Chapter 07

774 27 0
                                    

Nang makarating na sila Elaine at Lucas sa bahay walang pasabing bumaba ng kotse si Elaine habang hawak-hawak niya si Sky.

Naglakad sila papasok, pupunta na sana sila sa kwarto ni Elaine ngunit naramdaman nanaman na may biglang humila sa kaniya at naging dahilan para mabitawan niya ang kapit kay Sky.

"Paano niya nalaman? Don't tell me sinabi mo sa iba nang wala akong alam!!" Sigaw niya. Walang nagawa si Elaine kung hindi mapabuntong hininga nalang.

"Mr.Blanc hindi ko naman sinasadya please lang pagod na ako, tama na...." Pagsusumamo nito ngunit imbis na maawa ang lalaki sa ekspresyon ni Elaine mas lalong tumalim ang tingin nito.

"Sky punta ka na muna sa loob ng kwarto ok." utos niya kay Sky, dahil kung maaari gusto huwag idamay ang bata sa away na ito.

"Hindi sinasadya? Paano nalaman ni Clian na anak ko iyang bata na iyan?!" bulyaw nito. Gustong magtakip ng tenga si Elaine sa pagkakataong ito dahil sa lakas ng boses ni Lucas.

"Stop blaming me Mr.Blanc, I'm tried. Please, I don't want to continue this conversation lagi nalang kayong galit sa akin simula nang dumating anak niyo kasi wala kayong pinagtutuunan ng galit gano'n ba? Akala ko masama lang talga ugali nyo may ikakalala pa pala..." Hindi nakaimik si Lucas sa oras na iyon kaya kinuha ni Elaine ang Pagkakataon para umalis sa harapan nito at dumiretso sa kwarto nilang dalawa ni Sky.

Simula noong dumating ito sa bahay na 'yon doon niya pinapatulog si Sky dahil sa wala pang permisyon na binibigay ang ama nito na kung pwede niyang pagtulugan ang kwarto sa itaas ngunit ramdam ni Elaine na hindi pwede dahil sa galit na nararamdaman nito.

Nang makapasok sa loob si Elaine nadatnan niyang nakayuko ang ulo ni Sky habang nakaupo sa kama. Napabuntong hininga siya bago ito nilapitan.

"What's wrong are you ok?" mahinanong tanong nito, bago niya hinaplos ang ulo ni Sky.

"I'm sorry tita kasalanan ko po ito." Napakunot ng noo si Elaine sa kaniyang narinig.

"Sky, It's not your fault ok. Ang mali dito ay siya pero don't think about hating him ok, after all he's you father just understand him for a bit siguro hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala na meron na siyang anak lalo na sa babaeng minahal niya noon diba." Pagpa-paliwanag nito. Ayaw niyang pati ang bata magalit sa ginagawa ng sarili niyang ama.

"Hmm I understand po" Napangiti si Elaine dahil dito saka nito ulit hinaplos ang kanyang pisngi.

"Good boy. Change your clothes then you should rest now ok," sabi niya. Tumango ang bata sa kaniya.

Bago ito tumayo tumingin muna ito sa mga mata ni Elaine sabay sabing, "tita can you cook for me tommorow?"

Napalunok ng mismong laway si Elaine dahil sa hiling ni Sky pero tumango siya dahil hindi siya makatanggi sa bata.

"Ok...." Ngiting sabi nito bago nagthumb ups.

'Good luck sa akin hindi talaga ako marunong mag-luto!'

KINAUMAGAHAN Nang gumising si Elaine dumiretso agad ito sa Kusina upang gawin ang requests ni Sky sa kaniya. 'yon ay ang ipagluto siya.

"My ghad! Paano na 'to? Pati ata itlog masusunog ko pa," natatarantang sabi niya. Dumiretso siya sa refrigerator bago kumuha ng Itlog, bacon and hotdog.

Sinalang niya ang kawali ngunit hindi pa ito umiinit nilagay na niya agad ang mantika pagka-tapos nito nilagay niya ang itlog na nilabas niya. Umupo muna siya sa lamesa at hinintay lang niya ito nang hindi napapansin na nasusunog na pala ang sinasalang niya hanggang sa mangamoy ito na bigla niyang ikinatayo sa upuan.

