Chapter Twenty-One

132 11 0
                                        

Undas break na, at lahat ay may kanya-kanyang plano na umuwi sa kanilang mga bahay

Ups! Ten obraz nie jest zgodny z naszymi wytycznymi. Aby kontynuować, spróbuj go usunąć lub użyć innego.




Undas break na, at lahat ay may kanya-kanyang plano na umuwi sa kanilang mga bahay. Paglabas namin ng gate, nagkita kami ni Cairo.

"Wala na ulit pasok!" masayang saad ko, at ngumiti naman siya saka ako pinagbuksan ng pinto ng kotse. Nang pinaandar niya ang kotse saka lang ako nagtanong.

"Saan ka ngayong undas break?" Tanong ko sa kanya.

"I think I'll be visiting my parents, may plano ka ba ngayong undas break?" Tanong niya at napaisip ako, baka umuwi si Daddy o kami ni Kuya ang pupunta sa Greece para bisitahin siya.

"Mayroon, baka bisitahin namin si Daddy sa Greece kung busy siya," sagot ko at napatango naman siya.

"What is your Dad like?" Biglang tanong niya sa akin habang nagmamaneho. Napahawak ako sa aking baba,

"Hm, strikto pagdating sa akin, pero close ko si Daddy lalo na kapag ang pinag-uusapan namin yung mga Marvel movies. We love that, a lot! Workaholic, and smart in any way." Paglalarawan ko sa kanya.

"You love your father, huh?"

"Sobra,"

Bumaling ako sa kanya.

"Yung Dad mo?" Tanong ko.

"He's intimidating but really a jolly person that's why he can handle Mom pretty good." Sagot niya.

"Mommy mo?" He nodded.

"Mom is a perfectionist but gave us freedom what we wanted, she tries not to start an argument because she is what she is." Paliwanag niya pa. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan, baka icriticize ako ng Mommy niya if ever na magkakilala kami.

"Are you still free on Saturday?" Tanong niya sa akin bago ipinarke ang kotse sa harap ng bahay.

"Sa umaga may errands ako, sa hapon wala naman." Tugon ko.

"Then come with me, birthday ni Uno sa Saturday, night party sa bahay nila." Sambit niya.

"Hindi ba ako abala doon?" Tanong ko.

"No, Baby, he invited us to go," pangungumbinsi niya pa sa akin at kita ko sa kanyang mga mata na parang excited siya sa hindi ko malamang dahilan.

"I think he invited Olive too," dagdag niya pa, oo nga, kakilala din iyon ni Uno.

"Sige," napangiti naman siya at hinalikan ko siya sa pisngi bago magpaalam.

Before Anything ElseOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz