Chapter 06

1.7K 83 6
                                    

"Same what?"

3rd Pov

Agad silang napalingon sa biglang sumingit. Lagot!

"Mr.Blanc," saad ni Elaine. Bigla itong napayuko dahil nang tumingin ito sa mukha ni Lucas para na itong sasakmal ng tao.

"Don't talk to me! Go home," sabi niya habang nakatingin ng masama kay Elaine. Gusto man nito sumagot ngunit wala siyang magawa.

"Mr.Blanc I'm sorry to interrupt but I think your son is not finish to eat yet," sabi ni Clian. Nang marinig ito ni Elaine gusto niyang takpan ang bibig ng binata dahil hindi niya alam ang gagawin pag pinatulan ito ng boss niya.

"What do you mean Mr.David I accept you to my company just like what your parent request but I can fired you for interrupting us." Matagal na nagkatitigan si Lucas at Clian kaya agad na kinuha ni Elaine si Sky para lumabas alam naman niyang susunod nalang ang boss niya dahil si Sky ang pakay nito. Bakit himala may pakealam na siya ngayon sa anak niya o baka naman nagbabait baitan lang.

Magtatawag na sana ng taxi si Elaine nang muntik na siyang masubsob sa taong biglang humila sa kaniya sa likod. Handa na siyang suntukin ito ngunit hinawakan din ang kamay, kaya napa-angat ang kaniyang tingin, maging si Sky sinundan din ang kaniyang tinitignan.

"What are you doing?" Tanong ni Lucas, habang mahigpit na hawak hawak ang kamay ni Elaine na halos masaktan na dahil sa sobrang higpit ng pagka-kapit nito sa pulsuhan niya.

"Mr.Blanc bitaw masakit," reklamo nito at pilit na hinihila ang kamay niya. Nang ma-relaize ni Lucas ang kaniyang ginagawa agad niyang pinakawalan ang kamay nito.

"Go get in the car," sabi nito at agad na iniwan sila ni Sky sa gitna ng parking lot. Sa pagkakataong ito gustong sumabog ni Elaine sa galit dahil sa walang kwentang dahilan ng boss niya upang hawakan siya ng gano'n.

"Let's go," sabi niya sabay hila kay Sky, habang ang bata ay tinitignan siya ng may paga-alala sa kaniyang mga mata, nais man nito magtanong kung ok lang ba si Elaine ngunit hindi niya ito maitanong dahil sa takot sa sariling ama.

Naglakad ang dalawa papunta sa kotse ni Lucas habang ang lalaki ay nakaupo na sa loob.

Paalis na sana sila ngunit biglang may pumapalo sa bintana ni Lucas, agad silang napatingin doon at binuksan ang bintana.

"What the heck Lucas our date is not done yet then you're leave me there!" nanggagalaiting saad ng babae. Si Elaine naman ay nakatingin lang sa babae habang sa kaniyang isip ay hinuhusganan na niya ito.

Kalandi naman ng babae ito, sa bagay kasalanan din naman iyan ni Lucas bakit kasi iniwan niya pa iresponsable talaga pag dating kung pano tratuhin ang babae

Hindi umimik si Lucas ngunit lumabas ito habang hinihintay siya ng babae sa labas maging si Sky at Elaine lumabas din dahil sa isip nito siya ang sisihin bakit iniwan siya sa date nila.

"Just go home don't make scandal here," Sabi ni Lucas sa babae. Balak pa nitong hawakan ang babae ngunit tinulak siya nito.

"Don't touch me! Earlier you was smiling at me then now when you're with that girl you become cold! And who is that boy?!" bulyaw nito sabay turo sa gawi nila Elaine. Napailing nalang ito dahil tama nga ang hinala niya. Sabi ko na ako nanaman kawawa sa pagiging babaero niya.

Ngunit nagulat silang lahat nang biglang naglakad ang babae sa gawi ni Elaine at bigla niyang hinila ang buhok ni Elaine. Gusto man nitong lumaban sa oras na iyon ngunit namamanhid na ang kaniyang anit at hindi na siya makapag-isip ng maayos. Pinaghalong sama ng loob at sakit sa anit ang kaniyang nararamdaman dahil hindi man lang siya tinulungan ni Lucas o binawal man lang ang babae, habang tumatagal pasakit ng pasakit ang paghila nito sa buhok niya.

"Bitawan n'yo buhok ni Tita Elaine!" Mangiyak-ngiyak na sigaw ni Sky, habang hinihila ang babae ngunit tinulak lang siya nito, muntik nang mabagsak ang bata buti nalang may taong sumalo dito at agad niyang tinignan ang taong iyon.

"Clian," Saad nito napasimangot naman ang binata pero inuna muna niyang hilain ang babaeng humihila sa buhok ni Elaine bago niya ito hinarap.

"Anong karapatan mong manakit nalang basta-basta?!" bulyaw nito sa babae, hindi nakaimik ang babae ngunit tumingin ito kay Lucas.

"Can you please stop meddling to this mess, beside it's none of your business" Sabi ni Lucas, dahilan para mapakuyom ng kamao si Clian.

"Huwag mo akong pigilan na mangealam! Dahil una sa lahat wala kang ginagawa para bawalin ang babaeng iyan na saktan si Elaine! Are you listening that girl hurting the woman who taking care of your son without complaining and you still want to act like it's not my business?!" Parehas na si Lucas at ang babae ay natigilan sa sinabi nito. Hindi akalain ni Lucas na meron pang ibang tao ang makakaalam na anak niya si Sky ngunit hindi niya pinansin ang sinabi ni Clian dahil bumaling ito kay Elaine na magulo pa rin ang buhok at anytime maiiyak na ito dahil sa sama ng loob ngunit walang awang tinignan niya ito ng masama sabay naglakad palapit kay Elaine at Sky. Hinila niya ang dalawa at pinaloob sa kotse.

Magrereklamo pa sana si Clian dahil sa ginawa nito ngunit agad na pinaandar ni Lucas ang kotse bago sila umalis.

Nang makaalis sila isang masamang tingin ang binigay ni Clian sa babae na hanggang ngayon nakatingin parin sa kaniya dahil sa gulat na nalaman niyang may anak na ang taong dini-date niya.

"H'wag mo akong tignan ng ganiyan at baka gusto mong tusukin ko mata mo." Sabi nito bago ngumisi at saka kinuha ng bagay sa bulsa niya sabay hagis nito sa babae.

"Oh ayan sayo na wipes punasan mo make up mo mukha kang si penny wise." Dagdag niya at tumalikod. Sumisipol pa ito habang naglalakad palayo.

Mga babae nga namang katulad niya uhaw masyado sa lalaki at hindi na iniisip kung ano ang tama sa mali. Mukhang sa pagkakataong ito 'yang Nakakainis na Boss namin kuno ang makakalaban ko. I hate the fact that he didn't treat Elaine right...... I hope she will be fine.

The Hidden Desire - COMPLETED Where stories live. Discover now