"What the?! What are you doing!" Agad na napalingon si Elaine sa sigaw na iyon ngunit nakatulala lang siya kung paano pinatay ni Lucas ang Nasusunog na niyang niluluto.

"I'm sorry..." Nakayukong sabi nito. Hinahanda na rin niya ang kaniyang sarili sa posibilidad na sisigawan nanaman siya nito, ngunit hinintay niya ito ng mga ilang minuto pero wala siyang narinig ni isa kaya inangat niya ang kaniyang tingin at tinitigan ang mata ng taong nasa harapan niya.

'ang hirap pala mahalin 'yong taong kinakainisan mo para ka lang pinagtritirpan ng nararamdaman mo ano?' Wala sa sariling napaisip siya.

"Sino ba kasi ang nagsabi sayong mag luto ka kung makakasunog ka lang naman ng bahay." Pagalit nito. Guilty na si Elaine sa oras na iyon.

"Pasensya na sinubukan ko lang naman kasi request 'yon ni Sky hindi ko matanggihan ang bata," sabi nito. Dahil sa sinabi nito napahinto si Lucas ngunit walang sabi sabing tumalikod siya bago kumuha ng isa pang kawali sa loob ng cabinet.

Pinagmamasdan ni Elaine ang bawat galaw nito, at the same time naa-amaze siya dahil mukhang mas marunong pa ang lalaki sa kaniyang magluto.

"Marunong ka palang mag luto Mr.Blanc?" tanong ni Elaine. Hindi nadin niya napansin na hindi na siya galit sa lalaki, lumapit pa siya dito para silipin ang ginagawa ng lalaki.

"Shut up bumalik ka do'n kung ayaw mo matalsikan," suway sa kanya ni Lucas. Ngunit hindi ito gumalaw sa halip patuloy parin nitong sinisilip ang ginagawa ng lalaki.

Kahit prito lang ang niluluto nito nahihiwagaan pa rin siya dahil hindi din naman siya marunong kahit prito lang pati sinaing na kanin hindi din niya alam.

"Ok lang may lagnat ka ngayon Mr.Blanc?" Para nang may mood swing si Elaine sa oras na iyon nakalimutan nadin niyang galit siya sa lalaki dahil sa pangiinsulto nito sa kanya.

Napabuntong hininga nalang si Lucas at hinayaan si Elaine pinagmasdan kung pano siya magluto hanggang sa natapos na nga siya.hinain nya do'n ang pagkain.

"Ayan," sabi lang nito at saka nag-lakad palabas sa kusina. Hindi naman maiwasan ni Elaine ang mapangiti.

"Kahit papaano may tinatango ka pa rin palang soft side, sa totoo lang ang hirap mo basahin hindi ko na din alam kung lahat ba nang pinapakita mo sa amin ay totoo," sabi ni Elaine nang mag isa habang pinag-mamasdan ang pagkain sa lamesa.

"Tita, wow luto mo iyan?" Lumingon si Elaine sa pintuan at saka tumakbo si Sky papunta sa lamesa sakto namang nakahain na din si Elaine para dito saka nagsimula kumain si Sky.

"Actually daddy mo nagluto niyan." Napahinto sa pagsubo si Sky maya-maya lang ngumiti ito ng malapad.

"Mas marunong pa mag luto sayo si Daddy?" Do'n naman napasimangot si Elaine.

"Ikaw na bata ka hindi talaga ako marunong magluto pero kaya kitang ilaga!" Asar na sabi nito na ikinatawa nilang dalawa. Pagkatapos nito tahimik na kumakain nalang si Sky habang pinagmamasdan niya itong kumain.

'Hindi ko alam kung ano ba talaga ugali ang meron siya hindi ko siya maintindihan at eto nananam ako nagpapadala nanaman sa kaniya kahit puro sakit lang nararanasan ko katulad nalang no'ng time na halos makalbo ako dahil sa kaniya....'

The Hidden Desire - COMPLETED Where stories live. Discover now