Chapter 9

440 19 12
                                        

No Strings Attached

Chapter 9

Nadine's POV

"Baklaaaaaaaa!"

Napatingin ako sa biglang sumigaw sa may pinto ng department namin. At kilalang kilala ko ang boses na 'yun.

"Nadieee!" Pasigaw na sabi ni bakla habang papalapit sa desk ko. Napatingin din ako sa iba pang ka-officemate ko. At napatingin din sila kay bakla.

"HIHIHI Hello sa inyo! Just informing you guys na dito narin ang department ko!" Malanding sabi ni bakla habang nakaupo pa sa desk ko at kumakaway sa mga kasama ko sa department na ito. Hanudaw?

"Huy, wag ka ngang sumigaw dyan! Baka mamaya makita ka dyan ni Ma'am Ellie!" Saway ko sa baklang ito na ang pinatutungkulan ay ang supervisor ng department namin ito.

Nginitian lang niya ako at kinindatan. "Don't worry bakla. Kakaka-usap ko lang sa kanya kanina. Doon ang desk ko oh!" Sabi niya at tila may tinuturo banda doon sa desk ni Myla. Kinunutan ko siya ng noo. "Sige na girl bye!" Sabi ni Frans at binitbit ang box nito papunta sa desk niya.

Tiningnan ko lang ang gaga at pinagpatuloy na ang trabaho ko.

Medyo umuusad na ang parerevised ko nang may tumapat na naman sa desk ko. Agad kong binalingan iyon.

Bumungad sakin ang nakangiting si Ashley. "Hi! May kailangan ka?" Tanong ko sa kanya. Hindi kase mapuknat ang ngiti niya sa labi. Ano kayang kailangan nito?

"Actually, wala akong kailangan! Ikaw!" Kinikilig na sabi ni Ashley. Huh? Kinunutan ko siya ng noo. Natawa naman siya sa reaksiyon ko.

"You need to tell me nung sino ang nagpadala nito!" Sabi niya at biglang bumulaga sa harap ko ang bouquet ng red roses na hawak niya.

"Huh? Kanino ba 'yan?" Nagtatakang tanong ko.

"Pinadeliver 'yan! Sabi ay To: Nadine Fuentabella. Pero walang nakalagay kung kanino galing! Tell me, bago ka lang dito sa department, may secret admirer ka na agad! Kilala mo?" Kinikilig parin na sabi ni Ashley at tinatapik na ang balikat ko.

Napatingin ako sa mga katrabaho ko. May ilang mga nakikiusyuso. Napatingin ulit ako sa nakangiting si Ashley at bulaklak na hawak niya. Nakakahiya!

"Ha? Patingin nga!" Sabi ko sabay kuha sa bulaklak na iyon. Naroon nga ang pangalan ko ngunit walang nakalagay kung kanino galing.

"Hey, Nadine! Tell me na kung sino nagbigay niyan sayo!"

"Hindi ko alam eh. I have no idea." Sabi ko at binalingan ko ulit yung red roses.

"Loka, may secret admirer bang nagpapakilala?" Napabaling ako sa nagsalitang si Myla. Nakatayo narin siya pala siya sa harap ng desk ko.

"Malay mo kilala naman talaga ni Nadine nahihiya lang siya, hay nako! Sige na nga bye!" Nakita ko pang umirap si Nadine kay Myla at nagmartsa paalis.

Umirap din si Myla pabalik kay Ashley. Seriously, hindi ba sila okay sa isa't isa?

"By the way, Nadine, I need the papers na pinapakuha ni Ma'am Ellie." Saad ni Myla, kaya agad ko itong hinanap.

"Ah, sure. Heto oh." Inabot ko sa kanya ang sinasabi niyang mga paper.

"Thank you." Sabi ni Myla at umalis na. Nakatitig pa ako sa likod ng papalayong si Myla nang magvibrate ang phone ko.

May isang message doon. Agad kumalabog ang puso ko.

Lex:
Good morning. Did you receive the flowers? I'm on my way there.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 12, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now