"Tapos na ate." Sagot ni Sam.

   Inilabas naman ni Asia yung mga pinamili nya. Nag-uumpisa na syang kumain pero si Lei ay tulala pa rin sa harapan nya kaya napahinto sya sa pagkain at hinawakan ang kamay nitong nakapatong sa lamesa.

   "Lei, kumain ka na, baka ikaw naman ang magkasakit nyan. Sige pag nagising si bunso isusumbong kita." Ngumiti pa si Asia rito. Napabuntong-hininga muna si Lei bago inumpisahang kumain.














—————

   "Ate Asia, besh, uwi na kami." Paalam ni Sam sa kanila. 10pm na rin kasi at may pasok pa sila bukas.

  "Sige, mag-ingat kayo." Si Asia ang sumagot at humalik pa sa kanya ang dalawa. Lumapit sila Sam kay Lei at hinalikan din ang kaibigan.

   "Kita na lang tayo sa school bukas." Sabi ni Sam kaya napatango naman sya.

   Nang makaalis sila ay sila na lang ni Asia ang bantay ni Kyrie. Hindi rin nito iniiwan ang kanyang kapatid. Tuwing umaga naman ay nadalaw ang kanilang mga magulang.

   "Lei, dun ka na matulog sa sofa." Tinapik ni Asia si Lei sa balikat kaya napatuwid ito ng upo.

   Ang tigas naman ng iling nito. "Dito lang po ako ate, ayos lang po ako dito." Pagtanggi nito. Wala naman syang nagawa kundi ang tignan na lang ito. Hindi ito humihiwalay sa kapatid nya. Ultimo paggawa ng assignments nito ay nandun sya sa tabi ni Kyrie. Alam ni Asia na nahihirapan na ito pero hindi nya ito naringgan ng kahit anong reklamo. Ang palagi lang nitong sinasabi ay ayos lang ito.

   Umupo naman sya sa gilid ng kama ni Kyrie. "Wala kang assignments?" Tanong nya kay Lei.

   "Wala po ate." Sagot nito habang hawak ang kamay ni Kyrie at nakadampi iyon sa pisngi nito.

   "Kapag may assignments po ako ate, tinutulungan ako ni Kay-Kay gumawa." Nakangiting kwento nito habang nakatingin sa kapatid nya.

   "Really?" Hindi makapaniwalang tanong nya.

   "Opo ate. Sya rin nagdradrawing kapag may kailangan kaming idrawing."

   "Sabagay, matalino yang kapatid ko at magaling rin syang magdrawing." Sabi nya. Parehas kasi silang mahilig sa arts.

   "Kaso nga lang, napakapangit ng sulat ate. Kamukha nya." Biro nito kaya natawa sya.

   "Wala kang magagawa ngayon Kay-Kay, kahit laitin kita buong magdamag hindi ka makakakontra." Baling naman nito sa kapatid nya.

   Ngayon, naniniwala na si Asia na age doesn't matter talaga dahil mas matanda ang kapatid nya ng 10years kay Lei.

   "Lei, pano mo nagustuhan ang kapatid ko?" Nacurious sya kaya nagtanong sya rito.

   "Hindi ko rin po alam ate eh. Basta, nagising na lang po ako na mahal ko na sya." Nakangiting sagot nito at halatang kinikilig pa.

   "Noong una ate, galit na galit po sa akin si Kyrie. Lagi po kaming nag-aaway nyan kasi ang init palagi ng ulo." She grinned at Asia.

   "Aw, the more you hate, the more you love." Sabi nya kay Lei.

   "Siguro po ate."

   "Sige na, matulog na tayo. Good night Lei." Sabi nya at hinalikan pa sa noo si Lei.

   "Good night too, ate Asia."

   Pumunta na sya sa sofa at doon sya humiga. May unan at kumot naman silang dala kaya kahit papaano ay komportable naman sya sa pwesto nya kaso si Lei panigurado mananakit ang likod niyon dahil nakayuko lang ito magdamag.

   Matagal na syang nakahiga pero hindi pa rin sya makatulog. Bumangon sya para uminom ng tubig. Napasulyap sya kila Kyrie. Nacute-an sya sa pwesto ng dalawa. Si Lei, nakaupo habang nakasubsob sa gilid ni Kyrie at nakayakap pa ang isang braso nito sa kapatid nya. Kinuha nya yung phone nya at kinuhaan sila ng picture.

   Nilapitan nya si Lei at pinulot ang nahulog nitong kumot. Inayos nya ang pagkakalagay niyon sa likuran nito dahil baka lamigin iyon dahil naka-aircon ang buong kwarto.

   "Pagaling ka na bunso. Miss ka na namin." Bulong nya bago bumalik sa sofa at humiga ulit.














Lei Eros

   Nagising ako na ngalay na ngalay ang likuran ko kaya nag-inat-inat muna ako. Napangiwi naman ako nang sa pagliyad ko ay naramdaman ko lalo ang pangangalay ng balakang ko.

   "Sabi ko sayo sa sofa ka na lang din matulog eh." Boses iyon ni ate Asia.

   "Good morning po ate." Bati ko kaagad. Kanina pa ata sya gising dahil nakapamili na sya ng almusal namin. Napasarap ata ang tulog ko.

   "Mag-agahan ka na muna at nang makapaghanda ka na sa pagpasok."

   Napangiti naman ako dahil parang kapatid na talaga ang turing sa akin ni ate. Sumunod naman ako sa kanya. Habang kumakain ako ay tumunog naman yung phone ko. Binasa ko kung sino yung nagtext, si Sam pala. Dadaanan na lang daw nila ako dito para hindi na ako magtaxi.

   "Ate hindi ka pa kakain?" Napansin ko kasing nagkakape lang si ate.

   "Mamaya na lang. Wala pa akong gana." Sagot nya kaya hindi ko na sya kinulit pa.

   Nang matapos akong kumain ay niligpit ko muna yung pinagkainan ko bago ako pumasok ng banyo para maligo.

   Paglabas ko ay nakauniform na ako. Nakita ko namang may nurse na nagchicheck kay Kyrie. Kinuhaan nya ito ng vital signs. Nang matapos ay hinanda ang gamot nito at itinurok iyon sa dextrose na nakakabit dito.

   "Sir Kyrie, gising ka na dyan. Ang ganda ng misis mo oh." Sabi nung nurse kaya namula yung mukha ko. Ngumiti pa sa akin yung nurse.

   "Sino po magbabantay kay sir Kyrie?" Tanong nya sa amin ni ate Asia.

   "Ako nurse, papasok si Lei sa school eh." Sagot ni ate.

   "Bakit po?" Ako ang nagtanong.

   "Painform na lang po kami mamaya ma'am para mapalitan ung swero ni sir pag ubos na." Sabi ng nurse at tinuro pa yung intercom sa gilid.

   "Okay." Sagot ni ate Asia, paubos na rin kasi yung laman ng swero eh.

   "Sige po, dito na po muna ako." Paalam nito sa amin. Tumango kami dito at nagpasalamat na rin.

   Pakanta-kanta pa ako habang nagsusuot ng sapatos. Wala lang para iwas lungkot lang.

   Nang matapos ako ay nilapitan ko ulit si Kyrie at hinalikan iyon sa labi. "Papasok na ako daddy, kelangan pagbalik ko dito gising ka na ah." Bulong ko sa kanya.

   "Ate alis na po ako." Paalam ko kay ate Asia at humalik pa sa pisngi nya.

   "Sige Lei, ingat ka ah." Niyakap nya pa ako pero saglit lang.

   Lumabas na ako ng ward at lumakad papunta sa elevator. Speaking of elevator, nasa hospital ako ngayon kaya ayokong sumakay mag-isa sa elevator. Paranoid pa naman ako tungkol sa mga nababasa ko sa elevator ng hospital.

   Nang may makasabay ako ay kaagad rin akong sumakay sa loob niyon. Syempre kunyari matapang ako, kaya taas noo akong sumakay doon. Nang tumunog iyon sa ground floor ay daig ko pa si the flash na lumabas doon. Ang creepy sa loob eh, parang kakaiba sya.

   Nagdiretso na ako sa labas ng hospital, doon ko na lang hihintayin sila kuya Al. Umupo ako sa waiting shed para mabilis nila akong makita.

   Hindi naman nagtagal at dumating na sila. Kaagad naman akong sumakay sa kotse ni kuya. Tinanong nila kaagad kung nagkamalay na si Kyrie, sinabi ko, hindi pa kaya nalungkot rin yung mukha nila. Ang tahimik tuloy namin hanggang sa makarating kami ng school.




*VOTE

*COMMENT

Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]Where stories live. Discover now