A Very Special Chapter

Start from the beginning
                                    

Nagkayayan sila Zooey at Tristan na magbike kaya hiniram ko muna ang bike ni Mike para magpractice kaso hindi na kinaya ng bike ang mga nangyari kanina. Naputol na ang sintas at natanggal na ang brake sa unahan.

"Sana walang makakilala sa akin ngayon. I look horrible right now. Ang dumi-dumi ko pa. Baka bukas pagpiyestahan na ng media ang mukha ko ngayon."

Pilit kong pinapagpag ang damit para maalis ang mga damong dumikit at nagpatuloy sa pagtutulak sa bike.

"Isakay mo na lang ako! Gusto ko rin maranasan sumakay sa likod," narinig ko ang boses ni Patricia.

Parang nagtatampo pa kaya binagalan ko ang pagtutulak.

"Hindi na nga kaya ng bike. Flat na ang gulong sa likod. Baka maaksidente pa tayo."

Nakita ko si Tristan at Patricia malapit sa isang puno.

"Baka ayaw mo lang talaga ako isakay e. Mabuti pa si Dannie kahit sa paglalakad sa hagdan inaalalayan ni Isaac. E ikaw ano?"

Tumalikod si Patricia at halatang nagtatampo kay Tristan. Minsan pakiramdam ko may iba talaga sa kanila. Minsan nag-aaway at minsan nagkakasundo naman.

"Si Dannie may dinadala, kaya iniingatan talaga bawat kilos. Ikaw? Bilbil lang dinadala mo. Kailangan mo pa ba ng special treatment sa lagay na 'yan?"

Mahilig talagang mantukso nitong si Tristan kay Patty. Kailan pa kaya siya aamin?

"Ewan ko sa'yo! Alam kong mataba ako pero maganda ako. Kaya special pa rin ako. Ikaw akala mo ba gwapo ka?"

"E bakit nagkagusto ka kung hindi ako gwapo sa paningin mo?"

Hinawakan ni Tristan ang mukha ni Patricia at hinarap sa kanya. Ngayon, hindi na makapagsalita si Patricia.

"E-ehem! Mauna na lang ako sa inyo," nagpaalam ako sa dalawa at nagkunwaring hindi ko nasaksihan ang nangyari.

"Ikaw kasi! Bakit mo ako iniinis?"

Nagpatuloy ako habang nanatili pa ang dalawang lovebirds sa lilim ng puno.

"Kuya prince! You are here na," masaya akong tinatawag ni Mona habang nagtatalon siya.

Kinawayan ko naman siya. Hinanap ko sa paligid si Mike para itago sana ang sirang bike sa kanya pero huli na ang lahat.

Nakatingin na pala siya sa direksyon ko. Nasa tabi niya si Amanda. They seem to get along well.

Naunang lumapit si Amanda sa akin at sinundan naman siya ni Mike na nakataas na ang dalawang kilay. Ang mahal niyang alaga na sira kaya alam kong pagagalitan talaga ako nito.

"You look childish. Para kang batang inawan ng magulang kaya nagliwaliw sa kalsada, Isaac." Panay ang tawa ni Amanda sa akin ngayon. Hindi halatang ang dungis ko. "Mike is really the mature one among you. He would not do such childish act like this, right Mike?"

Hinintay ni Amanda si Mike na tumango sa kanya pero parang kinokontrol pa niya ang galit niya sa nakita. Alam kung mahalaga kay Mike ang image niya kaya hindi niya iapapakita na isa rin siya sa mga isip-bata. Lalo na sa harap ni Amanda.

"Yeah. Hindi ako isip-bata. Hindi tulad ng iba dyan," Mike heavily breathed out after.

"Hindi talaga isip-bata si Mike." I retorted.
Mabilis kong sinandal ang sirang bike sa kilid. "And speaking of baby, where is my babies now?"

I turned around and saw Dannie  slowly walking towards us. And as always, she look so breath-taking holding her tummy with a very beautiful smile.

My babies. My life and everything in this world is coming to me.

No Ordinary Playboy (PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS - The 2018 Wattys Winner)Where stories live. Discover now