T.T Kelangan, siya na naman? May ghad! Di ko ata kakayanin na makita siya ulit. Hay ang gwapo niya naman kasi! Dahan dahan naman akong lumingon. Parang SM. Slow Motion! Bahagya naman akong napakapa sa balakang ko. Baka kasi nalaglag yung panty ko! >.
"Sir, a-ano pong kailangan niyo?"
"You still here? Bakit hindi ka pa umuuwi?" He said. Ba't ba ang pogi nito? Naman kasi e. Yung panty ko baka tuluyang malaglag! Maawa ka naman! Huhuhu.
"Pauwi na talaga ako, Sir. Hehe." Inunahan ko na siyang maglakad. Ayoko nga siyang makasabay sa elevator! Baka ma-rape ko pa siya! Ay este baka ma-rape pa ako! Binilisan ko pang maglakad papuntang elevator!
"Nadine! Wait!" Magsasara na sana yung elevator nang bigla niyang harangan! Anak ng pupu 'tong lalaki na to! "Sabay na tayo." He just smile at me. Bakit ba ang. . Haay. Nadine, siya yung lalaking yun. At remember lahat ng lalaki, pare-pareho. Mga manloloko. Yes, Ma'am! Alam ko! Hindi ako baliw sadyang paki-alamera lang yung sub-consious ko. Etchosera yun e.
Ayun na nga. Kaming dalawa lang yung nandun sa may elevator. Kinabahan naman ako bigla. Enebe! Nakatingin lang ako dun sa may sahig. Kasi naman e! Hindi ako mapakali!
"What's on the floor? You always looking at the floor."
Napatingin naman ako sa kanya. Diretso lang siya nakatingin. Ako ba yung kausap niya? Ay! Tanga baka ako nga! Kami lang yung nandito e. Ang bobo ko naman! Tss. Akala ko kasi yung elevator kausap niya e. Malay ko ba! "Uhm. Nothing sir."
Hindi na siya nagsalita pa. Hanggang sa makarating na kami sa ground floor. Nauna na akong lumabas sa kanya. Siguradong may kotse siya. Wala naman akong kotse kaya anong gagawin ko sa parking lot? Naglakad na ako papuntang kalsada. Maghahantay pako ng taxi e. Dadaanan ko pa si Mama. Baka kung anong nang nangyari dun. Tss.
Nandito na ako nakatayo sa may gilid ng kalsada. Napatingin ako sa relo ko. 7 pm na! Damn! Ang tagal ko palang hinanap yung peste kong phone! At wala pang dumadaang taxi! And worst? Mukhang uulan pa! Ang malas ko talaga!
Pumapatak na yung ulan. Wala akong payong! My ghad! Anong gagawin ko? Sigurado namang akong nakauwi na si France! Wala akong kotse e.!
"Nadine! C'mon! I give you ride!" Narinig kong sabi nung lalaking yun sa akin. Nasa harap ko na pala yung kotse niya. Medyo hindi ko pa maintindihan yung sinasabi niya dahil malakas na yung ulan! At basang basa na ako!
"Thank you nalang po sir! Hindi na po! May dadaan naman po taxi dito e!" Pasigaw ko rin sabi. Kasi kung hindi baka hindi niya ako marinig. Umuulan na kasi ng malakas. At nilalamig na ako! Huhu. T.T
"I insist! Sige na!"
Aba, at makulit pala 'tong lalaking ito e. Hindi niya ba ma-gets yung logic? Hindi niya ba maintindihan na nilalayuan ko siya? Nakaka-bobo din 'tong isang ito e.
"Okay lang po talaga ako! Mr. Mariano!" Tama na yung isang gabi ng kabobohan. Hindi na yun mauulit! Napayakap ako sa sarili ko. Ang lamig na kasi e. Nasan na ba yung pesteng mga taxi? Bakit walang dumadaan? Urgh!
Nakita ko namang bumaba siya. BUMABA SIYA? O.O
"Minsan talaga makulit yung mga babae. Kaya lang mas makulit kasi ako e. Kaya minsan wala silang magagawa." Sabi niya nang nakatingin sa akin. Basa narin siya ngayon. Sa harap ko. Nagulat ako nang. . .
"Hoy! Ibaba mo ako hoy! Ano ba?"
Binuhat niya lang naman ako!? Yung parang sako ng bigas! Ganun! Nasa likod niya ako. Kaya pinagpapalo ko yung likod niya. "Get off me! Ano ba? Baba mo ako! Hoy!"
Binuksan niya yung pinto ng kotse at binaba ako doon. "There. Binaba na kita. Ang masunurin ko no?" Inirapan ko nalang siya. FC pala to e. Feeling Close! Kainis. Pero kanina nung buhat niya ako, hay..ang bango niya! Hmmm. Ang sarap amuyin! Ay peste ano bang iniisip ko?
Sumakay narin siya sa kotse niya at pinaandar ito. Pareho na kaming basa sa loob ng kotse niya. Ano ba naman ito? Ang awkward! Nang makita ko na yung kanto ng apartment ko, "Dito nalang ako. Salamat."
Pero ang lalaking ito, hindi inihinto ang sasakyan niya?! "Bababa na ko! Ihinto mo!" Pero parang wala siyang narinig. Tuloy parin siya sa pagmamaneho. Nginitian niya lang ako.
Teka, parang alam ko na kung saan 'to papunta! Ang putcha! papunta to sa condo niya ah! Alam ko to kasi nga diba? Nilayasan ko siya? Urgh! "Hoy, bakit tayo nandito? Hoy ibaba mo na ako!" Pero parang wala parin siyang narinig.
Nang makapag-park siya, hinila niya ako pababa. Sumakay kami sa elevator! "Hoy! bakit ba ako nandito? Hoy! uuwi na ako!" Pero hindi parin niya ako binibitawan.
Nang makalabas na kami ng elevator, konting lakad pa at yung unit na niya. Oh diba parang hindi ko naman masyadong kabisado? Hahaha. Tumapat kami sa unit niya. Kinabahan ako. Nagpindot siya ng passcode. Tapos bumukas na.
Nadine, welcome to hell.
YOU ARE READING
No Strings Attached
General Fiction"I'm Pregnant. . ." Mangiyak-ngiyak na sabi ko sa kanya habang hawak ang isang pregnancy test. Ramdam ko ang pagbigat ng hininga niya sa mga sinabi ko. Napahugot ako ng hininga nang akmang aalis na siya, mabilis kong hinawakan ang braso niya. "A-an...
Chapter 6
Start from the beginning
