"Gaga! Sanabi lang niya sa akin kung sino ang maghahawak ng niri-revised kong kaso."

"Aaahh. Oh e, sino? Si Atty. Dimaano? Hahaha! Sabi ko na nga ba e. Sana sakin yung bagong abogado dito sa firm. Si Mr. Mariano? Hahaha. Kalurkey ang hotness ng isang yun." Sabi niya with matching upo pa sa desk ko at hawak sa legs niya. Oh di'ba kadiri?

"Ayun na nga e. Siya ang maghahawak."

"Huh? Si Atty. Dimaano?"

"Hindi."

"Sino?"

"S-si Mr. M-Mariano."

"Whuuuuuuuuuttttt????!!!!!"

Nagtinginan yung mga ka-trabaho namin dahil sa exagerated na reaction ni France. Of all people naman kasi bakit siya pa?

"Ang swerte mo girl! Ikaw na talaga!" Napatingin ako kay France. Swerte? Baka malas? Sino bang swerte na makatrabo ang naka-one night stand mo? Urgh! I'm so hopeless!

***

"Ms. Nadine Fuentabella?" Napatingin ako sa tumawag sa pangalan ko. Kakapasok lang niya sa Department namin. Kung hindi ako nagkakamali, si Ashley yun ng kabilang department. At secretary siya ni Atty. Castlellano, yung dating in-charge attorney dito sa Clinton's Law Firm.

"I'm here!" Nagtaas ako ng kamay. Mukha kasing hindi niya ako kilala at nagpapalingalinga siya.

"There you are. I'm the secretary of the new in-charge attorney. I assumed that you already know about that." Mukha naman siyang mabait. Talagang professional lang siya magsalita.

"Yes."

"I'm Ashley. At sa tingin ko mukhang medyo matagal tayong magkakasama to sort things out. Si Atty. Mariano kasi ang hahawak ng kasong niri-revised mo. And since nasa kabilang department ang opisina ni Mr. Mariano, you better pack your things because your moving to our department." Nakangiting sabi ni Ashley. Napangiti nalang din ako. Hindi ko kasi gusto ang idea na lilipat ako ng department. I'm so dead. Oh my gosh.

"Kelan ba ako dapat lumipat?" Tanong ko kay Ashley.

"Well, according to Mrs. Castfield, this is the best time to transfer you to our department. Don't worry Nadine this is just temporary."

Ngumiti nalang ako kay Ashley. Ang malas nga naman kapag natyempohan mo, susundan at susundan ka. Psh.

***

"Girl? Lilipat ka ng department? Pero bakit?" Tanong ni France.

"Diba nga yung bagong attorney yung hahawak sa kasong trabaho ko? E, alangan namang habang ginagawa ko yun e, Pabalik-balik ako mula rito sa desk ko hanggang dun sa kabilang department kung nasan yung opisina niya diba?" Sinong baliw ang gagawa nun? Hayss. Nakakaloka ang life. Nilagay ko na ang pang huling gamit ko sa malaking box.

"Mami-miss kita." Sabi ni France na nakapout pa. Tingnan mo itong baklang 'to. Parang mamamatay lang ang peg ko e. Parang malilipat lang ng department e!

"Oy! Umayos ka! Hindi pa ako mamamatay! At hindi bagay sayo ang magpout!"

"Grabey ka atey. Nakaka-hurt ka na! Hindi mo ba alam na masakit dito! Dito oh, tagos!" Sabi niya at itinuturo pa ang dibdib niya.

"Sige na Francisco. Aalis na ako. Bye. Temporary lang naman ito kaya wag mo akong mami-miss ah!" Sabi ko at niyakap ko siya.

Naglakad na ako. Pero biglang nagsalita si France. "Alam mo first time kong hindi maiinis nang tawagin mo ako sa buong pangalan ko."

"Hahaha. Syempre niyakap kita e." Sabi sabay kindat. ;)

"Bakla ka!" Sabi niya sabay hagis sa akin ng lapis. Isa pa 'tong baklang ito sa mami-miss ko e. Ang sabi naman sa akin ni Ashley, One month lang ang pinakamatagal. At wag daw akong mag-alala. Tutulungan naman daw niya ako. At tsaka isa pa, malalayo ako kay Elliah the bitch. Kahit papaano may swerte rin naman. Kahit papaano.

****

"This would be your desk for a while. And when you need help, nandun lang ako." Tinuro ni Ashley yung desk niya sa di kalayuan. "And then that's Mr. Mariano's office." Tapos tinuro niya yung pinto malapit sa desk niya.

Tumango nalang ako. Nagsimula na akong magtrabaho. Medyo hindi ko pa kabisado ang bagong department na ito. At syempre, hindi ko rin kilala yung mga tao dito. "Hi! Bago ka dito? Ako nga pala si Jenna. Ikaw?"

"Hi, ako si Nadine."

"Sige, nice meeting you Nadine. Oras pa kasi ng trabaho baka makita tayo. Mamaya nalang!" tapos umalis na si Jenna. Tinuloy ko nalang din ang trabaho ko. Buong araw kong hindi nakita si Mr. Mariano. Kahit pa nandito na ako sa department niya. At nagpapasalamat ako doon.

Dumaan ng mabilis ang oras. Hindi ko napansin na uwian na pala. "Nadine, hindi ka pa uuwi? Mag-oover time ka ba?" Tanong ni Jenna. Ako nalang pala ang may bukas na monitor. Yung iba nag-siuwian na rin.

"Ah, naku hindi, uuwi narin ako." Sabi ko at niligpit na ang mga gamit ko.

"Gusto mo intayin nalng kita?"

"Naku wag na. Narinig kita may kausap ka sa phone nagmamadali ka. Mauna ka na, Jenna. Kaya ko na ito." Sabi ko at inayos na ang gamit ko.

"Sige Nadine, una na ako. Ingat!"

"Ingat ka rin!"

Inayos ko na yung gamit ko. Pero hindi ko makita yung phone ko! Nasan na ba yun? Dito ko lang yung nilagay kanina e. Hinanap ko sa drawer, sa ibabaw ng desk ko na puro folders pero wala! Nasan na ba kasi yung bwisit na phone ko?!

Inulit ko yung paghahanap. Hinanap ko sa drawer, sa ibabaw ng desk ko. . . Ang putcha! WALA pa rin! T.T

Naisipan kong tingnan sa ilalim ng table ko. Baka nalaglag ng hindi ko namamalayan. Pagdukwang ko, aba't nandun nga! Inabot ko na pero... Anakngpupu!!! Hindi ko maabot!

Lumuhod pa ako at dumukwang ulit para maabot ko yung phone sa ilalim. . .

"What are you doing?"

Napatigil ako sa pag-abot sa phone ko.

Naka-pencil cut akong mini skirt.

Nakaluhod at nakaduwang sa harap niya. .

Uwaaaaaaaaaaaaaahhhh!!

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now