong trabaho. Sa isang gasoline station ako nakapirme ngayon. Mabuti nalang at hindi nakakasagasa ang schedule ko sa oras ng klase ko. Bale uuwi nalang ako sa bahay para matulog.

Pagkapasok ko sa pinto ay namataan ko si heaven na nakahiga sa maliit kong sofa. Lampas pa ang paa nito dahil sa kalakihan niyang tao.

"Heaven!" Pag gising ko rito. Bakas kasi sa mukha niyang hindi siya kumportable sa pwesto.
"Gising! Dun ka na sa kama!" Dagdag ko pa.

"Hmm..." Umungol lang ito pero hindi naman nagising.
"Uyy." Lalayo na sana ako ng marinig ko siyang magsalita.

"Tinay." Anya.
"Gsing ba to?" Naitanong ko sa sarili.
"Tinay. Mahal kita..." Natulala ako sa sinabi niya?


Ako? Mahal ni Heaven?
-
Kinaumagahan, sinikap kong gumising ng maaga para sana iwasan si Heaven. Bigla kasi akong nailang dahil nga mahal ko siya at mahal niya rin ako... Kahit hindi ko pa sigurado.

Nagulat ako ng may maramdaman akong presensya sa likod ko.

"H-heaven! Gising ka na agad?" Ngumisi ito.

"Oo. Kanina pa ako gising Tinay." Anong kanina? E dinatnan nga kitang natutulog e.


"Hindi ako natutulog kanina... Alam ko na dumating ka at ginising mo ako..."

"Anong sinasabi mo?" Kinakabahan na ako... Ibig sabihin, hindi lang siya basta nagsleeptalk...


"Oo Tinay. Mahal kita..." Tinitigan ako nito. Nakaramdam ako ng kakaiba sa tingin niya. Pakiramdam ko, ang ganda ganda ko dahil sa uri ng titig nya.

"mahal na mahal Tinay... Pero sana pigilan mo ang nararamdaman mo para saakin. Ayaw kong mahalin mo ako."
"heaven bakit?"

"tinay. Nasasaktan ako."
"Baliw ka ba? Mahal nga kita e?"
"Hindi ako si Heaven Tinay. Ako si Vene. Vene naiintindihan mo? Wag mo akong mahalin sa katauhan ni Heaven, mahalin mo ako sa totoo kong katauhan. Si Vene nalang..." Nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig. So all this time nag gagaguhan lang pala kami rito.

"Paki-lock nalang yung pinto kapag umalis ka na." Ito ang kauna-unahang pagkakataon na naging cold ako sa isang tao. Ni minsan hindi ako nagpakita ng ganitong side, pero ngayon...


"Are you kicking me out?" Anya.


"anong gusto mong gawin ko? Iwelcome ka? Tanga ka ba? Pinaasa mo ako, Vene? Minahal kita. Hinayaan ko ang sarili kong tawirin ang boundary line ng mundo natin dahil akala ko, si heaven ka! Akala ko ikaw yung GOOD GUY! Pero hindi, si Vene ka eh. Ikaw yung masama, arogante, at walang modong lalaki na kabaligtaran ng mahal ko."

"Wag mo naman akong saktan Tinay." Bulong nito. Nang marinig ko iyon ay bigla akong tinakasan ng kapilyuhan. Oo, nagbibiro lang ako. Hindi ako galit. Pero nang maaninag ko ang sakit sa boses ni Vene, bigla ako naguilty.


"Sorry." Binaybay ko ang distansya namin at ikinulong siya sa aking bisig.


"Boyfriend na ba kita?" Nagulat kaming dalawa sa sinabi ko. Di ko ine-expect na manggaling saakin yun.


"T-Tinay?!"


"Peace Vene. Wala naman akong pakealam kung sino ka e. Nakilala kita sa maiksing panahon at duon palang, nainlove na ako saiyo. Di ko alam na tatamaan ka rin pala saakin."

Ang kaninang malamlam nitong mata ay napalitan ng ibang ekspresyon. Pokerface.

"Sorry Tinay."

Huh sorry saan?

Nagulat nalang ako ng siniil ako nito ng halik. Paktay!


"I love you." Bulong nito.


"Ang sarap naman ng halik na yun. Isa pa nga." Hahalikan ko sana itong muli pero inilayo niya na ang mukha niya,


"Sabihin mo mipuna "I love you too."" Letche to. Ang demanding


"I love you too. O yan na? Masaya ka na? Bibitinin mo ko tapos ganyan lang---" nalunod na ang sasabihin ko ng muli na naman niya akong siilin ng halik. Halik na nakakaadik!

Ang dyosa ng mga pangitWhere stories live. Discover now