Chapter 7- Facts

64 1 0
                                    

Heaven's POV

"Nasaan ba si Eleven? Dalawang linggo na siya nawawala ah?" There they go again. Bakit kapag ako ang nawawala, hindi naman nila ako hinahanap. Siguro kung hindi ko pa kamukha si Vene, malamang iisipin ko na hindi nila ako tunay na anak.

"Heaven? HIndi mo ba nakita ang kakambal mo?" histerical na tanong ni Mom. Umiling lang ako at napabuntong hininga naman sila.

"Honey, i-track mo nga ang cellphone ng anak mo."suhestyon ni mom kay Dad na nagbabasa ng dyaryo. Sa kanilang dalawa, si dad ang kasundo ko. Si mom kasi, si Vene talaga ang paborito kesyo, matalino daw siya at seryoso sa lahat ng bagay. Si Dad naman, naiinis kay Vene dahil wala itong taste pagdating sa babae at ni minsan wala pang nadadalang babae sa bahay.

"Honey, alam mo namang hindi gumagamit ng cellphone ang anak mong iyon." ibinaba nito ang hawak na dyaryo at tumingin sa asawa niyang bakas sa mukha ang pagaalala. "Simula ng mamatay ang babaeng iyon, malaki na ang pinagbago niyang anak mo. Ayaw na niyang gumamit ng cellphone at mas pipiliin pang gumamit nalang ng telepono."

Tama ang sinabi ni Dad, simula ng mamatay si Lucia malaki na ang pinagbago ni Vene...

*

"Lucia, ayaw kong ma-attach sa ibang tao! Itigil mo na ang panghi-hingi ng tulong saakin! Hindi ka naman papansinin ng kambal ko dahil pangit ka" iritableng sabi ni Eleven sa babaeng si Lucia.

Sabog ang buhok nito at makapal ang mga labi. Makapal ang kilay at tadtad ng pimples ang mukha. Naiintindihan ko naman kung bakit ayaw siyang tulungan ni Kuya dahil pangit ito at ayaw niyang mapahiya sa ibang tao.

"Okay lang na ma-attach ka saakin Vene! Alam ko namang hindi mo ako magugustuhan kaya kampante ako. Ako ang dyosa ng mga pangit at si Heaven naman ang Hari ng mga Gwapo. Perfect match kami." bigla akong kinilabutan sa sinabi ni Lucia kaya naman lumabas na ako sa pinagtataguan ko.

"HEAVEN! SABI KO WAG KANG LALABAS EH! AKO NA ANG BAHALA KAY LUCIA!" Itinutulak ako papasok ni Eleven sa loob ng sasakyan pero bigo siya dahil niyakap na ni Lucia ang paa ko.

"Heaven please... Mahal na mahal kita!"

"Hindi kita magugustuhan! LUBAYAN MO NA AKO! NATATAKOT NA AKO SAIYO!" Nang masiguro kong hindi na mahigpit ang pagkakapit niya sa paa ko, nagtuloy na ako sa loob.

"Sorry Lucia..." yun ang huli kong narinig bago pumasok si Eleven sa loob ng sasakyan.

---

Pagkatapos ng araw na iyon, parati ko ng nakikita si Eleven na sobrang masaya. Hindi ko alam kung anong nangyari sakanya dahil malihim ito pero sinubukan ko siyang tanungin..

 

"Masaya ka ata Eleven?" Mas lumaki ang ngiti nito sa labi kaya naman na-weirduhan ako.

"Magkatext na kasi kami ni Lucia at nagrereply siya palagi. Heaven, salamat talaga at hindi mo pinatulan si Lucia."

Literal na napanganga ako dahil sa sinabi ni Eleven. May gusto siya kay Lucia?

"Eleven? May gusto ka ba sa pangit na iyon?"

"Oo, anong masama doon? Mabait siya at Heaven, hindi siya pangit. Walang ginawa ang Diyos na pangit!"

"Oo na. Iba rin ang trip mo e!" nagkibit balikat lang ito at umalis na.

Lumipas ang ilang buwan at hindi na ako nagulat nang malaman kong nililigawan na ni Eleven si Lucia...

Third person's POV~

Si Eleven ang tipo ng tao na ayaw ma-attach sa iba. Para kasi sakanya, sa oras na mapalapit ang loob mo sa iba kapag iniwan ka nila'y labis na sakit ang dadanasin mo pero dahil sa labis na pagkakagusto niya kay Lucia, nilubag niya ang pananaw niya at isinugal ang puso sa isang babaeng ang tunay na mahal ay ang kambal niya.

"Vene! Hindi mo ako pwedeng mahalin!"

"Bakit? May boyfriend ka ba Lucia? Wala naman diba? Bakit naman hindi pwede?"

"Kasi mahal na kita pero magkamukha kayo ni Heaven at tuwing nakikita kita, nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil ang sama ng kambal mo. Nasasaktan ako dahil hindi siya katulad mo."

Lumuluhang umalis si Lucia at nagdrive palayo. Ngunit malupit ang tadhana at tuluyan na silang pinaghiwalay ni Eleven...

Namatay si Lucia dahil sa aksidente at doon na nagsimula ang pagkasira ni Vene...

Ang dyosa ng mga pangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon