Bloody VI - Three vs Three

Magsimula sa umpisa
                                    

Matagal kaming nagtititigan at nakakaboring na!

"Ano? Simulan na." Seryosong sabi ko.

Kinakabahan ako kasi hindi ko na matandaan ang kapangyarihan nung dalawang kasama ni Meridette!

Alam ko sinabi na sakin to nila Mia at Nasqued e!

Utak! Ala-lahanin mo!

"Sabi mo e." Nangaasar na sabi ni Merditte at medyo napaatras ako sa ginawa ng kakampi nya!

Hindi pa man ito sumusugod, ramdam kong malakas ito!

Paano ba naman? Napapalibutan ito nh itim na usok! Yung lalaki! Si Levicarl!

Parang shadow..

Nakakatakot...

"Aaah!" Sigaw naman ni Carmilla, pero yung sigaw nya, tunog lion!

At tama nga ang hula ko! Nagi syang isang lion! Isang nakakatakot na lion!

At si Meridette ay pinadami na nga ang sarili nya!

Tumingin ako sa dalawa kong kakampi at tumango naman sakin si Miyuki.

Sumugod na kami at ganon din sila!

"Aaaah!!" Sigaw naming lahat!

"Bitch!!" Si Meridette lang ang sumigaw ng ganon. Pabida talaga.

At nagtapat na nga kami sa gitna! Nasa tapat ko si Meridette at ngumingisi ngisi pa!

Yung dalawa naman, kay Miyuki, bumabalibag yung lion! Habang kay Marcus ay medyo nahihirapan sya dahil kahit saan sya magteleport ay sinusundan sya ng dilim na usok!

"Hindi kita napatay nung nakaraan e, ngayon na lang!" Sigaw ni Meridette!

"Asa!" Sigaw ko pabalik at sumugod na sya sakin! Andami nya!

Hindi ko malaman kung nasan sya!

Nagtatatakbo lang ako dahil hinahanap ko ang tunay na Meridette!

"Wala ka ng matatakbuhan bitch!" Sigaw pa ni Meridette at tumawa ng tumawa!

Naabutan na ko ng mga duplicate nya, agad naman akong bumalibag!

Hindi ako nakatayo agad dahil sa bato tumama ang likod ko!

"Kaya pa?! Hahaha!" Pangaasar ni Meridette habang tumatawa ng tumatawa!

Nakatingin sya sa madilim na kalangitan kaya kinuha ko na ang tsansa para atakihin ang duplicate nya at hanapin ang tunay na sya!

Pagkasapak ko sa isa, agad itong nawala! Naging mabilis ang kilos ko kaya maging si Meridette ay hindi ako mahuli!

Mayroon nalang limang Meridette, at isa lang don ang tunay!

"You think you can defeat me?!" Nanlilisik na naman ang mata nya! Parang kanina lang tumatawa tawa pa to ah?!

"Hindi! Dahil matatalo talaga kita!" Sigaw ko at inatake na ang apat at agad din na naglaho!

Huli ka.

Ngumisi ako sakanya!

Pasugod na ko ng bigla syang nagsummon ng isa pang sya!

Kaya nahuli nila ko at ibinalibag!

"Hahaha! Ang taas naman ng pangarap mo!" Sigaw ni Meridette!

Naging parang flexible ang duplicate ay pumunta sakin na parang tubig sa bilis!

May hawak silang kutsilyo! Hindi ito basta-basta!

Aatakihin na nila ko ay wala kong alam gawin ngayon kung hindi ang sumigaw!

"Aaaaaah!!" Sigaw ko at tumulo ang luha ko!

Agad na tumahimik ang paligid at pagkadilat ko ay nakatumba na si Meridette, maging ang dalawang kalaban.

A-anong nangyari?

"She-sheerina." Nanginginig na tawag sakin ni Mia.

"Anong nangyari Mia?" Seryoso kong tanong.

"Bakit ganon?" Seryoso ko pant dagdag.

"I-ikaw ang may gawa non Sheerina." Kinakabahang sabi ni Mia at parang natatakot sakin.

Dahil lumapit ako sakanya, habang sya naman ay palayo ng palayo!

Tumingin ako sa paligid at lahat sila nakatingin sakin!

Iba't-ibang emosyon ang nakikita ko sa mata nila.

Ang mga topblooder ay nagbubulungan.

Habang si Ashton, nakatingin din sakin at parang sinusuri ako.

Ako? Ang gumawa non?

Paano? Paano?!

Tumalikod na ang mga top blooder at maging ang iba.

Iilan nalang kaming naiwan dito.

Nagpapakiramdaman, at halatang ako ang ang pinaguusapan.

Pero kung ako man nga ang nakagawa non, paano? Paano?!

"Sa mga magpapartipisasyon, inaanyayahan na kayong tumungo sa isang malawak na field. Get ready to feel hell.

Bloody Hell University (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon