Chapter Twenty Two

125 8 0
                                        

Ilang araw na ang nakakalipas magmula nung birthday ni Uno at hindi na kami pinapupunta ni Daddy sa kanya dahil masyado talagang hectic ang schedule niya

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.




Ilang araw na ang nakakalipas magmula nung birthday ni Uno at hindi na kami pinapupunta ni Daddy sa kanya dahil masyado talagang hectic ang schedule niya.

Tinawagan ko si Nurse Mia pero hindi siya nasagot, nasa kanya kasi yung iba pang medicine kit ko, at dapat may daily check-up ako ngayon. Si Kuya na lang tinawagan ko,

"Kuya, hindi pa nadating si Nurse Mia," pahayag ko at mukhang abala din siya sa trabaho.

"Magpasama ka na lang kay Felix o kay Vince sa ospital, I'll check you later," saad ni Kuya at inend na ang call. Mukhang may pinuntahan si Vince at Felix nang tawagan ko sila. Wala din si Tati dahil umuwi siya sa Spain para bisitahin yung ibang relatives niya.

Last resort ko na si Paulo, tinawagan ko siya at agad itong sumagot,

"Paulo, busy ka?"

"Hindi naman, why?" Napabuntong hininga naman ako, akala ko si Cairo na ang magdadala sa akin sa ospital ngayon. I'm still scared of telling him the truth.

"Wala kasi akong kasamang magpacheck-up, everyone's busy so no one can accompany me to the hospital." Paliwanag ko sa kanya.

"Gusto mo samahan kita?"

"Yes, please?" Kailangan ko na din malaman kung nasaan si Nurse Mia.

"Okay," after the call, I waited for him in the house and he even brought his car with him. Nagsuot lang ako ng simpleng loose shirt at jagger pants saka nakalugay ang buhok ko.

"Thank you talaga," sabi ko bago ko sinuot ang seatbelt at lumingon sa kanya.

"No problem, hindi pa ba alam ni Cairo?" I gave him a deep sigh and nodded.

"Hindi ko alam kung papaano ko sasabihin, at nagkakaroon na ako ng iba pang plano," paliwanag ko sa kanya since bestfriend naman siya ni Cairo. Hindi ko din inexpect na malalaman niya ang kalagayan, well, fate will always be tricky.

"You can do it, and Cairo will understand," pag-cheer niya at pinaandar na ang kotse. Nag-usap na lang kami ng ibang bagay hanggang sa makarating kami sa ospital. Buti na lang nakatapos agad ng isang appointment si Dr. Marcus at naisingit ako sa schedule ng nurse kanina.

Napatayo ako nang makita ko si Dr. Marcus.

"I'm sorry Mia can't come earlier, may errands siyang tinatapos," paliwanag niya agad sa akin.

"It's okay, magpapacheck-up na lang ako dito," sagot ko at napabaling siya sa kasama ko.

"Boyfriend mo?" Bulong niya at napailing ako.

"Doc, kaibigan ko, si Paulo," pakilala ko sa kanya at naghandshake sila.

After ng check-up, inaya ako ni Paulo na kumain muna bago ako ihatid sa bahay.

Before Anything ElseWo Geschichten leben. Entdecke jetzt