001

16 1 1
                                    

Apple's Point of View:

I woke up because of the noise that came from my alarm clock. Kainis! Ilang araw ko nang plinano na hindi ko muna gagamitin alarm clock ko para walang disturbo habang mahimbing akong natutulog. Wala pa namang pasok kaya ayos lang na hindi ako magising ng maaga. Bakit ba kasi palagi akong puyat? May pinagpupuyatan ba ako? E, wala na. Nawala na, nawala nalang na para bang wala siyang nasaktang nilalang. Kasi naman, kainis yon.

Still, hindi naman talaga ako nahulog sa kanya kaya safe pa rin ang aking puso. No heartache!

I get out of my bed at nagtungo na ako sa kusina para mag breakfast.

"Ang aga mo yatang nagising." saad ni mama

"Our little princess, what can I do for you?" pang-aasar na tanong sakin ni kuya.

"Ewan ko sainyo, makakain na nga."

I was in the middle of eating my breakfast when my phone keep on popping. "Ingay naman nang cellphone mo sis, paki-silent." reklamo ni kuya.
Tinapos ko lang ang breakfast ko at kinuha ang aking phone. I saw a lot of notifications, from instagram, twitter and facebook. What the heck? Someone is stalking me.

"Francis Oliver Ignacio" banggit ko habang binabasa ang pangalan nang stalker. Iisang pangalan lang ang nandito so it mean this guy is stalking me. May gusto kaya siya sakin? No, I'm not the assumera type of girl kaya I won't assume that he had feelings for me, as if.

"Ano yung narinig ko sis? Name ng boyfriend mo?" kahit kailan nakakainis to si kuya, pinagtutulakan ba naman akong may boyfriend, ni wala nga nagkakagusto sa akin so paano ako magkakaboyfriend? "Pwede ba kuya kung gusto mong magkajowa huwag mo akong dadamayin. Hindi ako para sa bagay na yan." masungit kong sagot.
"May regla ka siguro sis no? Sungit mo kasi sarap mong hampasin nitong upuan."
"Makaligo na nga, nakakairita kasi mukha ng panget kong kuya." sabi ko sabay takbo papunta sa aking kwarto upang maligo.

I grabbed my shoulder bag at lumabas na ng kwarto. "Saan lakad mo ha?" tanong ni kuya.

"Magpapasama lang sakin si Aliyah may bibilhin raw siya tsaka kakain rin kami sa labas libre niya, why? You wanna come with us big bro?"

Biglang natahimik si kuya para bang pinag-iisipan niya kung sasama ba siya o hindi. Theo Tolentino, my big brother had a huge crush on my bestfriend named Aliyah Jessica Martinez. Ngunit hindi ko alam kong may gusto rin ba si Aliyah kay kuya.

"Pwede ako sumama?"
"Hindi. Bye kuya, alis na ako. Ikaw nalang ang bahala na magsabi kay mama kung saan ang lakad ko kung hindi sisiraan kita kay Aliyah."

"Apple, may kasama pala ako."

I saw someone na hindi familiar. "He's Francis, my cousin. Actually, they are just here for vacation, sa Canada talaga sila nakatira." ngunit nang banggitin ni Aliyah ang kanyang pangalan ay naging familiar ito sa akin.

Inilahad niya ang kanyang kanang kamay sa akin upang makipag shake hands. "Nice to meet you, I'm Francis Oliver Martinez Ignacio." Nanlaki ang aking mata sa narinig, siya nga yung tinutukoy ko na stalker. "Hoy! Bakit parang nagulat ka?" tanong nang aking kaibigan.

"Apple Gene Tolentino" at tuluyan nang nakipag shake hands sa kanya. Shet! Ang lambot ng kamay, ang sarap hawakan pang habang buhay. Ang corny ko naman.

"Nice name." maikling saad nito.

"Tara na. By the way, sinama ko siya because he want to know you." "Nang-aasar ka ba bes?" "Hindi ah, he's been stalking you kanina at kitang-kita yun ng dalawang mata ko kaya I confronted him kung bakit ka niya iniistalk." "Tapos? Ano sinagot niya?" "Oy, si Apple interesado." pang-aasar nito "Then don't answer nalang. Kainis, bagay talaga kayo ng kuya ko."

Pumunta na kami agad sa store kung saan may bibilhin si Aliyah. Pagkatapos ay sa McDonalds ang aming punta. Tamang-tama tanghalian na.

"Aliyah, my treat." his cousin, Francis, said.
"Sure. So, let's find a table and order our food."

Pagkatapos ng ilang minuto ay nakapili na kami ng oorderin. "Ako na mag oorder." Aliyah volunteered.

Naiwang kaming dalawa ni Francis. It's very uncomfortable. Naiilang ako sa mga titig niya. Kinuha ko nalang ang aking cellphone at nag scroll sa facebook.

Muntik ko nang mabitawan ang aking cellphone dahil sa gulat ng makita kong nag message sa akin si Francis sa messenger. Nanlaki ang aking mata sa nabasa.

Francis Oliver Ignacio: I like staring at you. You're so beautiful.

Your Choice Over MineWhere stories live. Discover now