A Very Special Chapter

Magsimula sa umpisa
                                    

Agad ko siyang sinalubong.

"I'm sorry to keep you waiting my fairy. Something just went wrong in the way."

I hugged her and gave her a kiss in the cheeks. Para parin kaming bagong kasal. Hindi nawawala sa amin ang kakaibang reaksyon sa tuwing magkakalapit kami. I can always see her blushing when I kiss her. And I in return, it will always make me smile.

And now she's carrying our special gift from above. Kinakabahan parin ako sa tuwing iniisip ang paglabas niya. I'm sure Dannie will be in so much pain. And I always pray for my daughter and my wife's safety.

"Talaga lang ha? Something went wrong? Bakit ba pinipilit mo pa ang sarili mo na matutong magbike? I love the way you are and I already accepted your flaws when I married you. Mahal kita kahit hindi ka marunong magbike," mahina niyang kinurot ang magkabilang pisngi ko.

"Alam ko naman 'yon. Gusto ko lang na sa paglaki ng anak natin ako ang magtuturo sa kanya na magbike," pagpapaliwanag ko.

I slightly pout to look cute.

"Ang cute naman ng Isaac ko kahit ang dungis." She poke my nose and laugh.

She keeps on laughing while holding her big tummy. And she looks wonderful.

The doctors said that she's almost due. But it doesn't stop her from going and organizing this small picnic for us.

She wanted to meet our close friends before she labor. Nandito na kami sa harap ng mesa at inaayos ito para makakain na.

"Dannie nakita mo si Ruan? May naghahanap kasi sa kanya."

A small petite woman came close to ask my wife. Ngumiti siya nang makita ako sa tabi ni Dannie.

"May kukunin daw sa labas. Baka pabalik na rin siya rito," sagot ng asawa ko sa kanya.

"Who is she?" Bulong ko kay Dannie nang lumingon ang babae sa likuran.

"Zooey's first love. Hindi mo alam?" She whispered. My wife's innocent answer made me laugh.

Si Zooey may first love? Akala ko magpapari nga ang unggoy na 'yon. Hindi nga halos malapitan ng mga babae.

"Are you sure, my wife? Si Zooey?!" Hindi ko na mapigilang itanong ulit kung totoo ba ang narinig ko.

Napalingon naman muli sa direksyon namin ang babae. Siguro nagtataka dahil nabanggit ko ang pangalan ni Zooey.

"Pagpasensyahan mo na siya. Hindi lang talaga nakapag-almusal kaya ganito." Siniko ako ng asawa ko para tumahimik. "Tulungan mo na akong maghanda rito para makakain na tayo."

Kumuha rin ng mga pinggan ang babae at tinulungan kami. She helped us arrange the table while still glancing to see if Ruan is coming.

"Andito na ang paborito mo, Dannie," Mike happily placed the fresh pineapple in the table.

"Dannie is about to give birth so it is very important that you give her more nutritious foods, Sac. She will soon have another one to feed." Amanda pat me at the back after she sliced the fruits.

"I will give her more than enough so you guys should not worry. Mahal ko ang asawa ko kaya ibibigay ko ang lahat ng kailangan niya. I will be a slave for her." I wink at my wife and that made her smile.

"I can't wait to see my lovely princess."

Dumating si Mama kasama si Mona.

"I'm here lola! You already saw me."

Almost everyone laugh at what Mona said. She is still an innocent girl.

Mona raised her hands like she's been called by her teacher. I think she's used to raised her hands now when someone calls her because of what she learned from her kindergarten.

"We will have another princess here, my princess. You will soon meet her," I pat her head.

We ate when everyone came. Marami rin kaming napag-usapan at pinagtawanan. We have experienced good and bad times together. I'm very happy to be with everyone here.

Pinagmasdan ko ang lahat na nagkakasiyahan ngayon. They were all smiles and seeing them share happiness makes me emotional.

I want to continue this forever. Sana ganito kami kasaya lagi. Sana lahat kami maging masaya sa mga desisyon namin.

"Let's make a video message for our selves or someone in the future. Basta walang mandadaya. We should watch all our videos together. Walang sisilip."

Tristan suggested that we make something we should remember in the future so we came up with this video message thing.

"Ako ang mauna." Kinuha ko ang video recorder at pumunta agad sa malayo para hindi nila ako marinig.

Nang nasa malayo na ako ay umupo ako sa damuhan at sinimulan na ang pagrecord.

"I'm sure everyone knows me. Isaac Dryle Alfonzo Guevarra at your service." Yumuko ako nang kaunti para magbigay galang. "I was once called a playboy. Hindi dahil sa manloloko ako. I was just making every girl happy. I want to see them smile. Dahil mula pagkabata nakita ko kung paano naging ibang tao ang mama ko dala ng kalungkutan. She was no longer the loving mother I used to have when my father died.      
She loves my father so much that when he was gone, she lost herself. At ngayong may pamilya na rin akong bubuuin, pinapangako ko na aalagaan at mamahalin ko sila hanggang sa mga huling hininga ko. To my ever beautiful wife, the mother of my child, I will never ever make you cry. I will spend the rest of my life with you and our children. Damihan pa natin para makabuo tayo ng isang cheering squad! Mahal kita kahit pumuti na ang mga buhok natin. I love you until forever, my fairy!"

Tinaas ko pa ang dalawang kamay ko para bumuo ng hugis puso. Saranghae!

"A-aaray! Manganganak na yata ako!"

I heard Dannie's loud scream and saw her touching her stomach. Agad akong tumakbo papunta sa asawa ko.

Oh my God! This is the time.

"Kukunin ko ang sasakyan para madala natin siya sa ospital," wika ni Mike na nagmamadali.

"Andito lang ako. Kakayanin natin 'to!" Hinawakan ko ang kamay ni Dannie habang patuloy parin siya sa pagtili. "You'll be alright."

Hinaplos ko ang likod niya para mabawasan ang kaba niya. Pero ako mismo ay kinakabahan rin.

"Ba't ka namumutla dyan Dryle?"

Bumaling ako sa likuran at nakita ko si Tristan dala-dala ang camera.

"I'm oka---" Bigla na lang hinila ni Dannie ang buhok ko habang namimilipit siya sa sakit.

"Bakit ang tagal ng sasakyan. Manganganak na yata ako rito!"

"N-nandito na. Sumakay na tayo." Inalalayan ko siya papasok sasakyan habang patuloy parin niyang pinagbubunot ang buhok ko.

Kakalbuhin niya yata ako sa sitwasyong ito.

"Mahal kita, Isaac pero ang hirap manganak!" At diniinan pa niya ang pagsabunot sa buhok ko.

"Alam ko na rin ang hirap...pero mahal kita kahit maging kalbo ako!"

No Ordinary Playboy (PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS - The 2018 Wattys Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon