I decided to avert my eyes towards the menu. Nakalagay ito sa itaas na bahagi ng counter.

"Ako pipili no'ng sa akin," sabi ko sa kanya. Hindi man ako makaganti sa kanya sa panguurat niya sa akin. Dito naman ako babawi!

I ordered thrice as much. Tinitignan ko ang reaksyon niyo pero parang hindi man lang siya aware sa ginawa ko. Nagawa pa nga niya omorder ng sarili niyang pagkain.

Ginto kaya pagkain sa Caf namin. Bottled water nga lang nasa singkwenta na.

Ako ang naghanap ng pwesto namin habang siya naman ang nagdala ng pagkain namin sa isang table. Umupo na kami at tulad kanina ay magkatapat ulit ang pwesto naming dalawa.

Ang dami ko pa lang binili. Tatlong ulam, tatlong kanin, at tatlong drinks. Tapos parang tanga 'tong si Sarathiel dahil bumili pa ng blueberry cheesecake na isang buo.

I swallowed my own saliva, I'm hungry but not this hungry.

Sarathiel chuckled. Napatingin ako sa kanya.

"Eat well," he smiled at me. Pero sa maikling panahon na nakilala ko siya alam kong tinatawanan na ako ng hayop na 'to sa utak niya.

I inhaled some air before eating. I was eating like a viking. Hindi ko pinapansin si Sarathiel na halos hindi matanggal ang tingin saakin.

Halos masuka na ako sa sobrang dami ng kinain ko. Medyo nanghinayang din kasi ako kasi marami kayang nagugutom sa mundo! Pero itong nasa tapat ko nagawa pa akong yayain kumain ng dessert.

"Thank you, huwag na sana maulit." I sneered at him.

He gave me a boyish smile.

Thankfully, I was able to get the answers needed for our research. Napilit ko naman siyang sumagot nang maayos — tinutukon ko na siya ng ballpen e. Hindi ko rin inakala na may substance pala siya sumagot kapag seryoso.

Kahit masakit man aminin ay nakita ko naman sa mga sagot niya...

Deserve nga niya 'yung with high honor.

『••✎••』

"Si Stacy na lang daw magp-print."

Halos mapunit ang mukha ko sa kakangiti. I was trying so hard not to show my irritation on my face.

Sino ba kasing matutuwa? Ngayon lang sila kikilos porke't bukas na 'yung defense namin? Tapos print lang, may grades na kaagad sila?

Edi sana di na ako nag-aral nagtayo na lang ako ng comshop kasi pwede naman palang print-print lang aasenso na sa buhay!

"Sige," pumayag si Melay. Tumingin naman ako kay Melanie nang masama. I wanted her to know she's not helping at all.

"Pabayaan mo na. Sa grades na lang tayo bumawi. Kawawa naman sila kung magkakaroon sila ng individual research." Paliwanag ni Melanie.

"That's not fair. Paano naman tayo na nag-puyat, gumastos at nag-pagod? Ano? Print lang pala katapat no'n?" reklamo ko.

Alam kong meron naman kaming peer evaluation. Pero ano ilalagay namin doon kung simula't sapul ay hindi naman talaga sila tumulong? Ngayon lang na magkakaroon kami ng mock defense?

Heranie, Paulene, and Isabelle hesitated too. Ilan kami sa grupo pero iilan lang din ang kumilos para gumawa. Hindi pa naman ito 'yung final defense, parang mock defense nga lang ito para tinqgnan kung may patutunguhan ba talaga 'yung research namin.

Hindi ako kailan man naging pabuhat sa klase. Kaya hindi ko alam kung ano 'yung feeling nila Stacy na lulubog at lilitaw na lang bigla-bigla. I'm probably not compassionate enough and that's the reason I don't have many friends. Wala akong time makipag-plastikan sa kanila.

Hold You Accountable (Published) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon