SIM 3

3.4K 185 8
                                    

E D I T E D

Cryle's Point of View

LUMIPAS tatlong linggo nung matanggap ako bilang taga-pag-alaga kay Noah, hindi naman masyado makulit si Noah pero jolly siyang bata.

Nung unang sahod ko naman ay agad ko pinadalhan sila Inay at Itay ng pera, at tinupad ko din yung pangako ko kay Joan na ililibre ko siya sa unang sahod ko.

Tomorrow is my birthday so I planned na hindi na lang icelebrate its okay lang naman sa'kin. Kakausapin ko na lang sila Inay, Itay at yung mga kapatid ko mamaya.

"Mommy, 'di ba birthday mo tomorrow?"tanong ni Noah sa'kin. Tsaka pala tinotoo ni Noah ang pagtawag sa'kin ng Mommy niya.

"Yes baby, why?"balik na tanong ko dito at binigyan niya ako ng matamis na ngiti bago sumagot.

"Gala po tayo bukas, kinausap ko na po si Daddy, Mommy pumayag po siya na umalis tayo."masayang sabi ni Noah sa'kin. Why not pumayag na pali si sir Yuri eh.

"Sige baby gagala sa birthday ni Mommy"

Alam na rin ni Sir Yuri ang pagtawag sa'kin ni Noah ng Mommy at pumayag siya, ewan pero sa tuwing sasabihin ni Noah ang Mommy sa harapan niya namumula siya pero hindi ko na lamang pinansin yun.

KINAGABIHAN tumawag ako kala Inay at Itay para kamustahin na rin sila ng mga kapatid ko.

"Oh anak bakit ka napatawag? Kamusta ka d'yan nakakain ka ba ng tama?"tanong ni Inay sa kabilang linya.

"Okay lang po Inay kayo ni Itay at ng mga kapatid ko?"

"Ito okay lang din at tsaka bumili kami ng grocery nung sahod mo, salamat anak"

"Wala yun Inay kayo pa ba"

"Anak, kaarawan mo na pala bukas noh"

"Oo nga Inay, kung kailan ako magde-debut hindi tayo kumpleto"

"Oo nga anak eh, pero sa susunod kumpleto na tayo."

Marami pa kaming pinagusapan ni Inay, ayon maganda naman ang kalusugan ni Itay at nag-aaral ng mabuti ang kambal kong kapatid.

NGAYONG araw ay kaarawan ko na at ngayong araw din kami gagala ni Noah. Masayang-masaya si Noah habang nagbibihis panay ang sabi sa'kin ng happy birthday pero nagpapasalamat din ako sa kanya.

"Mommy sa MOA tayo tayo punta ahh"malambing na sabi ni Noah sa'kin.

"Sige baby sa MOA tayo pupunta at maglalaro tayo sa arcade."masayang sabi ko dito at tango lang ng tano si Noah.

"Cryle kay Roland na lang kayo sumakay, kay Lando na lang ako sasakay"biglang sabat naman ni Sir Yuri.

"S-sige po S-sir"nauutal na sabi ko pero hindi niya pinansin yun.

Nakasakay na kami ni Noah sa kotse at yung driver naman si Kuya Roland. Habang bumabyahe panay ang kwentuhan namin ni Noah at minsan nakikisabat pa si Kuya Roland, natatawa nga ako sa kinuwento ni Noah tungkol kay Sir Yuri. Takot daw si Sir Yuri sa ipis kinuwento pa ni Noah yung ibang kinakatakutan ni Sir Yuri.

"Cryle nandito na tayo sa MOA"biglang sabat ni Kuya Roland samin.

Hindi namin namamalayan na nasa MOA na pala kami pala sarap kase ang kwentuhan namin ni Noah ehh.

"Mommy eat muna tayo kase hungry na po kase ako ehh"sabi ni Noah habang nakahawak sa kanyang Tiyan.

"Sige baby sa Jollibe na lang tayo kain ah?"tanong ko sa kanya tumango naman ito bilang sagot.

Nang makarating kami sa Jollibe naghanap agad kami ng mauupuan, ng makahanap kami ng upuan pumunta ako sa counter at umorder ng makakain namin.

Nang matapos kami kumain lumabas na kami sa Jollibe at naghanap ng arcade. Habang naghahanap kami ng arcade may nakabangga akong malaking tao.

"Ano ba yan hindi ka ba tumitingin sa dinadaan mo!"sigaw nito sakin. Grabe makasigaw kala nasa impyerno yung kausap nasa harapan niya lang naman.

"Pasensya na hindi kita nakita ehh"paghihingi ko ng pasensya sa kanya pero sinigawan niya ulit ako.

"Anong pasensya nalilinis ba ng sorry yung damit ko?!"sigaw na tanong nito sa'kin pero nung tignan ko si Noah parang nataakot sa mama.

"Grabe ka naman maka-sigaw kala nasa impyerno yung kausap mo ehh nasa harapan mo lang naman ako ahh!"

"Hindi mo ba ako kilala huh?!"

"Wala akong pake kung sino ka! Wag kang mag-alala pag nagkita ulit tayo hindi lang mismo milk tea ang itatapon ko sayo!"

Umalis na kami ni Noah at hindi ko na nilingon ang lalakeng sumisigaw. Kala mo kung sino yabang!

Maghahapon na ng umuwi kami ni Noah kase halos lahat ng laro sa arcade ay nilaro namin kaya pagod na pagod kami.

Naghahanda ako ng pagkain para maka-kain na si Noah bukas pa kase makaka-uwi si Sir Yuri nasa Business Trip kase siya.

Habang kumakain si Noah tumawag si Hansen (kapatid ko) kaagad ko ito sinagot baka importante kase.

"Kuya nasusunog ang bahay natin!"sabi ni Hansen sa kabilang linya.

"Sila Inay at Itay nasaan?"tanong ko dito.

"Kuya nasa loob pa ng bahay sila Inay at Itay Kuya"naiiyak na sabi niya.

"Si Hansel (kambal ni Hansen) nasaan?"

"Nasa tabi ko Kuya Cryle"

"Pakausap nga kay Hansel"

"Kuya sila Inay at Itay nasa loob ng bahay kuya anong gagawin nati---"

Naputol ang paguusap namin ni Hansel tinawagan ko ito ng ilang beses pero hindi ito sumasagot.

Binuksan ni Ate Fion ang TV pinunta news naluha na lang ako sa nakita ko sa balita.

"Breaking News labing tatlong pamilya ay nasunugan, at ang sanhi ng sunog ay isang lampara at may dalawang matanda ang namatay ang nangangalang Carmelita Ramos At Hernando Ramos. Nagbabalita Jellie Hernandez"paglalahad ng reporter.

Parang gumuho ang mundo ko ng malaman ko kasama sa nasawi ang ang magulang ko, hindi ko kayang wala sila, sila ang lakas ko, paano na ako ngayon? Yan ang mga tanong sa'kin isipan.

Hindi na lang namamalayan na umiiyak na din pala si Noah habang nakayakap sa paa ko.

Niyakap ko si Noah umiyak ako ng umiyak habang yakap si Noah, hindi ko talaga kayang mawala ang dalawang pinakamamahal kung tao.

"Mommy magiging okay din po ang lahat"sabi ni Noah sa'kin habang umiiyak.

"Sana nga baby magiging okay ang lahat kase hindi talaga kaya ni Mommy na nawala ang taong mahalaga sa kanya eh"sabi ko naman sa kanya pero hindi na lamang ito sumagot niyakap niya lang ng mahipit at ginantihan ko naman ito.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala na sila makakaya ko ba na wala na sila? Paano na lang ang mga kapatid ko?

______

|Author's Note: Naiyak ako habang sinusulat ko ito at tsaka kung panget yung drama ko baguhan pa kase ehh by the way sorry kung late update busy kase Thankyou....MUAH*|

VOTE

COMMENT

SHARE

SUPPORT

Tay as Yuri Wilson Jimenez

Your Author,
bassyyyyie

Suddenly It's Magic | BXB [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon