Chapter 8-her story

44 0 0
                                    

Vene's POV
I heard everything she said. Mahal niya daw ko, oh scratch that si Heaven ang mahal niya at hindi ako. Sa dalawang linggong pagsasama namin sa iisang bubong, naiirita talaga ako kapag binabanggit niya ang pangalan ng ibang lalaki. I became weird these past few days. Parati ko siyang gustong makita, kaya naman naiisip ko tuloy na maaring nahuhulog na ako kay Tinay pero hindi iyon nararapat mangyayari. Kasi ang pagkakagusto mo sa isang babae ang simula ng sakit na maaring sumira sa pagkatao mo.


Iyon din ang dahilan ko kung bakit gusto kong lumayo siya ng tatlong metro saakin, dahil kapag lumapit siya baka hindi ko magawa ang dapat umpisa palang hindi ko na ginawa.
Ang maattach sa babae.
There's something in Tinay na hindi ko kayang tiisin. Lalo na kapag nagpapatawa siya, lumalabas ang pagkaoptimist niya... and her point of views? talaga namang hindi ka maniniwalang nanggaling ang lahat ng iyon sa isang pangit na babae. She might be ugly but her intelligence will be her greatest asset.


"Heaven, tagay ka muna!" Natigilan ako sa pagbabasa ng tawagin ako ng kapitbahay ni Tinay. Naye ata yung pangalan nito.


"No." Tanggi ko rito. Nakatambay kasi ako sa harap ng building nila Niknik, yung bestfriend ni Tinay at ang grupo naman nila Naye ay umiinom ng alak. Bagsak na ang apat at si Naye nalang ang pumapagaspas.

"Wag mo na akong inglesin Heaven. Lasing na ako, hindi kita maiintindihan!"anya kahit hindi naman talaga ito lasong. Lumapit ako dito at dinaluhan sa iniinom na alak.
Kinuha ko ang inaalok nito saakin kanina at inistraight iyon. "Kwentuhan mo ako tungkol kay Tinay."

Ngumisi ang lalaki at nagsalin ng alak sa shotglass. "Type mo girlpren ko ano?"

"H-hindi. A-no, Gusto ko lang malaman."

"Si Tinay ay matapang na babae." Pagsisimula nito. Tumango naman ako at nagpatuloy ito sa pagkwekwento. "Mahirap lang siya pero parati siyang masaya."

"Simula nung lumipat siya jan sa rooftop, ang saya na dito saamin."

"Bakit? Kasi masayahing tao siya?"

Umiling ito, "kasi may mapagtritripan na kami pero hindi kami galit sakanya. Pinagtritripan lang siya dito dahil pangit siya. Inaasar, tinatapakan ang pagkatao pero kahit na ganun ang ginagawa namin sakanya, ni minsan hindi siya nagtanim ng sama ng loob."


Nakaramdam ako ng kakaiibang sakit nang marinig ko ang mga nangyayari sakanya rito sa lugar na ito. Hindi ko man lang nahalata na may problema siya dinadala.

"Kapag sinasabihan namin siyang umalis dahil pangit siya, hindi na niya kwekwestyunin iyon. Agad na siyang aalis. Nakasanayan niya na kasi ang pakiramdam ng inaayawan. Ang sabi ni aling Phenol, ulila na raw si Tinay. Inampon siya ng magasawang mayaman pero nalugi ang kumpanya ng mga ito at itinaboy palayo. Ayon kay aling Phenol, sinisi ng mga ito si Tinay dahil sa kapangitan nito, salot raw ito sakanila."


"Pero Heaven kahit na ganun ang nangyari kay Tinay, ni minsan hindi siya nagalit sa mga ito. Mahal niya ang lahat ng uri ng tao."


"Bakit ang dami mong alam tungkol kay Tinay? Nagkwekwento ba siya saiyo?" Hindi ko maiwasang hindi humanga sa kabusilakan ng puso ni Tinay. Isa siyang dyamante, swerte si Heaven dahil mahal niya ito. Si heaven, sa katauhan ko. Sa ideyang iyon bigla akong nakaramdam ng sakit.


"Madaldal kasi si Niknik, e type ako nun kaya nagkwekwento siya."


"Akala ko gusto mo si Tinay e."

"Si niknik nga di ko pinatulan si Tinay pa kaya." Tumawa ito. "Pero kung gusto mo si tinay, ligawan mo na iyon. Baka maunahan ka pa nung ikwinekwento niya si Vene ba yun? Kambal mo ata yun e. "

"Kwinekwento niya ak--saiyo si Vene? Ano namang sabi niya."

"Wala naman, gwapo daw si Vene kaso galit sa pangit kaya inayawan niya nalang." Anya sabay tungga ng alak.


"Ahh." Magtatanong pa sana ako pero namukhaan ko na si Tinay na papalapit saakin.

Akala ko'y lalapit talaga siya pero nanatili itong nakatayo 3 metro ang layo saakin!

"Heaven! Kain na tayo! May dala akong lechong manok!"

Nauna na itong umakyat at sumunod nalamang ako.

"Salamat Naye. Sa susunod ulit!"

Itinaas lang niyo ang shotglass at pumasok na ako sa loob.

Tinay's POV
Pagpasok ko palang sa eskinita, nakita ko na kaagad si Heaven na nakaupo sa tabi ni Naye, bigla akong kinabahan dahil baka hawaan nito si Heaven ng kakaiba nitong lenggwahe.

"Heaven! Kain na tayo! May dala akong lechong manok!"


Hindi ko na inantay ang sagot nito at umakyat na ako pataas. Nakasalubong ko si Ante Phenol, siya ang nanay ni Niknik.

"Ante, ito po oh bumili po ako ng lechong manok kumuh na po kayo ng ulam ninyo ni Niknik."

"Ay nako hija, wag na. Salamat nalang. Ang mabuti pa'y ipakain mo na lang iyan diyan sa nobyo mo, nakita ko kasing naglinis iyon ng rooftop kanina."

"Po?"


"Ay hija, natatawa nga ako dahil hindi ito marunong humawak ng walis kaya ang ginawa niya nalang ay pinulot niya ang mga kalat at tinapon isa isa sa basurahan." Umiling-iling pa ito.


"Hayan na pala siya. Oh hijo, kumain na kayo nitong nobyanmo at alam kong napagod kayo pareho."


Tinignan ko siya at ngumiti lang iyon saakin.

"Sige po aling Phenol, namiss ko rin po kasi itong asawa ko kaya kami'y papanhik na po."


Teka lang? Asawa?
---------
AN.
COMMENT AND VOTEEEE! PLESH! Thanks readersssss.

Ang dyosa ng mga pangitDonde viven las historias. Descúbrelo ahora